Jelousy

1188 Words
Nitong mga nakakaraang araw ay para syang buhay na patay walang syang gana,pigilan man nyang maging manhid ang kanyang pakiramdam ay hindi nya mapigilan ang kanyang sarili,mainam nalang at minsan ay lumalabas sila ni Bernard kagaya nalang ngayon, inaaya sya nitong magdate.Mabait at mapagmahal ang lalaki, siguro'y matututunan nya rin itong mahalin dahil sa ipinakikita nitong pagpupursige.pipilitin nyang maibaling sa lalaki ang nararamdaman.Napapanahon na upang kalimutan nya na lahat ng mga pangyayari sa buhay nya.Si Devon naman ay mukhang nalilibang nanaman sa bago nitong putahe.Tulad ng dati'y laman na naman ito ng mga babasahin. Napailing na lamang sya.ngayon ang napipinto nyang paglipat, maya mayang ala una ay lalabas na sya ng opisina upang hakutin ang kanyang mga kagamitan.Tutulungan daw sya ni Bernard na maghakot. Pagdating nya sa tahanan ng mga Lacon ay naratnan nya roon ang mag asawa n parang sadyang hinihintay sya.Naroon din ang kanyang anak,pagkakita nito kay Bernard ay agad itong nagpakarga dahil sanay na ang kanyang anak sa lalaki. Dahil madalalas kasi ang mga ito na mamasyal noong nasa Canada pa sila. Nag usap muna sila ng magulang ni Devon habang naglalaro ang kanyang anak at si Bernard. "Nahihiya kami sayo iha.Sandali itong napabuntung hininga." Mukhang mabait si Bernard',"lingon ng mga ito sa masayang sina bernard sa di kalayuan sa labas.Bakas ang panghihinayang ang nakabadha sa mukha ng mag asawa ng sinabi iyon.Napangiti lang siya na may halo ring lungkot dahil alam niyang tinutu lungan sila ng mga ito na kahit papano ay maiayos ang kanilang pagsasama at magkabalikan.Dama niya iyon dahil hindi naman siya manhid. "Ang buong akala namin nuong una'y kayo parin ang magkakatuluyan ni Devon dahil sa kabikabila niyang pambabae'y ikaw lamang ang dinala nya rito.At sayo lamang sya nag kaanak.Yun pala'y sila rin ang magka-katuluyan ni Clair." "Matagal napo ba silang magkakilala?"Nabigla man sa nalaman ay naitanong niya iyon sa ginang.Napayuko naman ang asawang lalaki. "Magkababata sila noon sa Tondo.Dahil doon narin si- la lumaki inasahan ng marami na sila rin bandang huli.Subalit habang nagdadalaga ay nag iba at tumaas ang pangarap sa buhay ni Claire,hangang dumating nga ang panahon na nagtapat si Devon sa kanya ng nararamdaman.Ngunit pagkatapos isang araw ay bigla na lang siyang iniwan nito at sumama ang kanyang kababata sa isang may edad na lalaki at dinala sya sa ibang bansa."Naawa ako sa aking anak dahil alam kong ang dahilan ng kanyang pagsusumikap ay dahil sa babaeng mahal nya.Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman nyang ipinagpalit sya nito sa lalaking mayaman at iwanan sya.Magbuhat nuon ay iisa nalamang ang tingin nya sa mga babae,walang ibang mahalaga sa mga ito kung hindi ang pera,kaya't nawalan sya ng ganang magseryoso sa lahat ng kanyang relasyon." Tahimik lamang syang nakinig. Siya pala ang babaeng nakita nyang kasama sa opisina ni Devon,nakita nya na pala ang babaeng siyang naging dahilan ng pagkaka ganito ni Devon.Hindi malayong magustuhan at mahalin ni Devon ang babae dahil maganda ito.Buong akala pa naman niya'y hindi marunong magmahal ang lalaki.Napakapalad pala kung gayon ni Claire dahil ito lamang ang nakalasap ng kaligayahan at pagmamahal ng isang Devon na siyang inaasam ng ilang kababai- han at hindi siya nakaligtas roon.Isa rin siya.Naman- hid na yata ang kanyang puso dahil natuyuan na siya ng luha.Hindi na siya maiyak sa sakit.Tama na rin iyon upang hindi siya maging higit na kaawa-awa sa mga mata ng mag asawa. Mabuti nalang at naikwento na sa kanya ng buo ang tungkol kina Devon at Claire bago pa dumating ang lalaki.Seryoso itong nakatingin deretso sa kanya ng humalik ito sa mag asawa.Pinilit naman