Fire Rekindle

1162 Words
Nakahinga ng maluwag ai Rebeca ng nuo'y pumasok ang anak na may hawak na tutang kulay brown. "Daddy mommy" look what granny,grumpy gave me." "May pangalan naba siya ?tanong kaagad ni Rebeca sa anak. "Yes mommy i call him Wacky!.." "Come handsome"At nakita nyang kinarga ito ng ama at magkasabay na lumabas. Hindi malaman ni Rebeca ang kanyang gagawin,damang dama pa niya ang nangyari kani-kanina lang.Hiyang hiya siya sa sarili, dahil bumigay na naman yata siya sa karisma ng lalaki hindi man deretso dahil kahit paano ay hinawakan niya ang kan- yang katinuan subalit hindi niya kayang lokohin ang sarili.Sino ba naman ang makatatanggi sa isang tulad nito?Hindi nga bat matinik ito sa babae. Napabuntung hininga na lamang siya sobrang katangahan na ang pinaiiral nya. Pababa pa lamang siya ng hagdan ay naririnig na nya ang mga usapan ng dalawang mag asawa at ng kanyang anak at si Devon.Nailang tuloy siya ng di nya mawari, sariwang sariwa pa sa kanyang isip ang naganap kanina.Pakiramdam niya'y gusto maglaho sa lugar na iyon. "Kumain kana iha!! Sabi ng ina ni Devon hustong pagbaba nya. Agad namang sumulyap sa kanya ang lalaki. Matitiim ang mga sulyap nito sa kanya na para bang gusto siyang kainin ng buo.Mahirap alamin kung ano ang tumatakbo sa isip nito.Inilayo kaagad ni Rebeca ang kanyang mga tingin sa takot na makita ni Devon ang mapuka pa sa macopa niyang mukha. Balak munang pumasok ng late si Rebeca ng araw na iyon dahil parang wala siyang lakas.Alam nyang ito ang bunga ng adrenaline na naramdaman nya kaninang umaga.Nagkakape siya habang nanunuod sa di kalayuan ng tatlong nilalang na walang sawang nag- tatampisaw sa pool kasama ang kanyang anak.Aliw na aliw ang mga ito. Napaka swerte ni Devon sa pagkakaroon ng mga magulang na mapagmahal.Lalo na sa kanyang anak. Napaka swerte rin ni Aleja para sa bibiyanin ngunit siyang malas naman sa lalaki.Paanong di nya masa-sabing malas?Dahil kahit na may girlfriend na ito ay gumagawa pa ng kahalayan ang lalaki sa kanya.Ano kaya ang mararamdaman ng babae kapag nalaman ang nangyari kanina? Tiyak niyang katakot takot na paghihinagpis at kalungkutan ang maaring maram-daman ng babae.Hindi pa man ay nakokonsensya na siya sa pagpatol nya sa mga pang rarahuyo ng lalaki. Pakiramdam niyay isa syang mabababang uri babae na sabik sa isang lalaking tulad nito.Siya itong babae siya dapat ang umiwas dito at kailangan nyang kumilos upang hindi na ulit mangyari ang mga bagay na iyon. Nasa ganoon siyang pagisip ng biglang may yumapos sa kanya sa likuran at sabay hinalikan siya sa leeg mu-la sa likod. Nagulat siya sa kabiglaan at muntik na nyang mabi-tawan ang puswelong pinagiinuman nya ng kape. Pumiksi siya mula rito at hindi nya naman napigil ang pag kabig nito sa kanya dahil kulang ang kanyang la-kas .Isa pa tangan nya ang basong may lamang kape malayo ang coffee table mula rito.Hinalikan siya nito sa labi ng may panggigigil.Pinilit nyang magpiglas dito dahil iniisip rin nyang paano kung may makakita sa kanila at kung makita rin sila mga magulang nito sa ganoong sitwasyon,ano nalamang ang sasabihin ng mga ito.Ayaw paawat ng lalaki sa paghalik sa kanya, habang nakadiin sa kanyang ang ibabang bahagi ng katawan ng lalaki,natigil lamang ito ng tumunog ang cellphone nito sa bulsa.Bahagya siyang binitiwan nito at isenenyas ang hintuturo sa kanya.Hindi nya nakuha ang ibig sabihin nito.Isa pa'y tumalikod na ito sa kanya at sinagot ang tawag.Dali dali naman siyang pumanhik sa taas.Habol ng sampung demonyo sa bilis nya.Sa takot na sundan siya