Pagak akong natawa upang pagtakpan ang sarili. "Ako, magseselos? Bakit? At saka, normal lang naman talaga 'yon sa mag-ex. Lalo na't matagal pala kayong nagsama. Anim na taon?" Muli akong tumawa, parang baliw lang. "Hindi biro 'yon, ah! Grabe iyong taon na ginugol ninyo sa isa't-isa. Kaya nga hirap ka ring maka-move on, 'di ba?" Titig na titig sa akin si Brent, tila ba nakikinig siya sa lahat ng sinasabi ko. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay nito. "Paano mo nasabi?" "Feel ko lang... nakikita ko sa 'yo. Sa ganda ba naman niya, kahit sino naman yata ay hirap siyang makalimutan." "I did not forget her, Lalaine." Saglit akong tumigil para tingnan si Brent. Sa narinig ay kumirot ang dibdib ko. Animo'y nawalan ako ng salita at hindi na nadugtungan iyong boses ko. "But I forgot how I lov

