Napakurap-kurap ako sa mga narinig. Wala akong pakialam kay Brent ngayon dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa babae at ang masasabi ko lang habang pinagmamasdan siya, gustung-gusto niya iyong pink, tila paborito niyang kulay. Mahaba ang buhok niya, kulay itim at tuwid na tuwid. Halos pareho lang din kami ng height, parehong petite. Kung ganiyan lang din ako kaputi, kahinahon magsalita at kagarang manamit, hindi nalalayo ang itsura naming dalawa. Sa ibang anggulo, tila nakikita ko ang sarili ko sa kaniya. Umawang ang labi ko. Halos hindi na makapagsalita. Sunod kong binalingan si Brent, mataman pa rin siyang nakatitig sa akin habang paminsan-minsang nagbababa ito ng tingin sa kamay naming dalawa ni Renzo. Maging siya ay nagulat din sa presensya ko. Saglit pa niyang kinuha ang cellpho