nito mula roon.Habang nasa loob na siya ng kwarto ay pinakikirdaman nya ang lalaki dahil baka sundan siya nito.Maya maya pa'y wala siya-yang naramdamang papanhik,Ano ba ang nangyayari talaga sa lalaking bastos na iyon!Hindi na kailanman ito nagbago.Buhat noon pa ay ganoon na ang lalaki. Walang modo.Gustuhin man niyang magalit ay para ano pa?Kapag nagalit ba siya at sinaway ito ay pakiki-nggan ba siya ng lalaki?Sigurado'y hindi!Bakit pa siya magpapakapagod?Ang mabuti na niya talagang gawin una ay umiwas,pangalawa ay lumayo. Nag umpisa na siyang maligo dahil ang plano niyang mamaya na pumasok ay mukhang hindi na niya kaya-ng bigyan ng katuparan. Pagkatapos nyang maghanda ay para siyang tangang sumilip silip sa ibaba upang masigurong wala na ang lalaki. "SINONG SINISILIP MO IHA?" Napapitlag siya ng makita nyang nkatayo sa likuran nya ang ina ni Devon na may sumisilay na ngiti sa labi. "A,,E Ww-alla po." "Kung si Devon ang hinahanap mo ay kanina pa naka-alis at tumawag daw ang girlfriend nya at may impor-tanteng aasikasuhin." Bigla tuloy siyang napahiya dito dahil para siyang dagang nahuling nang uumit ng pagkain. "Siya nga pala iha,ipapapalinis ko na ang kwarto mo diyan sa tapat ng kwarto ni Devon upang mailipat na ang mga gamit mo doon ng makakilos ka ng maayos. Kaso iha baka bukas pa malinis ni Leny dahil masama raw ang pakiramdam nya.O kaya bka mamayang gabi na,ok lang ba 'yon sayo?" Magpapaalam na sana ito ng magsalita siya. "Ako nalang po tita hindi na muna po ako papasok sisilip nalang ako sa opisina pag natapos ko na." "Sigurado ka iha?Aba'y medyo malaki iyon?baka mapagod ka?O sige kung nagmamadali ka ay pwede kong tawagan si Simang sa kabilang bahay upang ma-katulong sayo.Pasensiya kana iha ilan lang kasi ang kasamabahay ko sa ngayon.Ayaw ko kasing iba ang naglilinis sa isang silid na ito." "Ok lang po tita sige po!At ngumiti siya dito Pagpasok nya sa loob ng silid ay hindi naman pala masyadong marumi sa inaasahan nya, konting linis lang ang kaila- ngan dito.Hinawi nya ang kurtina at nakita nyang puro salamin din ito gaya sa ibaba.Tanaw mula rito ang pool at ang garden sa labas. Kahit nanghihina pa ay pinilit nyang malinis ang bu-ong silid.Nakapaninibago,nagyon lang ulit siya nakapaglinis ng sarili niya,mula ng naging busy siya sa trabaho ay puro sa kasambahay niya iniaasa ang lahat.Iba parin talaga kapag ikaw na mismo ang nag aasikaso isa pa'y kailangan na niya talagang lumipat rito dahil bukod sa nagmamadali siyang makalipat ay dahil ayaw nya naring maulit pang muli ang pambabastos sa kanya ng lalaki.Isa pa pala! Ang buong akala nya ay doon siya sa bandang dulo o ang kwarto sa ilang bahagi ng tahanang iyon.Ngunit sa dinami dami ay dito lang siya inilipat sa kabila?. Para tuloy isang dingding lang ang pagitan ng impiyerno sa kanya dahil gaya ng sabi ng lalake isa itong demonyo! 0o,Demonyo sa babae!. Ilang mga linggo pa ay susubukan na niyang magpaalam sa mga biyenang hilaw upang makaalis na sa tahanang ito.Mahirap na't baka kung ano pa ang hindi magandang magyari.Kukuha lang siya ng tyem- po ngunit hindi pa siguro ngayon.Sariwa pa sa mga ito ang nagawa niyang hindi tama noon.Lagi naman niyang dadalhin dito ang anak.Tutal nagtatrabaho na- man siya.Hindi niya ipararamdam sa mag asawa ang maulila sa apo sa kahit na ilang sandali.At bilang pag galang narin sa babaeng mapapangasawa ni Devon. Tama lang na siya ang umiwas sa tukso at sa malaking gulo dahil alam naman niyang balewala rito kung ano ang tama at delikadesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD