First Love

1151 Words
Kitang kita niya ang mag ama habang karga karga nito ang kanyang anak.Larawan sana sila ng masayang pamilya, kung sana'y tototo lamang ito, sana'y isa siya sa maligayang babae sa mundo.Hindi n'ya alam kung talagang hindi marunong magmahal ang lalaki.Pareparehas lamang para rito ang mga babae.Mayroon naman itong masayang pamilya, kung bakit ganoon ang lalaki ay hindi niya alam. Pagkatapos nilang mag ikot ikot sa Mall of Asia kasa- bay ng pamimili nila ng mga damit pambata ay kuma- in sila sa isa sa mga kainan dito.Habang patingin tingin sa kanya si Devon. "Siya nga pala sa susunod na buwan ay i eenrol na natin si Dev,ibigay mo sakin ang birth certificate nya pati narin ung mga kakailanganin sa pagpasok. Ipaaa sikaso ko kay Martin." "Ako nalamang ang mag a asikaso.Ako ang ina" "Ikaw ang bahala.Ang sa akin lang naman ay alam kong marami karing inaasikaso.Tumigil ito ng tumunog ang cellphone sa bulsa, kasabay ang pagkunot. "I'II be there.Sabihin mong wag siyang aalis diyan mag-uusap kami.Mauna na kayo sa bahay sunsunod nalang ako."Sabi nito sa kanilang mag ina "Where are you going daddy?You said that you don't have work today? "Sorry baby,something came up.Daddy will be home before dinner, isa pa marami na tayong pinuntahan baka pagod kana. Sa susunod promise buong araw tayong mamamasyal." At hinalikan nito ang anak sa noo. "Daddy's right baby, babawi nalang uli siya sa susu-nod.Marami pa namang araw."Tinanguhan na nya si Devon ng may pangunawa. "Sige lumakad kana." Pagkasabi niya'y kaagad naman itong umalis nakita nya ang papalayong taxi nito,dahil isa lamang ang dala nilang sasakyan.Ano kaya ang mahalagang aasikasuhin nito at kinailangan pang isakripisyo ang kanilang family day?.Hindi pa sila nakakalayo'y nakita nyang natutulog na ang anak sa back seat,itinigil nya muna ang kotse upang ayusin ang pagkakahiga nito. Pagdating nya ng bahay ay may naratnan siyang bisita na matyagang naghihintay.Bitbit nya ang kanyang anak ng salubungin ng mama ni Devon. "Iha kanina ka pa nya hinahantay kaibigan mo raw."Tumango lang siya.Kinuha nito sa kanya ang kanyang natutulog na anak at nagpaalam muna ito saglit. "Bernard akala ko sa susunod na linggo kapa darating? niyakap nya ito "Ayaw mo ba akong makita?I terribly miss you Rebeca. Pwede ba tayong mag usap? Aayain sana kitang lumabas sandali!" Tumango siya bilang pagpayag. Gamit ang kotse nito pumunta sila sa Garden Park di kalayuan sa lugar na 'yon.Magkatabi silang naupo sa pangtatluhang upuan sa malaking park na napapalibu- tan ng bermuda grass.Tahimik ang lugar kitang kita ang ibat ibang uri ng mga bulaklak. "Kamusta kana?"Anang lalaki. "Ilang gabi ko naring pinag isipan, gusto kong tanggapin ang offer mo ngunit kailangan muna itong malaman ng aking anak, at ihanda sila para rito.Isa pa kailangan ko ring kausapin si Devon tungkol sa magiging arrangement namin sa bata."Inunahan na niya ng sagot ang lalaki dahil alam niyang matagal na siya nitong hinihintay at ang pasya niya. "Nakahanda akong maghintay Rebeca.Nauunawaan na kita.Mas masayang malaman na malaki ang aking pag asa,kaysa naman sa wala,"nakangiti ito sa kanya. Ma-rami-rami rin silang napag usapan, hanggang sa hindi na nila namalayan ang oras.Papadilim na ng umalis sila sa lugar na yon.Hangang sa pag uwi nila'y hindi n'ya naabutan duon si Devon hangang sa nagpaalam na ito matapos nilang kumain.Dahil nahihiya naman sya sa ina nito marami itong niluto. Ang anak naman niya ay nagising daw sandali at natulog ulit.Gusto nya ring sanang makausap si Devon sa pinaplano nila ni Bernard.Hanggat umakyat narin siya sa kwarto at nakaramdam narin ng antok. Kinabukasan ay bumaba na siya upang pumasok sa trabaho,itatanong sana nya sa ina ni Devon kung umuwi ito kagabi, ngunit nakaramdam sya ng hiya. Hindi pa sya nakakaakyat ulit ng ito ang magtanong. "Rebeca Iha bakit kaya hindi umuwi nitong gabi si Devon?Hindi ba tumawag sayo?Nasanay na kasi akong dito na siya araw araw umuuwi magbuhat ng dumating kayo ritong mag ina eh." "Kahapon po ay tumawag sa kanya ang opisina,kaya nga po hindi na nya kami naihatid.Hayaan nyo po mamaya po ay sasaglit ako doon bago pumasok tutal maaga pa naman ho at sasabihin ko pong nag aalala kayo." "Salamat iha ha!kasi'y hindi sana ko mag aalala pero kagabi pa nya hindi sinasagot ang telepono eh." "Sige po" Sa Totoo lang ay ngayon lang sya nakapunta rito sa opisina ni Devon.Paakyat na sya sa ika labin-dalawang palapag at naghihintay ng pagbukas elevator. Malaki ang nasabing gusali, maganda at malawak din ito.Fully aircondition mula ibaba hangang itaas.Nakita nya rin ang mga halaman na sadyang idinesenyo sa loob.Carpeted ang buong palapag. Nakita ni Rebeca na papasok ng pinto ng opisina ang assistant nito na si Martin.Tinawag nya ito at napali- ngon naman sa kanya.Dali dali siyang lumapit dito .Nakahawak pa ito sa knob ng abutan nya. "Narito po pala kayo miss Tough?" Takang takang tanong nito dahil ngayon lang siya nakitang bumisita rito. "E Miss Tough"Sabi nito na may pag aalangan sa kanya. "Its ok'' Sabay tulak nya sa pinto.Nakita nyang wala roon ang lalaki,kayat napagbalingan nya si Martin "Ah Martin alam mo ba kung saan pum-munta?---" At biglang may lumabas na babaeng naka twalyang maigsi buhat sa kanugnog na kwarto ng opisina na hindi nya kagad napuna dahil natatakpan ito ng isang malaking halaman.Sabay silang nagkatinginan ni Martin ng lumabas ang babae.Naninigarilyo at nakita na silang dalawa. "Who are you and what are you doing here?Hindi ko alam na lahat pala ng empleyado rito'y may access na pumasok sa loob ng opisina ng boss ng walang pahintulot?"Nakataas ang kilay nitong tanong sa kani- lang dalawa. "Itimpla mo nga ako ng kape" utos nito sa kanya. "Ah"Miss Claire,hindi po sya-" Natigilan si Martin sa pagsasalita at ganoon din si Rebeca.Paano'y lumabas mula sa kung saan si Devon na naka boxer short lang.Habang pupungas pungas na nabigla sa kanilang pagdating. "Hindi sana ako pupunta rito ngunit nag aalala ang tita."Martin aalis na ako salamat."Nakita pa ni Rebeca ang nahihiyang mukha ni Martin habang paalis sya. At tuloy tuloy na parang may sariling isip ang mga paang humakbang sya palabas,ramdam nya ang bikig sa kanyang lalamunan.Ang sakit sakit sa pakiramdam ng harapan mong makita na ang lalaking minamahal na may ibang kasama.Ito ba ng sinasabi nitong maha- lagang aasikasuhin?At ano ba ang aasahan nya?Hindi bat matagal na nyang tanggap na ganitong klase ang lalaking iniibig nya?Ano ang inaasahan nya?Na sabi- hin nitong mahal sya?At ano ang inaakala nya?Na pagkatapos sabihin nitong mahal sya ay sya lang ang iibigin at sasambahin?ano sya nahihibang?. Dapat noon palang ay hindi na nya pinapaniwala ang sarili na naiba sya sa mga babaeng kinakalanatari nito.Na espesyal sya!sya rin ang may kasalanan nito dahil kahit ilang ulit nyang pagsabihan ang makulit nyang puso ay hindi ito nakikinig.Sabagay kailan ba nagkaroon ng tenga ang puso?Hindi ba't ang tanging alam nito ay ang magmahal?Kaya nga hindi ito nilagyan ng tenga ng Divos dahil hindi ito para makinig kung hindi makaramdam ng pagmamahal at ng sakit. Nahihibang naba siya kung umaasa siya ng higit pa roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD