Nakakailang session na sila ng kanyang private nurse at nararamdaman na ni Rebeca na kaunting panahon na lang ay muli na syang makakalakad ng maayos "Mam mukang nalalapit na ang huli nating pagkikita" Nakangiti nitong sabi sa kanya. "Nagpapasalamat ako sayo Lea at naging matyaga ka sa pag aasikaso sa akin. " lalong lumaki ang pagkakangiti nito ng sinabi nya yon sa dalaga nurse na siya niyang therapist din.Mabait at nagagampanan nito ng mahusay ang trabaho at tulad ng sinabi nito'y baka bukas makalawa ay makalakad na sya ng maayos,dahil baston nalang ang kanyang gamit ngunit dahan-dahan lamang ang kanyang pagla-lakad at maya-mayay ipinapahinga nya ang kanyang mga paa baka raw kasi mabigla ito.Sinunod naman niya ang sinabi ni Lea. Nakita nyang papalapit ang kanyang anak .Hinalikan sya