siyang maging kaswal sa harap nito. "Nasaan ang bata?"Umupo ito habang nakatingin parin sa kanya matapos silang tanungin. Hindi paman sila nakakasagot ay paparating na ang hinahanap nito.Karga ni Bernard ang kanilang anak habang nakikipagharutan naman rito ang bata. "Siya nga pala dumating pala kanina si Bernard ang boyfriend ni Rebeca."Pagpapakilala ng ina nito kay Bernard. Gusto sanang ituwid ni Rebeca ang pag aakala ng mag asawa ngunit hinayaan nalang niya. Ewan kung ano ang masasabi ng mag asawa sa masamang tingin ni Devon kay Bernard.Siguro'y dahil sa selos na naramdaman niyo ng makitang karga ng kung sino ang kanilang anak. "Bernard"Pagkakuha niya sa anak mula rito ay naglahad agad si Bernard ng kamay kay Devon.Sa tagal ng pag angat ng kamay ni Devon aakalain mong hindi iyon papansinin ni Devon ngunit sa ilang sandali ay iniaabot narin nito ang kamay at ngumiti si Bernard. Habang magkalapit sila ni Bernard ay matamang nakamasid si Devon sa kanila.Hanggang sa nagpaalam sila ay hindi ito kumikibo. Matapos nilang maikarga sa sasakyan ang mga gamit nya at nangako syang kada linggo ay dadalaw sya o di kaya'y sa araw na libre sya. Hindi parin mapuknat ang blangkong tingin ni Devon ng umalis sila roon ni Bernard. Pagdating nya sa mansyon ay sinalubong sya nila Carla "SISSSSSSSS!!! Namiss kita.!!!" Sumulyap ito sa kasama nya bahagya itong nakangiti ng bumulong sa tenga nya. "Sis sino yang mukang amerikanong yan?Nakadagit ka nanaman ng may lahi ah?Mukhang habulin tayo ng nga gwapo ah?Nasaan na ang hudyong si Devon kaagad nyang siniko ito. "Nasaan ang asawa mo?" tanong nya kay Carla ng matapos syang humalik sa madrasta. "Ay ito naba ang magiging manugang ko?abay kagwapo naman pala!."Tanong ng kanyang madrasta. "Mommny, Sis, si Bernard po,sya po ang kaibigan ko sa Canada,doon din po sya namamalagi.Nariro po sya dahil mayroon silang project dito sa pilipinas."Napa Oh!si Carla habang nanunukso ang mga mata. Wala silang ginawa kundi magkwentuhan,nagpaalam na pagkatapos si Bernard.Doon kasi ito tumuloy sa inupahang hotel.Nahihiya raw ito sa kanyang pamilya at baka daw makaistorbo ito sa kanila lalo na't may aasikasuhin rin naman ito dito sa Pilipinas. Inihatid niya hanggang sa labas ang lalaki at bago nagpaalaman ay hinawakan siya nito sa mga kamay at kinitlan doon ng halik. "Maraming salamat at dumating ka sa buhay ko Rebeca." "Ako rin naman.Kung hindi dahil sa iyo'y walang aagapay sa aming mag ina noong panahong iyon.Marami nakong nahinging pabor sa iyo,ito na siguro ang pagkakataon upang makabawi naman ako. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kaligaya ngayon.Hindi ko maituturing na pabor iyon na hiningi mo sa akin kundi parte iyon ng pagmamahal ko sa iyo." Napangiti siya at niyakap ang lalaki. Hanggang sa bago ito nagpaalam ay kinitlan siya ng halik sa pisngi. "Oy sis,alam naba ni Devon yan?"Nagulat siya sa biglang pagbaling niya'y naroon pala ang kapatid at kitang kita sa mga mata ang panunudyo. "Baka sumugod na naman yun dito at magwala nanaman?"Sabi pa nito. "Naku tigilan mo nga ako,ako nanaman ang nakita mo"'aniya. "Teka sis,totoo ba yung balita na may bago nanaman daw sya?si Devon talaga kahit kelan''manyak". sabay tawa ito ng malakas.Maige nalang at matibay tibay ka hindi ka nagpapadala sa karisma ng gunggong na iyon.Aba'y daig pa ang hari nuong unang panahon sa dami ng asawa."Anito uli sa kanya. Hindi nalang sya kumibo. Kung nalalaman lamang sana nito... From the Author:Pls follow me here and click the heart icon in every ep.Kung nais nyo akong suportahan sa ABOT ng inyong makakaya ay narito po ang G-cash ko 09998134482 under the name of Sarah U.again,this is not obligatory!any ammount will do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD