Chapter 12

1489 Words
Lalong humaba ang nguso ko. Wala si Brent ngayon sa office niya kaya nandito ako sa labas. Pinili kong dito na tumambay para may kasama ako dahil kanina pa ako naboboring doon. Halos dalawang oras na siyang nasa meeting. At hindi talaga niya ako pinapansin. Pagkatapos ng naging usapan namin sa elevator ay tahimik na ulit siya. Ayoko rin namang umimik dahil galit din ako, kaya bahala siya sa buhay niya. Malakas akong bumuntonghininga sa kawalan dahilan para mapatingin sa akin si Renzo na abala sa kaniyang computer. Tambak ito ng trabaho sa lamesa niya. Kahit pa tinulungan ko na siya kaninang mag-sort ng mga document. "Problema mo?" pang-uusisa niya. "Wala naman." Tumayo ako mula sa sofa at lumipat sa upuan na naroon sa tapat ng kaniyang desk. "Ano na ngang nangyari riyan sa mukha mo, Renzo?" Muli kong sinuri ang kaniyang pisngi, maliit lang naman iyon at pahilom na rin. Iniisip ko nga kung binubugbog ba siya sa bahay nila? O baka may nakaaway ito. "Sinapak ako ni Sir Brent—" Tumigil siya sa pagsasalita, pero huli na dahil narinig ko lahat. "Ano?!" eksaherada kong bulalas, hinampas ko pa iyong lamesa niya. "Gago siya? Bakit ka niya sinapak? Sabihin mo!" "Shh! Baka may makarinig sa 'yong minumura mo si Sir," pagpuna niya habang tumatawa, pero seryoso ako ngayon. Wala namang ibang tao rito, kami lang dalawa. At ano naman kung marinig nilang ginagago ko si Brent? Gago naman talaga siya. "Bakit ka ba kasi niya sinapak??" "May hindi lang kami pagkakaintindihan. Hayaan mo na, simpleng bagay lang naman 'yun." "Hindi! Anong simpleng bagay para sapakin ka niya?" singhal ko, literal nang natatawa si Renzo sa reaction ko. Ganiyan na ganiyan si Brent, panay ang tawa. Feeling ko tuloy ay mukha akong clown sa paningin nila. "Nagsinungaling kasi ako sa kaniya," kalaunan ay pag-amin niya pagkatapos nitong bumuntonghininga. Ah, kasalanan naman pala niya. Deserved. Nahimasmasan ako, pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili na huwag mang-usisa. Grabe naman ang Brent na 'yon at nananapak ng empleyado niya? "Ipa-DOLE mo kaya siya?" suhestiyon ko, nagulat siya pero mayamaya lang ay lumakas ang pagtawa niya. "Hindi pwede. Baka kami pa ang makasuhan," pahayag niya dahilan para mangunot ang noo ko. "Bakit naman?" Lalo lang din akong lumapit sa kaniya, kulang na lang ay pumatong ako sa lamesa para lang marinig kung ano man ang sasabihin niya. Matagal siyang tumahimik. Tila ba roon lang din natauhan na nagkukwento siya sa akin. Nagtaas ako ng kilay dito. "Hindi mo sasabihin?" Hinawakan ko ang ballpen niya— hinawakan lang naman pero bigla yata siyang kinabahan. Mariin siyang pumikit bago pinakawalan ang buntonghininga niya. "Hindi ko kasi nabanggit sa kaniya na virgin ka pa," mahina niyang sinabi ngunit dinig na dinig ko iyon. Pati ang paghataw ng tila tambol sa tainga ko, literal na nagpantig ang dalawang tainga ko sa narinig. "Ano?!" Napatayo na ako mula sa pagkakaupo ko, biglang nag-init ang ulo ko. "Ibig sabihin, ikaw iyong nag-iimbestiga sa akin? Kaya alam ni Brent ang tungkol sa pamilya ko??" Maanghang ko siyang tiningnan. Idinuro ko sa kaniya iyong ballpen. Samantala ay nagtaas naman ng kamay si Renzo, animo'y pinapakalma ako. "Utos niya iyon..." At ngayon ay sinapak siya dahil hindi niya nasabi na virgin pa ako? "Pinaimbestigahan ka lang niya sa akin at sakto naman na nakilala ko ang manager mo na si Ronald, pero hindi niya alam na nagtatrabaho ako kay Sir Brent. Nakilala ko rin si Tanya at sa kaniya ko nalaman na unang araw mo iyon sa trabaho at si Sir Brent ang magiging una mong customer," mahabang paliwanag nito. Ang walang hiyang Tanya na iyon, bakit niya ako nilaglag? Hay naku. Kapag nagkita kaming dalawa ay sasabunutan ko talaga siya. Palibhasa ay tulog iyon sa umaga at gabi na siya nakakalabas ng bahay nila. Kaya wala rin talaga kaming oras para magkita. Kung hindi ko pa nga iyon pinuntahan sa bahay nila ay hindi ko pa siya makakausap. "Hayaan mo na, first time niya kasing gawin iyon— ang magrenta ng babae kaya siguro ay naninigurado lang siya sa background mo," dagdag ni Renzo. Sa dami ng sinabi niya ay napakamot na lang ako sa ulo ko. At anong first time? Ang sabi niya noon sa hospital, last month lang ang naging huli niya. "Huwag ka nang magalit, baka pareho pa tayong matanggal kapag nalaman niya pang sinabi ko ito sa 'yo." Inirapan ko na lang si Renzo at hindi na nga nagsalita. Kinimkim ko lahat ng gumugulo sa isipan ko, na hindi ko na namalayang tanghali na. Kumulo na lang ang tiyan ko ay wala pa rin si Brent. Iniwan na rin ako ni Renzo dala ang ilang documents na dadalhin daw niya sa ibabang floor. Huminga ako nang malalim. Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla iyong tumunog, nag-text si Brent. “Gutom ka na ba?” “Kanina pa.” Iyon ang sagot ko. Mabilis din siyang nakatipa ng reply, parang hindi naman siya busy. “I've already ordered our food. Kunin mo na lang mamaya sa baba.” Hindi na ako sumagot. Naiinis pa rin ako sa mga nalaman ko kanina, lalo sa parteng galit siya sa akin. Tapos ngayon ay magte-text siya na parang wala lang? Napaismid ako. Hindi rin nagtagal nang magdesisyon akong bumaba na para puntahan ang information desk. Doon ko na hinintay ang rider na magdadala ng pagkain namin ni Brent. Sa totoo lang ay pwede naman akong kumain nang mag-isa, kahit iwan ko si Brent at sa labas ako kumain, pero ayaw niya. Gusto niya na sabay kaming kumain kagaya noong unang araw ko rito, sa opisina lang niya kami kumain. Nang makababa ay saktong kapapasok lang ng rider, sinalubong ko siya at kinuha na iyong paper bag na dala niya. Bayad na iyon kaya deretso na akong bumalik sa elevator, sa common elevator. Ilang sandali pa nang makarating ako sa 10th floor. Bumukas ang pinto nang halos magulantang ako dahil sa presensya ni Brent. Naroon ito sa tapat at halatang naghihintay... sa akin. O sa pagkaing dala ko. Nag-iwas ako ng tingin at lumabas na rin ng elevator. Nilampasan ko ito, mabilis naman siyang sumunod at ramdam ko ang titig niya sa likod ko. Tahimik lang siya at nang makapasok sa office niya ay naupo pa ito sa swivel chair niya, balak pa yatang magtrabaho imbes na kakain na. Binitawan ko ang pagkain niya sa table nito, kapagkuwan ay namaywang sa gilid niya. Alam kong galit siya, pero mas galit ako. Naiinis ako sa kaniya. "Hindi ka pa ba kakain? Ang tagal-tagal kitang hinintay, kanina pa ako nagugutom. Sana pala ay nauna na akong kumain sa 'yo dahil kailangan ko ring uminom ng gamot—" Hindi ko na natuloy, inikot nito ang upuan niya at hinawakan ang kamay ko, saka ako hinila dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Natagilan ako. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang braso niyang unti-unting pumulupot sa baywang ko. Para akong nanigas na hindi na makagalaw pa. "Nilagnat ka pala... kaya hindi ka nakapasok," bulung-bulong ni Brent sa likuran ko. "Akala ko ay iniwan mo na ako, na ayaw mo na." Mahina siyang natawa, marahil sa kalokohang iniisip niya. "Ikaw na nga nagsabi 'di ba? Hindi pa tapos ang three months na kontrata natin," iritado kong banggit kahit grabe na kung magrigodon itong puso ko. "At paano kung umayaw nga ako? May magagawa ka ba? Irereklamo mo ako? Sasampahan ng kaso?" Muli siyang natawa, humigpit din ang pagkakayakap niya sa baywang ko. Halos maghuramentado ang loob-loob ko at hindi mapakali, pero nananatili akong parang estatwa sa kandungan niya. "Hindi. Magbabayad ulit ako hanggang sa gusto mo na ulit." May bahid ng lambing ang boses niya, tila nanunuyo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ilang mura na yata ang nabanggit ko sa utak ko. Tang... ina... bakit naman ganito? "Pero bakit ayaw mo sa virgin?" namamaos kong tanong. "Bakit mo ako iniwan?" Bumuntonghininga hininga si Brent. "Hindi naman sa ayaw, nagulat lang ako. Kahit na... alam ko sa sarili kong virgin ka nga. Just the way you move and act, alam ko sa umpisa pa lang, kahit na ilang beses mo pa iyon itanggi sa harapan ko." "Pero bakit mo pa sinapak si Renzo??" angil ko rito na ikinagulat niya. "Alam mo?" bulalas niya, humigpit ulit ang pagkakayakap niya sa akin. "Ano? Tatanggalin mo siya? Kapag ginawa mo 'yon, ayoko na sa 'yo." Natahimik siya kahit na labag sa kalooban niya. Gusto ko siyang lingunin pero ang hirap dahil sa pwesto naming dalawa. "Bakit ka umalis noong gabing iyon?" tanong ko ulit, curious lang kung bakit, gayong okay lang naman pala sa kaniya. "Ikaw ang umalis. Pagbalik ko, wala ka na." "Bakit? Saan ka ba nagpunta?" "Nasa... balcony ako no'n, Lalaine..." "Bakit?" "Lumabas lang ako. Natuwa... kasi ako... na ako ang first mo... f**k," bandang huli ay napamura na lang siya dahil sa pag-amin niya. "f**k, Lalaine, binabaliw mo ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD