Nagising ako na masakit ang katawan, ganoon din ang ulo ko na animo'y binibiyak at hinahati sa dalawa. Dahan-dahan akong nagmulat at kaagad na hinanap si Brent sa tabi ko. Nandito pa rin ako sa opisina niya, pero nasa kama na dahil nagkaroon din kami ng session dito kagabi. Nang maalala ang mga nangyari ay nag-init ang pisngi ko. Roon ko lang din naramdaman ang hapdi sa pagitan ng aking hita. Iyon ang patunay na ihi lang ang naging pahinga ko kay Brent. Wala siyang kapaguran. Kung hindi lang ako tinamaan ng antok, baka hanggang ngayon ay nagbibirahan pa rin kaming dalawa. Lumanghap ako ng hangin. Napansin kong umaga na pala, papasikat na ang araw sa labas kaya minabuti ko nang bumangon. Hindi ako nakauwi at malamang ay hinahanap na ako ni Mama. Marahan ang bawat galaw ko dahil pakiramd

