Chapter 7

1469 Words
Binigyan din ako ng temporary gate pass ng receptionist dahilan para makapasok ako sa faregates. Sinabi na rin naman ni Brent sa text kung anong floor ang office niya kaya iyon ang pinindot ko nang pumasok ako sa elevator. Mag-isa lang ako sa loob, tahimik at kitang-kita ko ang reflection ko sa haligi ng elevator. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto nito sa tenth floor. Prime Stellar Solutions— iyon ang bumungad sa paningin ko na siyang nakapaskil sa patag na pader gamit ang mamahaling signage. Lumabas ako roon at dahan-dahan na iginala ang paningin. Mabilis namang tumayo ang isang lalaki na kanina lang ay nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nakatanaw siya sa akin. "Good morning," nakangiti kong bati. "Ikaw si Miss Martinez?" paninigurado niya, ito marahil iyong secretary ni Brent. Ibig sabihin ay itong buong floor na 'to ay opisina niya? Wow, nakakamangha naman. Tumango ako bilang sagot. "Opo." Natawa siya. "Naku, huwag mo na akong i-opo. Bata pa ako, twenty five." Tumawa rin ako, saka marahang naglakad sa makinis na tiles. Parang walang dumi. Bibihira ang gamit na makikita, minimalist ang disenyo. Pinaghalong silver black at puti ang kulay ng paligid. "Maupo ka muna. Wala pa si Sir Brent, nasa meeting pa," anang lalaki. Tumango ako. "Hintayin ko na lang rito." "By the way, I'm Renzo. Short for Lorenzo," nakangiti niyang pahayag. Ang bait naman nito. Talagang nagpakilala pa siya. At infairness, ngayon lang ako nakakita ng lalaking secretary. Madalas kasi ay puro babae. "Hello, Lala na lang din." Ngumiti ako at saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. "Sure, Lala. Have a seat." Tuluyan akong naupo sa pahabang sofa. Napansin ko ang isang pinto sa hindi kalayuan. Mukhang doon ang office ni Brent. Talaga ngang mayaman ito. ‘Prime Stellar Solutions is a marketing company. We offer a wide range of marketing services, covering everything from strategy to execution.’ Nabasa ko iyon mula sa front page ng isang magazine na naroon sa center table na gawa sa marble. Hindi ko maiwasang hindi mapanganga. Nakakamangha lang na makapasok sa ganitong klase ng company. Akala ko ay magtitiis na lang ako sa labas kung saan masyadong open sa usok ng mga sasakyan at delikadong mga tao. "So, ano pala ang sadya mo rito?" pukaw ni Renzo, rason para balingan ko siya. "May offer sa akin si Bre— si Sir Brent, trabaho..." sagot ko naman. "Oh? Parang hindi naman kami hiring." Nang marinig iyon ay halos magpantig ang dalawang tainga ko. "Ibig sabihin ay mayroon pa siyang personal assistant?" "Personal assistant?" ulit niya. Hindi ko ba alam kung bingi ba ang mga tao rito sa company ni Brent kagaya na lang ni Gladys. O masyado silang nabibigla sa mga pinagsasabi ko. "Oo, iyon ang offer niya sa akin." Biglang natawa si Renzo. "Never naman nagkaroon ng PA si Sir Brent." Saglit akong natahimik. Mayamaya pa nang biglang bumukas ang kaninang pinto na napansin ko. Iniluwa nito si Brent na nakasuot ng magarang suit. Natigilan siya nang makita si Renzo na mabilis ding tumigil sa pagtawa. Ibinalik niya sa akin ang atensyon, matagal siyang tumitig na parang tinatantya ang emosyon ko ngunit tumalikod din naman siya at bumalik sa opisina niya. "Tapos na pala ang meeting nila," ani Renzo, nakaupo pa rin ako dahil hindi ko naman alam ang gagawin. Nag-ring ang intercom sa pwesto ni Renzo, sinagot niya iyon. "Okay, Sir." Iyon lang at ibinaba rin ang tawag, nilingon niya ako. "Pwede ka nang pumasok sa loob." Tumayo na ako. "Sige, salamat." Sabay kaming ngumiti sa isa't-isa. Hindi naka-lock ang pinto sa office ni Brent kaya madali ko iyong naitulak upang buksan. Bumungad sa akin ang mas malawak pang espasyo nitong floor. Nakita ko ang elevator na siyang nakakonekta sa baba. Mula naman sa likod ng kaniyang table ay ang isa pang pinto na hindi ko alam kung saan patungo. Carpented ang floor kaya nakakahiyang lumakad palapit sa kaniya. "Tapos na ang meeting mo?" bungad ko para may mapag-usapan kami. Abala na kasi ito sa kaniyang laptop. Titig na titig siya roon at bawat tipa niya sa keyboard ay umiigting ang panga niya. Ngayon ko lang siya makitang seryoso, parang ang dedicated niya sa trabaho. Kung sabagay, kung ako lang din naman ang may-ari nitong company, kahit mayaman na ako ay pag-iigihan ko pa rin. Lalo at nakikita kong namamayagpag ito sa industriya at kilala ng marami. Lumakad ako nang dahan-dahan, isa-isa ring tinitingnan ang gamit sa paligid. Isang estante ng bookshelf ang makikita sa gilid, katapat ay iyong sofa set at center table, kung saan naman ay glass wall ang nasa harap bilang tanawin kaya kitang-kita ang kabuuan ng siyudad. Maliwanag dala ng papasikat na araw sa labas ng building, pero dahil sa purong silver black ang style ng kaniyang opisina ay parang dim pa ring tingnan. Tamang nagbibigay lang ng liwanag ang isang chandelier sa kisame. "Ako pala ang kauna-unahan mong PA?" tanong ko pa ulit, hindi kasi siya nagsasalita. "Nabanggit sa akin ni Renzo." "Renzo?" Tumigil si Brent sa ginagawa para lang lingunin ako. "Oo, si Renzo iyon 'diba?" "Close na kayo?" balik tanong niya. "Hmm, hindi naman. Pero ang bait niya, ah! Saan mo 'yun nakuha? Ngayon lang ako nakakita ng lalaking secretary." Mahina akong natawa. "Kapag ako yumaman, lalaki rin ang kukunin kong secretary. O kaya kukunin ko siya kapag hindi na siya nagwo-work dito." Masama akong tinitigan ni Brent. "Hindi 'yon mabait. Lumayo ka roon." Ngumuso ako. "Ganoon? Ang bait kaya." Huminga siya nang malalim. Gumalaw ulit ang panga niya, saka siya sumandal sa kaniyang swivel chair. Mas itinuon nito ang atensyon niya sa akin. "Anyway, tanggap ka naman na at ngayon ang first day mo," matabang niyang sinabi habang nakatitig pa rin sa akin. "Wala ng interview?" gulat kong bulalas. "No need." "So, anong gagawin ko ngayon?" Nag-isip siya... "Maupo ka lang diyan." Nalaglag ang panga ko. Seryoso siya riyan? Nilabas ko ang cellphone ko. Tinulungan ko na siyang mag-isip. Total ay ito ang first time niyang magkaroon ng PA, magse-search ako para sa kaniya. "They handle a wide range of responsibilities, from scheduling and communication to managing documents and travel arrangements," pagbasa ko roon mula sa context. "So, ano na palang magiging trabaho ni Renzo?" Lumalabas na parang secretary na rin ang magiging trabaho ko. Eh, 'di nawalan ng trabaho si Renzo dahil sa akin? "A personal assistant is a job title describing a person who assists a specific person with their daily business or personal task," pahayag ni Brent. "Oo nga. Eh, 'yun din trabaho ni Renzo 'di ba? Ano na lang ang gagawin niya?" "You only work for me. Meaning to say, sa akin ka lang." Nagkatitigan kami ni Brent, seryoso siya, parang galit pa dahil nakakunot ang mga kilay niya. "Oo, kaya nga personal 'di ba? Pinersonal mo na ako, e." Inirapan ko ito. Humalukipkip ako. "Wala ka bang ipapagawa?" mukhang mabuburyo lang ako rito. Lumanghap ng hangin si Brent. Unti-unti nang na-relax ang mukha nito. Umamo rin ang itsura, siguro'y napagtanto na kanina pa niya ako ginagalit ng galit niya. "Ipagtimpla mo na lang ako ng kape," sa mababang boses na utos niya. "Saan?" Itinuro nito iyong water dispenser na may hot and cold. Sa gilid ay iyong marbled counter top, sa taas nito ay ang hanging cabinet. Tinungo ko iyon. Ginawa ko ang utos nito at nagtimpla ng kape. May sarili siyang mini pantry dito. Siguro ay mayroon din siyang kwarto at CR. Sa lawak nitong palapag ay hindi naman na nakapagtataka iyon. Baka rito na nga siya minsan natutulog kapag sobrang busy. "Heto na po, Sir Brent," sambit ko, kapagkuwan ay marahang inilapag ang baso ng kaniyang kape sa table nito. Nagtaas siya ng tingin sa akin. "Ano pa pong maipaglilingkod ko, Sir Brent?" segunda ko habang nakangiti. "Nag-agahan ka ba?" Natigilan ako. Sandali ko siyang tinitigan, ang mukha niya'y maamo. Ngayon ko napagtanto, ang gwapo pala talaga niya. Lalo kapag ganitong ang bait niyang tingnan, para siyang santo. "Sandwich lang," kalaunan ay sagot ko. "Ayaw mong kumain?" "Ayaw mo bang mangayayat ako?" Pasimple niya akong inungasan. "Sinisigurado ko lang na nakakain ka ng tama. Paano kung bigla kitang ayain?" Umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ako kaagad nakapagsalita, pero mabilis kong hinampas ang balikat niya. "A—ano ka ba! Ang bastos mo naman..." Biglang humina ang boses ko ngunit kaagad ding nakabawi. "Sa harap pa talaga ng kape mo??" Napangiti siya sa naging reaksyon ko. Paniguradong mukha akong clown sa kaniya, tuwang-tuwa siya kapag nakikita niyang naiinis ako at binabara siya. "At isa pa, hindi naman ako makikipag-séx sa 'yo hangga't hindi ka bumibili ng condom, 'no!" singhal ko rito. "Condom..." Tumango-tango siya. "All right, we'll buy later at night." Pumalakpak ako sa tuwa. "So get ready for tonight." Kumindat siya dahilan para matigil sa ere ang pagpalakpak ko, bigla akong kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD