Nasa parking lot si Rebeca at paakyat na sana sa kan-yang opisina ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Bernard???.."
Si Bernard ay ang pinakamasugid nyang manliligaw
sa bansang pinanggalingan.Isa itong half filipino half
canadian. Marunong itong managalog dahil nanirahan din ito sa bansang Pilipinas. Kinakamusta siya kung kailan siya babalik.Ang sabi niya'y wala pang katiya-kan.Iyon naman talaga ang totoo.Sinabi rin nito na may gaganapin silang convention dito, sa susunod na
buwan.Kung sa panahong iyon ay nadito pa siya ay
humihiling ito na dalawin silang mag ina.At sinagot naman niya iyon ng oo.
Bago siya umuwi ng bahay ay dumaan muna sya sa
supermarket upang makapamili ng lulutuin.Parang gusto nya kasing magluto ngayon.Pag uwi nya ng bahay ay naroon na si Devon at ang ina nito.Sinalu-bong naman siya ng kanyang anak at humalik sa pisngi.
"Tinatawagan kita kanina ah?? Bakit laging busy ang phone mo?Susunduin sana kita sa trabaho."
"Um,, knina kasi ay may kausap ako."
"Sino ang kausap mo?Mukhang mahabang paguusap yan ah? Ilang beses kitang tinawagan."
Mukhang hindi maganda ang mood ng lalaki ngayon.
Pinili ni Rebeca na huwag patulan ang patutsadang iyon ni Devon.Tinignan nya lamang ito.
"Bakit kasi mag aabala ka pang sunduin ako?
may kotse naman ako." Kinunutan lang siya nito ng noo at nagpatuloy sa pinipirmahang papeles.
Pagkatapos ay nagsalosalo sila sa pagkain ang niluto
niyay special chopsuey sweet and sour lapulapu at buttered shrimp. Gumawa rin siya ng dessert na
cathedral window gelatin.
"Nasaan po si tito?
Tanong nya sa ginang ng hindi nila ito nakasabay sa pagkain.
"May business trip at sa susunod na buwan pa ang balik iha!."
tumango na lamang siya.
Inasikaso nya muna ang anak at pagkatapos ay iniak-yat na ito sa sariling kwarto ngunit sinalubong siya
ng ina ni Devon.
"Iha ako na lang ang magpapatulog sa kanya pwede ba?."
"Sige po tita."
Bumaba na siya at tulad ng inaasahan niya'y naroon
pa ang lalaki sa sala.Nakita nyang bahagya itong
nakapikit at nakataas ang paa nito sa ibabaw ng
center table at ang mga dalawang kamay naman ay
nakapatong din sa ibabaw ng sofa.Mukhang pagod na
pagod ito.Gusto man nyang ipagpabukas ang sasabihin dito'y nagdalawang isip siya.Baka kasi bukas ay pang-hinaan na siya ng loob at di na nya masabi.It's now
Or never.Tinapik nya ito ng bahagya sa hita.
"D-- Devonnn!"
Iminulat nito unti unti ang mga mata at nagtatanong
na tumingin sa kanya.
"Puwede ba tayong mag usap kahit sandali lang?"
umunat ito sa pagkakaupo.
"ANO PAGUUSAPAN NATIN?"
"Gusto ko lang kasing malinawan ang ilang mga bagay.
Puwede bang huwag dito?"
Tumayo siya papuntang veranda at sumunod naman
ito.Hindi siya makapagsalita ng magkaharap na sila
nito.Ilang hugot pa ng hininga ng ibubuka na nya ang
kanyang bibig ay naunahan na siya nitong magsalita.
"Ano?Maghihintay paba tayo ng tilaok ng manok o hanggang isang taon bago ka magsalita?"
nakataas ang isang kilay nito.
"Gusto ko sanang maging propesyunal tayo sa
isat isa?"Hindi akalain ni Rebeca na maibubulalas niya
agad ang salitang kanina pa niya pinaghahandaang sabihin."Stop beating around the bush,Rebeca hindi tayo matatapos dito." Iiling -iling na sabat nito.
"Ok.Ayoko na sanang maulit ang hindi magagandang ginagawa mo sakin sa mga .,,"Hirap na hirap siya sa pagsasalita.Humugot siya ng malalim na hininga
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, I
mean,may girlfriend kang tao.At ayoko namang isipin ng kahit na sino na may nangyayaring iba sa gitna nating dalawa.Mainam na kalimutan na natin ang
mga nangyari noon.It's all in the past. Gusto ko nama-ng matututo kang gumalang!Igalang mo sana ang pag-
kababae ko at bilang isang tao narin.Iwasan natin ang maulit lahat ng hindi magagandang pangyayari at ng maibalik sa normal kung anong meron ako noon."
"TAPOS KANA??.."Marami pa sanang sasabihin si Rebeca ngunit sumingit ito bigla ng pagalit at tila nai-
nip lang sa mga sinabi niya.
Tumango naman siya bilang pag tugon dito.
Ngunit laking pagtataka niya ng bigla siyang iwan ng lalaki ng walang pasabi.Nakita nya nalang ang likod nitong papalayo sa kanya.
"Ano ang desisyon nito?Sukat na iwan siya nito sa gitna ng pakiusap niya at tila ba hindi man lang nito pinag isipan ang mga sinabi niya. Napahawak siya sa noo sa sobrang stress.Wala talagang kwenta ang lalaki.
Sobrang makasarili ito at lalong walang oras para makinig man lang.
Hindi alam ni Devon kung ano ang kanyang mararam-
daman.Pagod siya upang salubungin ng ganoong pakiusap.Alam niyang kahit sino ay may karapatang magsalita.Alam niya ring dumadalas ang nagagawa niyang pagkakamali.Gusto man niyang humingi ng des
pensa sa babae ngunit para siyang nanliliit.Pakiram-
dam niya'y mabababawasan ang tinataglay niyang kumpiyansa sa sarili.Aminin man niya at sa hindi,gus-
to niya ang mga ginagawa niya sa babae.Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang may halong pagsisisi iyon.Ang pinagsisihan niya lang ay iyong hindi niya maibaba ang kanyang pride dahil sa nakikita niyang pambabalewala nito sa kanya.Gusto niyang iparamdam sa babae na ito ang kapalit sa pang iiwan nito sa kanya.Sa pagpapahiya nito sa kanya noon.Hindi matanggap ng kanyang pagkatao na isang
tulad lang nito ang makakagawa ng ganoon sa kanya.
Kung tutuusi'y wala itong magagawa kung gugustuhin niyang manatili ito sa piling niya at ang anak.Ngunit bilang lalaki'y hindi niya masabi rito iyon at hindi niya pa kayang tanggapin iyon sa ngayon.Bilang kapalit sa ginawa nito ay magdusa muna ito sa tabi niya.Ni hindi pa nga rin niya naririnig mula rito ang salitang pata-
wad.Hindi nito alam ang mga sinapit niyang kahihiyan at kalungkutan.Marapat lamang na maramdaman nito ang sinapit niya noon hanggang sa sumuko na ito ng tuluyan at siya ang masusunod kung hanggang kailan ito magbabayad.Kapag bayad na ang babae'y saka na
niya ito pakakawalan.Hindi pa sa ngayon.At kung magbago man ang isip niya ay siya lang ang makaka-
alam niyon.
May isang oras ng nakahiga si Devon ngunit wala parin sa silid ang babae. Nag uumpisa na naman si-
yang magalit.Kahit pagod siya'y hindi niya magawang makatulog agad.Hinahanap niya ang amoy nitong nakakahalina sa ilong.Gusto niyang ikulong ang babae sa kanyang mga bisig at kahit na alam niyang mali ay hindi niya kayang pigilan ang sarili.Sa ganoong pagkakataon niya lang kayang ibaba ang kanyang pride.Hindi siya nakatiis ay galit na tumayo siya upang hanapin ang babae.
Pagbukas niya ng pinto ay eksaktong papasok ito sa kakapit kwarto niya.
"Anong ginagawa mo diyan kanina pa kita hinihintay?!"Mariin ang salitang sita niya rito.
Tila naman nagulat kaagad ito sa kanya.Naka pajama suit na ang babae at tila bagong paligo pa.
"Dito na ako matutulog simula ngayon."Sabi ng babae sa nagtatapang tapangang tono.Gusto niya sanang matawa ngunit umiiral ang galit niya.
"At sinong may sabi sa iyo niyan?!"Pandadarag niya sa babae.
"Si tita.!"
Natigilan sandali si Devon.
"Halika na rito!"Nauubusang pasensiya niyang sabi sa babae at iminnuwestra pa niya ang palad na nag tila ba sapilitan niyang inaaaya ito.
"Huwag mo kong ginagawang bata Devon!"Nakita niyang nagalit ang babae sa ginawa niyang muwestra rito.
Doon na niya tinangkang hablutin ang babae upang sapilitan na niya itong isama ngunit parang napaghandaan iyon ng babae dahil palad nalang niya ang umabot sa pintong mabilis nitong nailapat.
Sa inis dahil sa alam niyang naisahan siya ng babae'y tinapik niya ng malakas ang pinto gamit ang palad upang kontrolado ang ingay.
"Rebeca!!!"
Ngunit wala siyang narinig na tugon mula sa babae.