Compliment

1075 Words
Parang walang nagyaring ipinagpatuloy ni Rebeca ang nakagawian nya araw araw."Hindi bale, ilang araw nalang ay darating na si Bernard at makakalipat na siya sa mga susunod na araw."Nakausap na nya ang anak tungkol dito at ang mga matatanda.Gaya naman ng inaasahan ay nakumbinsi na niya ang mga ito sa nais niyang mangyari.Maya maya lang ay nag empake na siya.Yung iba lamang nyang gamit muna ang iniem-pake nya, yung iba'y hinayaan nya lang muna roon. Ang sabi kasi sa kanya ng mag asawa'y mag iwan siya ng kahit na konti dito upang sa pagdalaw nya ay may maisuot naman siya . Nang masiguro nyang wala na roon si Devon sa ibaba ay bumaba narin siya. "Hindi ka naba namin mapipigil iha? Tanong ng Ama ni Devon sa kanya. "Hindi napo siguro." Isa pa'y pangit naman ho siguro sa girlfriend ni Devon kung mananatili pa ako rito." ngumiti siya sa mga ito.Malungkot na ngiti ang ibinigay sa kanya ng mag asawa. "Promise Mommy lagi kapong dadalaw dito ah!"Ang kanyang anak habang nakasubo ang lollipop. "Ofcourse Baby!para sa anak kong napaka cute.! " Napagkasunduan kasi nila na hanggang limang buwan doon ang kanyang anak dahil naawa din naman siya sa dalawang matanda. Pagkatapos nilang mag almusal ay sumaglit na siya sa opisina.Nakita nya si mang Dodong na may kausap sa malapit sa pinto ng kumpanya.May kausap itong dalagitang babae at mukhang seryoso ang pagu-usap dahil parang nalung- kot ang matanda.Parang kinukutkot ang puso nya sa itsura nito, kaya't hinintay nya itong makapasok. binati nya ito dahil parang walang nakikita ang lalaki. "A kayo po pala mam"bati nito. "Anong Problema mang Dodong?? Tila nahihiya naman ito sa sasabihin. "E mam nasa ospital daw po ang misis ko at kailanga- ng maoperahan.Lalapit po sana ko sa management para makahingi ng kahit na konting tulong."Malung- kot na sabi nito. "Sumunod po kayo sakin." Kasabay nya ito sa pagpanhik at gaya ng nakagawian ng lahat ng empleyado ay binati siya ng mga ito. "Magkano daw po ang kailangan sa operasyon?"tanong nya rito ng makapasok na sila sa kanyang silid. "E mam,aabutin daw po ng 30 mil pero hindi ko naman po inaasahan ang ganung kalaking halaga. kung magkano lang po siguro ang maitutulong ng kumpanya."Napayuko ito habang hiyang hiya. Kaagad namang kinuha ni Rebeca ang cheke sa kanyang attache na nakapatong sa kanyang table at pagkatapos ay pinirmahan. Papalıtan nyo napo kaagad iyan ng maumpisahan na ang operasyon. "Naku mam maraming maraming salamat po!Malaking tulong napo ito sa amin. "Kung kulang pa yan ay ipaalam nyo po sakin. Ngumiti siya at maluha luha itong nagpaalam sa kanya. May biglang tumikhim sa may bandang pinto at nakatingin ito sa lalaking kaaalis lang.Kanina pa pala ang lalaki doon at hindi man lang ito nagparamdam. Bumalik ang tingin nito sa kanya. "At ano naman ang ginagawa mo rito magaling na lalaki? "Iniiwasan mo ba ako?Sinadya kita rito dahil mukhang lately ay lagi kang busy?.Umalis kana pala sa bahay hindi ka man lang nagpasabi sa akin?"Nakakunot ang noo nito habang sinasabi nito iyon sa kanya. "At Baka nakakalimutan mong may pinirmahan kang kontrata na kada linggo ay magkakaron tayo ng bonding bilang isang pamilya? Mag tatatlong linggo na ang lumipas ah?.Ipapaalala ko lang sayo na mamayang alas tres ay susunduin kita rito at mamamasyal tayo." Tuloy tuloy na sabi ng lalaki. Upang hindi na sila magtalo pa ng lalaki ay tumango tango nalang si Rebeca.Ang gusto niya'y umalis narin ito uoang hindi na masira pang muli ang kanyang araw lalo na't sariwa pa sa kanya ang katarantaduhang ginawa nito sa kanya.Agad na niyang inisa isa ang mga papeles na babasahin ngunit tila nararamdaman niya paring hindi siya nag iisa at dahan dahan siyang duretso ng tingin.Hindi nga nagkamali si Rebeca,naroon parin ito at kasalukuyan ng papalapit sa kanya. Natigilan siyang bigla ng huminto ito sa tapat niya habang siya naman ay nanatiling nakaupo.Hinawakan nitong bigla ang kanyang baba at tinitigan siya sa mga mata.Gusto niyang lumunok pero pinigil niya iyon.Bakit ba?E sa ayaw niya ng ipakita ritong naapektuhan pa siya.Nakipagmatigasan siya ng titig rito hanggang sa binitiwan nito ang kanyang baba sabay sabi ng. "Maganda ka pala." Nang marinig niya iyon mula rito imbes na matuwa siya ay parang naging insulto pa ang dating niyon kay Rebeca. "Isa ba sa ipinunta mo rito yan?Ang inisin ako at sirain na naman ang araw ko?" "Bakit?Hindi kita iniinis,nagsasabi lang ako ng totoo,masama na naman ako ganoon ba?" "Hindi ako nagsabi niyan." Pagkasabi niya ay biglang nagseryoso ang lalaki ng tingin sa kanya. "Mabait karin." Doon na natuluyan ang paglunok ni Rebeca."Ano ba ang nakain nito ngayon at tila ba pinupuri siya nito?Kung sana'y totoo nga ang pinagsasasabi nito,ngunit higit kanino pa man ay siya ang higit na nakakakilala sa karakas ng lalaki." "So kailangan ko bang matuwa sa sinabi mo?" "Hindi naman.Ngayon ko lang kasi nakita ang mga bagay bagay." Sumandal ito sa hamba ng pintuan. "Tulad ng ano?" Nakataas ang kanyang kilay na tanong sa lalaki. Ang isinukli sa kanya nito ay kibit balikat. "Kung wala ka ng ibang kailangan ay makakaalis kana at nakakaistorbo ka,marami akong gagawin." "May tanong lang ako sayo Rebeca." Natigilan siya sa pagbabasa.Nagtaas siya ng tingin at tinignan ito. "Ano ang iniisip mo noon at bigla mo akong iniwan?" "Ano sa palagay mo?" Sa halip ay tanong niya rin. "Hindi ako manghuhula.Sagutin mo ang itinatanong ko dahil hindi ako aalis rito hanggat di mo ako sinasagot." "Sa palagay mo ba'y sino ang babaeng nanaising makapiling ka?Ang makisama sa katulad mong hindi yata marunong magmahal?Sinong babae ang makakatagal sa mga gusto mo?" "Ikaw lang ang nakapagsabi niyan.Bakit ang iba'y iisa lang ang nais.Iyon ay ang makapiling ako kahit na walang lebel ang aming relasyon lalo na kung may panghahawakang papel." "Magkaiba ang papel sa pag-ibig.Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin alam!Sawimpalad ka dahil ganyan lang kababaw ang iyong paniniwala.At huwag na huwag mo akong maikukumpara sa sinasabi mong iba dahil hindi ako sila.Ang gusto ko'y maayos na pamilya." "Hindi ba't parehas lang tayo ng layunin Rebeca?" Napakunot ang noo niya ng hindi masakyan ang sinasabi ng lalaki. "Ang makapag produce lang ng tagapagmana!Ang makapagpapatuloy ng mga iiwanan mo." "Noon iyon!" Bigla siyang natigilan sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihing noon?" Napaderetso ng tayo ang lalaki sa narinig. "I-Iyon nga!Gusto ko ng isang pamilyang totoo.'Yun bang nag-gaggalangan, nagkakasundo, nagmamaha- lan!Kaso'y mukhang wala iyong lahat sa 'yo,mukhang malabo."At bumalik na siya uli sa pagbasa ng dokumento. "Ikaw ba Rebeca?Mahal mo ba ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD