Ilang araw lang mula sq hospital ay pinayagan ng madischarge si Rebeca ng kanyang doctor dahil hindi naman malala masyado ang kanyang kundisyon. Naiinip narin naman siya sa hospital.Habang nasa sasakyan sila ay pawang anak nya lang ang nagdada-daldal.Walang kibo si Rebeca na nasa dinaraanan ang kanyang tingin.Ayaw niyang magkasalubong ang kanilang mga tingin ng asawa.Ang buong pamilya naman ay nakakaintindi.Iginagalang ng mga ito ang kanyang nararamdaman.Hanggang sa makarating na sila sa bahay.Bababa siya ng van at aalalayan sya ni Devon ngunit tinabig nya lamang ang kamay nito. Ang nakaramdam sa ganoong eksena ay si Leonard.Ito ang umalalay sa kanya.Hindi na nya pinagkaabalahan pang tingnan kung ano ang naging reaksiyon ng asawa sa kanyang ginawa.Hirap na hirap parin syang kumilos kahit p

