[WARNING: SPG]
Totoo talaga si Brent sa lahat ng binibitawan niyang salita. Mayroon siyang isang salita. Kapag sinabi niya ay paninindigan niya. At hindi ko alam kung ipagpalasalamat ko ba iyon.
Katulad nito, nandito kami ngayon sa isang hotel at dito niya napiling mag-check in. Ang nakapagtataka, wala man lang akong naging angal. Hindi ako umiling, hindi rin nagsalita o pumayag.
Parang may kusa iyong katawan ko na sumama sa kaniya. Para na lang akong alipin ni Brent na sunud-sunuran sa kaniya, na kahit anong gawin o sabihin niya, awtomatiko ko iyong susundin.
Saka ko na lang iyon na-realize noong buksan ni Brent ang pintuan sa nakuha niyang suite. Bumungad sa akin ang maaliwalas na loob dahil sa malawak na balcony mula roon sa kwarto.
Nakahawi ang kurtina kaya kitang-kita ang sikat ng araw na bahagyang natatakpan ng manipis na hamog. Hindi na kailangan pang buksan ang aircon dahil malamig na ang hanging pumapasok dito.
Nakita ko si Brent sa gilid ng kama. Nagsimula siyang maghubad ng kaniyang jacket at t-shirt. Kinalas din niya ang sinturon, saka ibinaba ang suot na pantalon. Naiwan na lang ang kaniyang boxer shorts.
Bumagsak ang panga ko sa mas magandang tanawin, nagmukha siyang modelo ng isang sikat na undergarments at kung totoo man nga iyon, siguronay isa siya sa pinakamabenta, paborito at pinapakyaw sa mga commercial.
Tila may runway pa sa harapan ko nang maglakad siya patungo sa pwesto ko, bigla ring nagkaroon ng spotlight na sumusunod sa bawat galaw niya.
Si Brent na lang ang nakikita ko ngayon, wala ng iba. Nababaliw na nga talaga ako. Wala pa sa sarili nang mapasinghap ako nang hawakan ni Brent ang baba ko, tipong gustong isara sa pagkakanganga.
Halos murahin ko ang sarili, parang gusto kong sumabog at lumipad paalis sa harapan niya. Lalo na noong makita ko ang ngisi niyang nang-uudyo.
"Enjoying the view, baby?" Sa boses na nang-aakit ngunit mapang-asar pa rin.
Napalatak ako at kaagad tinabig ang kamay nito. Pakunwaring inirapan ko siya, pero lintik, kumakawala rin ang ngiti sa labi ko. Mabilis ko siyang nilampasan para hindi niya makita ang namumula kong pisngi ngunit mas maagap siya.
"You're blushing," pagpuna ni Brent, kapagkuwan ay hinuli ako at madaling niyapos sa aking baywang.
"Brent!" sigaw ko.
Awtomatiko akong napabalik sa pwesto namin at doon ay hindi na niya ako pinakawalan pa. Gamit lang din ang isang paa nito ay itinulak niya iyong pinto na kanina pa nakabukas.
Isinubsob ni Brent ang kaniyang mukha sa leeg ko, saka siya roon sumisinghot na para bang nilalanghap ng amoy ng katawan ko. Pinaghalong kiliti, gulat at kahihiyan ang naramdaman ko.
Kagustuhan kong pumiglas ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Brent, sa laki ng katawan niya ay para na nga akong nakalutang sa ere. Nakatingkayad na ako, pati ang ulo ko ay nakatagilid na, hindi napansing binibigyan na ng laya si Brent sa aking leeg.
"Ang bango-bango," anang Brent at ilang ulit pang suminghot. "Ang sarap-sarap."
Iyong kiliti na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang kumawala. Bumulanghit ako ng tawa at animo'y uod na binudburan ng asin. Tawa ako nang tawa. Samantalang si Brent ay mas lalong natuwa sa ginagawa.
"Brent! Tama na!" tumatawa ko pa ring pagpigil dito, sinasabunutan ko na ang buhok niya. "Isa!"
"Do you think you can scare me?"
Kapag ganito talagang nag-e-english si Brent, alam ko na kung saan ito papunta.
"Hm?" segunda niya, kasabay nang pagdiin nito sa likod ko.
Doon ko naramdaman ang tila bato sa tigas niyang pagkalàlaki. Manipis na lang ang tela ng boxer shorts nito kaya ramdam na ramdam ko iyon. Gumagalaw iyon sa likod ko, parang may sariling buhay.
Napatigil ako sa pagtawa ko. Kaagad pang napasinghap nang dakmain naman ni Brent ang dalawang dibdib ko.
"Brent!" mahina ngunit nagpipigil kong suway dito. "Ma—mamaya na!"
Kahit naman siguro tumanggi ako ay hindi rin papipigil itong si Brent, kagaya na lang kung paano siya biglang mag-aaya magpunta rito sa Tagaytay kahit hindi naman ako pumapayag pa.
At nandito na rin naman na kaming dalawa, nakapag-check in na kaya ano pang gagawin namin bukod doon?
Isa pa, trabaho ko ito— ito ang trabaho ko sa kaniya. Sa ganito niya ako binabayaran.
