[WARNING: SPG]
Malakas akong umungol nang dumating ang pagsabog ko. Halos mangisay-ngisay ang katawan ko at hindi na alam kung saan pa kukuha ng lakas. Kamuntikan na akong matumba, mabuti ay naging maagap din si Brent at nasalo niya ako.
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hinahabol ko pa ang hininga ko nang mapasubsob ako sa dibdib nito. Rinig ko ang nagririgodon kong puso, para na iyong kakawala sa katawan ko.
Hindi ko nga alam kung naririnig ba iyon ni Brent ngayon. Hindi ko alam kung pati ang dahilan ng pagtibok nito ay naririnig niya, kasi hindi na lang dahil sa pagod ito, kung 'di siya na mismo— siya na ang rason.
Ngunit ganoon ako kaduwag para hindi sabihin sa kaniya. Ganoon ako kahina para hindi umamin. Dahil naisip ko, para saan? Anong mangyayari kapag sinabi ko iyon?
May magbabago ba?
Baka kapag nalaman niya ang totoo kong nararamdaman ay magbago siya. Baka bigla niya akong layuan. Baka roon kami magtapos. Baka isang araw, hindi na niya ako kailangan pa.
At ayokong mangyari iyon. Masaya ako na kasama siya, masaya ako na naibigay ko ang sarili sa kaniya at kuntento na ako roon. Alam ko na hanggang dito lang ang role ko sa buhay niya.
Hindi ko na kailangang maghangad nang mas higit pa sa relasyon namin ngayon.
Niyakap ko si Brent sa kaniyang batok habang nakasandal pa rin ako sa dibdib nito. Tahimik siya na para bang pinakikiramdaman din ako, animo'y kinakalkula ang katahimikan ko.
"Lalaine," pukaw ni Brent sa akin, gumalaw siya at pilit akong inilalayo sa kaniya.
"Hmm?"
"I wanna see your face."
Mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan akong nagmulat. Unti-unti rin akong umahon mula sa pagkakayuko ko. Roon ay nasalubong ko ang mga mata ni Brent na kaagad nakapaskil sa mukha ko.
Nang-aamo ang itsura nito. Pasalit-salit ang tingin niya sa dalawang mata ko, nakikiwari sa kung ano mang emosyon ang nakikita niya roon.
Ngumiti ako. "I want you, Brenty."
Kita ko ang paggalaw ng panga niya. Sa isang iglap ay nasa loob ko na ang pagkalàlaki nito. Hawak pa rin kasi niya ang isang binti ko. Wala sa huwisyo nang mapaliyad ako. Dumikit ang dibdib ko sa dibdib niya habang nananatiling nakatingin sa kaniya.
Gustung-gusto kong pumikit at namnamin ang sensasyong lumulukob sa akin, pero tila hindi ko matigilan ang paninitig ni Brent habang patuloy siyang naglalabas-masok sa loob ko.
Hindi ko alam kung anong naglalaro sa isipan niya ngayon, para bang gusto kong pumasok doon at alamin kung ano ang mga iniisip niya patungkol sa akin. Kung tama ba na ginagawa lang niya ito ayon sa gusto ng katawan niya? O kahit katiting ay may nararamdaman din siya sa akin?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang sumagad si Brent. Ramdam ko ang lamig ng tiles mula sa likod ko, pati sa rumaragasang tubig ngunit sa bawat paghinga ni Brent na tumatama sa mukha ko ay lalo akong nagliliyab.
"Ahh!" halinghing ko, maigi akong tumingkayad upang abutin ang labi niya pero inilalayo niya ang mukha nito.
Habang tumatagal ay hindi ko na alam kung paano pa kokontrolin ang sarili. Gusto ko siyang halikan para ipadama sa kaniya iyong frustration na nararamdaman ko, para rin makakuha ng lakas.
"Brent..." ungol ko ulit.
Hawak ko na ang panga nito, nagpapahiwatig sa gusto kong mangyari. Ngunit nananatiling nakatitig lang sa akin si Brent habang marahas niyang pinakakawalan ang bawat pagdaing niya.
Ramdam ko rin ang diin sa pagkakahawak niya sa binti ko, maging sa baywang ko mula sa isang kamay niya. Parahas nang parahas, pabilis nang pabilis. Parang may hinahabol at hindi nagpapaawat.
"Ah! Ah!" Naging sunud-sunod ang pagsinghap ko sa hangin.
"f**k!" daing ni Brent, kapagkuwan ay walang kahirap-hirap na binuhat ako.
Kaagad kong ipinulupot ang dalawang binti sa kaniyang baywang habang ang mga kamay ay kumapit sa balikat nito. Ipinagdikit ko ang mga noo namin, pilit pa ring inaabot ang labi niya.
"Please, Brenty," pagmamakaawa ko.
Halos malukot ang mukha ko. Ilang beses akong napapikit sa kalabisan ngunit kaya gusto kong maramdaman ang labi ni Brent. Akala ko ay madadala siya kapag tinatawag ko siyang ganoon, pero nabigo na naman ako nang lumayo siya.
"Ahhhh! Brent!" mahabang ungol ko nang sa pangalawang pagkakataon ay narating ko ulit ang langit.
Doon lang din ako pinagbigyan ni Brent dahilan para tuluyan kong mapapikit. Mabilis ko siyang sinunggaban ng halik habang damang-dama ko ang pagragasa ng orgasmo niya sa labas ng pagkabàbae ko, roon siya nagpakawala.
Patuloy pa rin ang mainit na paghahalikan namin ni Brent at imbes na maramdaman ang pagod ay tila hindi ako nilayasan ng makamundong pagnanasa. Hindi nawala kung 'di nadagdagan pa.
Mapusok, mapaghanap at nananabik ang bawat halik ni Brent— ito iyong gusto ko.
Walang pasisidlan ang tuwa sa puso ko habang sinasagot ang mga halik niya. Mayamaya nang lumayo ako upang maibaba ang labi sa kaniyang panga. Hinalikan ko siya roon, sa paraang nanghahalina at nang-aakit.
Hawak ko ang kabila niyang pisngi na paminsan-minsan kong hinahaplos. Buong mukha niya ay sinamba ko hanggang sa magtagpo ulit ang mga labi namin.
Ayaw ko mang iwan ang labi niya ay muli akong humiwalay. Sa pagkakataong iyon ay bumaba na rin ako. Madali kong hinawakan ang naghuhumindik na pagkalàlaki ni Brent.
Nakatayo pa rin iyon, tila nakasaludo sa akin. Matigas pa rin at sobrang laki.
Dinama ko ang kahabaan ni Brent mula sa palad ko. Siya naman ay nakatayo habang mataman akong pinapanood. Dinig ko ang rumarahas niyang paghinga, maging ang bawat galaw ng kaniyang panga.
Taas-baba ang ginagawa ko sa kaniyang kalakihan. Hindi ko alam kung tama ba ito, pero pinanghahawakan ko ang sarap na bumabakas sa mukha ni Brent.
Namumungay ang parehong mata niya at bahagyang nakaawang ang labi. Sapat na sa akin na makitang nagugustuhan niya ang ginagawa ko, mali man o tama.
"f**k it, Lalaine!" giit niya at hinawakan ang buhok ko, literal na sinabunutan.
Wala ng anu-ano ay hinaklit din niya ang panga ko, kasabay nang paghalik niya sa akin. Mula sa labi ko ay doon niya inilabas ang panggigigil nito, rason para halos malasahan ko ang dugo sa labi ko.
Hindi ako tumigil, lalo ko lang ding binilisan ang paggalaw. Ilang beses na umungol si Brent, mayamaya pa nang lalong manigas ang pagkalàlaki niya habang pumipintig iyon.
Sukdulan ang natatamasa ni Brent na hindi rin nagtagal nang tumalsik ang katas nito sa kamay at braso ko. Mainit iyon at malapot. Hindi ko na nagawa pang tingnan iyon para man lang sana makita ko ang premyo mula sa ginawa ko nang mabilis akong pinatalikod ni Brent.
Hinawakan niya ang balikat ko at pinayuko dahilan para mapahawak ako sa pader na nasa harapan ko. Hinila niya ang baywang ko. Hindi pa man nakakasunod sa ginagawa niya nang bigla ko siyang maramdaman sa likod ko.
"Ahhh!" malakas kong ungol nang sumagad siya sa pagkabàbae ko.
Napatingala ako, samantala ay humawak naman si Brent sa leeg ko. Nasasakal na niya ako at hirap nang makahinga ngunit ganoon na lamang iyong init na kumakain sa katawang lupa ko.
Imbes masaktan ay lalo lang akong nasarapan. Lumalakas ang ungol ko at dinig ko iyon sa apat na sulok ng banyo, kumakawala rin iyon sa labas dahil sa nakabukas na pinto ng banyo.
"f**k!" Hinampas ni Brent ang pisngi ng pwet ko, rason para mapahiyaw ako.
"Ahhh!"
Pinakawalan ako ni Brent kaya halos mapasubsob ako sa pader. Sunod niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at dinala iyon sa likod ko, anyong nakaposas.
"Brent!!"
Mariin akong napapikit. Hindi ko na mawari kung saan pa ibabaling ang mukha o kukuha ng lakas. Literal nang nangangatog ang aking mga binti.
Labas-masok si Brent sa likod ko, sagad na sagad at bawat pagpasok ay damang-dama ko ang pagtama ng kahabaan niya sa kaselanan ko.
"Ah!" Malapit na...
Ilang pagbayo pa ay tuluyan akong sumabog. Halos magkasabay lang kami ni Brent. Ramdam ko ang pagpintig ng pagkalàlaki ni Brent habang pinupuno ang loob ko ng katas niya.
Huli ko nang ma-realize iyon. Sa kakaibang kiliti at sarap na dulot nito ay para akong kinukumbulsyon, tumitirik ang mga mata ko at tuluyan akong nanghina.