"Bakit?" bulong ni Brent dahil abala na niyang hinahalikan ang tainga ko.
Muli na naman akong napapitlag. Kahit ano ring pigil ko sa sarili, unti-unti nang nabubuhay ang katawang lupa ko. Ramdam ko na iyong init na lumulusaw sa kung ano man ang mga rason ko kung bakit pa ako nagpapakipot.
"Ka—kailangan kong maligo! Ang haba ng naging biyahe natin... pareho na tayo mabaho," pag-excuse ko, na sa totoo lang, kahit anong gawin yata ni Brent, kahit magdamag siyang mag-work out o maligo sa pawis, mabango pa rin siya.
Tumawa ito sa gilid ng tainga ko. "All right. Sabay tayong maligo."
Hinila na niya ako papunta sa banyo. Wala nang pagpupumiglas o pagsuway kay Brent, parang hangin na sumama ang katawan ko sa kaniya.
Nang makapasok sa loob ng banyo ay wala na ring pagdadalawang-isip na hinubaran niya ako. Halos mapunit ang jacket ko, sinunod nito ang t'shirt ko. Tila nagmamadali pa nang kalasin nito ang butones ng suot kong pantalon.
Kaagad niya akong sinunggaban ng halik, mapusok at walang paawat. Kinapa nito ang likod ko, hinahanap ang hook ng bra ko. Mayamaya nang matanggal niya ay mabilis na bumaba ang ulo niya.
"Hmm!" ungol ko nang lasapin nito ang korona ng dibdib ko, nanggigigil na kinagat iyon at sisipsipin.
Ganoon din ang ginawa niya sa kabila. Salitan lang ang ginagawa nito, hindi hinahayaan na mangulila ang isa dahil minamasahe rin iyon ng kamay niya.
Bumaba pa lalo ang ulo niya sa puson ko, patuloy pa ring hinahalikan ang bawat balat kong madaanan ng kaniyang labi. Naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilaang garter ng panty ko.
Wala na ring sabi-sabi nang ibaba niya iyon. Itinaas ko ang isang paa upang tuluyang matanggal, pero kaagad niyang ipinatong ang binti ko sa kaniyang balikat. Napasinghap ako nang maglandas ang dila ni Brent sa pagkabàbae ko.
"Ahhh!" malakas kong ungol.
Sa biglaang panghihina ay napasandal ako sa tiles mula sa likod ko at naitukod ang siko sa pihitan ng shower dahilan para rumagasa ang malamig na tubig sa aming dalawa ni Brent.
Ngunit wala siyang pakialam doon, wala roon ang atensyon niya kung 'di sa kung paano niya ako paliligayahin.
Tuluyan akong nabasa, pero imbes na lamigin ang katawan ay purong init ang nararamdaman ko. Mainit pa sa pinakulong tubig ang dumadampi sa balat ko dahil sa sensyasyong ibinibigay sa akin ni Brent ngayon.
Wala siyang tigil, bawat paghalik niya sa hiyas ko ay naninindig ang mga balahibo ko. Bawat paglandas ng dila niya ay kumakalabog ang dibdib ko. At sa bawat pagsipsip ay lalo akong nanghihina.
Hindi ko na alam, sarap na lang ang nararamdaman ko at wala ng iba.
Tumitirik ang parehong mata ko, tanda kung gaano kagaling si Brent. Nangangatog na rin ang isang binti ko na siyang nagtatayo sa akin. Kung hindi lang din ako hawak ni Brent ay baka kanina pa ako dumulas sa sahig.
Basang-basa ang mukha ko at kahit hirap sa pagdilat ay nagawa kong panoorin si Brent. Sarap na sarap siya, nakapikit ang dalawang mata niya ngunit kitang-kita ko ang kalabisan sa mukha niya.
"Brent..." namamaos kong halinghing.
Marahan siyang nagdilat at kaagad na nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ito sa pagitan ng pagkain sa akin. Mayamaya nang ipasok nito ang isang daliri sa b****a ko, kapagkuwan ay naglabas-masok doon.
Bulgar na bumaligtad ang dalawang mata ko at muling napahilig sa pader. Umarko ang balakang ko, urong-sulong ang ginawa ko sa mukha niya habang sinasabunutan na ito.
Hindi ko na halos makilala ang sarili. Alam kong hindi ganito si Lalaine, hindi ito iyong Lalaine na nakilala ng karamihan.
Ngunit napagtanto ko rin, ako pa rin naman ito— pero sa harap lang ni Brent.
Siya lang ang may kakayahan na magpalabas ng ganitong katauhan ni Lalaine at oo, siya lang din ang pinapayagan kong gumawa nito sa akin.
Wala ng iba.
Kung bibigyan man ako ng pagkakataon na pumili pa ng iba, hindi na, hindi bali na lang. Kung magsawa man siya sa akin ay baka hindi na ako humanap ng iba.
Kasi bakit? May kagaya pa ba si Brent? Alam kong posibleng may humigit pa sa kaniya, pero hindi ganito iyong mararamdaman ko. Hindi espesyal ang mararamdaman ko sa taong iyon.
Dahil sa puntong ito, pati yata ang puso ko ay tuluyan na ring bumigay.