Pagpasok ni Rebeca sa opisina kinabukasan ay nagulat pa siya ng may nadatnan siyang babaeng nasa katang-halian ang edad na naghihintay sa visitors chair sa tanggapan ng mga bisita.tumayo ito ng makita siya.
"Good Morning Miss Ralios.I'm Rochita Cordero Mr. Lacon sent me here.Nakangiti ito ng alanganin sa kan-ya.Pinag aralan niya ang hitsura at personalidad ng bagoong dating Sinenyasan nya ito na pumasok at su-
munod sa kanya sa loob opisina ng may tumawag sa
kanyang cellphone.Hindi na siya nagulat kung sino
ang nasa kabilang linya.
"I sent Miss Cordero to be your assistant, did you meet her?Isa siya sa mga pinagkakatiawalaan ko.Ipahihiram ko na muna siya sa iyo upang maiayos mo ang mga dapat mong ayusin."
Kahit ayaw ni Rebeca'y may magagawa ba siya?Isa pa
ay tama ang lalaki.Sa pagakakataong iyon ay nanganga
ilangan talaga siya ng tao.Ang dati kasi niyang sekre-
tarya buhat ng umalis siya ay nag resign narin.
"Anyway hindi naman full time anytime na hindi ka makakapasok ay sya na muna ang bahala.Alalahanin mo ang napagkasunduan natin Rebeca."
Pagkatapos nyang ibriefing ang babae,kagaya ng
inaasahan nya'y matalino ito at madaling matuto.
"Sa ngayon ay 'yan lang muna.Kung may iba kapang katanungan pwede mo naman akong i email nalang."
Tumango ito sa kanya.
Hindi pa siya nakakalabas ng opisina ng namataan
nyang paparating si Devon. Naka long sleve polo na nakarolyo sa bandang siko at naka kulay gray na slack. Sinalubong siya kaagad ni Devon.Nakabahid sa mukha
ang kaseryosohan.Ngunit ng makalapit naman na ay hinalikan naman kaagad siya sa pisngi.Pagkatapos ay inalalayan siya sa baywang.Nagulat man siya sa gina-
wa ni Devon ay hindi na siya nagtaka.Alam nyang malaki ang kasalanan nyang nagawa rito.Pagkalabas nila papuntang sasakyan ay nagpaalam ito sa kanya . Hindi narin niya tinanong kung bakit siya nito dina-
anan doon kung aalis lang din pala ito.
Sa di kalayuan ay nakita nyang may kausap ang lalaki. Ang babaeng lagi nitong kasama.Ang modelong si Alejandra.Maganda ito sa suot na 2 piece suit na gray na kung iba ang titingin aakalain mong terno pa ang dalawa.Napabuntunghininga siya pasakay sa loob ng
kanyang puting kotse.
Alam nyang walang siyang karapatang makaramdam
ng ganito.Ngunit di siya bato upang pigilin ang nara-
ramdaman.Nakita pa niya ang pagtatawanan ng dala- wa.
"hindi man lang muna pumili ng lugar kung san
dapat mag landian''Sumaglit lang muna si Rebeca sa kanyang tahanan.Nagulat pa siya ng naroon ang dala-wang mag asawa.Nagkagulatan sila lalo na ang kan-yang mommy,na hinanap ang kanyang anak.Nagpali-wanag naman siya kung bakit hindi niya kasama ang anak.Na pansamantala muna siyang mamamalagi doon upang maibsan ang lang taong pangungulila ng
kanyang biyenan sa kanilang apo.
"Sabi ko na nga ba eh.Kayo talaga ang para sa isat isa ni Devon.Tanggapin mo na kasi sis!"Panunukso ng ka-
patid na si Carla.Si Leonard naman ay pangiti ngiti
lang.Mukhang maligaya ito sa piling ng babae.
"Sabi ko nga sa kanila ay dumito narin sila.Aba'y ano naman ang gagawin ko ritong mag isa?.Ang laki laki ng bahay'".
"Oo nga Carla bakit hindi nalang kayo rito?"
Suhestiyon din nya.
"Napag usapan na nga namin yan ni Carla.
Diba sweet?"Si Leonard na naki suhestiyon ding
katulad nya.
"Pansamantala muna naming iiwan ang
bahay namin upang dito muna mamalagi .Isa pa para maalagaan at matingnan siya ni mommy dito."Sabi pa nito.Sabay-sabay silang nag salo sa hapunan.Marami silang napag usapan ng kapatid.
"Kailan nyo naman balak lumipat ditong mag asawa?"
"Baka sa makalawa ate .Hindi narin kami masyadong magdadala ng mga gamit ko.Dahil buhat nung nagpa-kasal kami ay iniwan ko ritong lahat ang mga personal na gamit ko.Si Leonard nalang siguro ang kailangang magpack."
Isang oras bago siya nagpaalam sa mga ito.Upang
umuwi sa mga magulang ni Devon.
Quarter to 9 sya ng makauwi sa bahay ng mga Lacon.
Pag dating nya roon ay sinalubong siya ng mga
kasambahay .Kanina paraw umalis ang mag asawa at
isinama ang kanyang anak papunta ng Baguio.At sa
susunod na araw paraw ang balik.Alam nya 'yon dahil
ipinagpaalam na sa kanya ito ng mag asawa.
Ilang oras din siyang nanood ng palabas sa Netflix sa
sala.Hindi nya alam kung sadya ba niyang hinihintay
ang pagdating ng lalaki.Mag aalas onse na ng gabi ng
may narinig siyang ugong ng sasakyan sa malayo.
Buhat kasi rito ay malayo pa ang papasok papunta ng
bahay.Dahan dahan siyang sumilip sa isang madilim
na parte ng kabahayan bandang bintana.Natanaw
nyang dalawang kotse ang dumating.bumaba mula
ito ang lalaki at pinagbuksan ang kotse ng babaeng
kasunod.Nakita nya rin ang pagiging malapit sa isa't
isa ng babae at ni Devon kaya't hindi rin siya nakatiis at umalis sya sa bintana.Pakiramdam nya kasiy may
mga tumarak na mga palakol,martilyo at lagare sa
kanyang dibdib.Hindi siya mapakali.Hindi nya alam
kung aakyat nalang siya o mananatili sa sala?pinili nya ang huli.
"Nariyan kana pala,kanina ka pa ba?"
Umungol lang si Rebeca bilang pagtugon..Akala nya'y aakyat na ito sa silid dahil alam nyang kumain na ito ng mga oras nayon at dahil gabi narin naman.
Kaya't nagtaka pa siya ng umupo ito sa mismong tabi
nya.Tatayo sana siya ng bigla siyang hilahin nito pau-po muli sa sofa malapit na malapit sa tabi nito.
"Saan ka pupunta?dito ka lang.Nananadya kaba? stop acting like a child,Rebeca!.
"Nauuhaw ako." Nakataas ang kilay na sagot nya sa sa mga ibinibintang sa kanya ni Devon at siyempre pa'y
Palusot nya na tinignan lamang ito at saka pa lamang siya binitiwan.Paglapit nya sa mesa ay maynakita siyang nakasupot mula roon.
"Paki lagay nga iyan sa plato tapos dalhin mo rito."
Utos ng hudyo sa kanya.
Pagbalik nya'y dala na nya ang letsong manok na nasa plato inabot nya yon dito.Nang sinadya nyang lumayo
ng kaunti sa kinauupuan nito.Bigla naman siyang hinawakan sa baywang nito upang sa pag upo nya'y malapit na malapit sya dito.Hindi tuloy siya gaanong makahinga.Tiningnan siya nito sa mata at isinenyas sa kanya ang manok.Nakuha naman kagad nya ang men-sahe nito.Kayat ipinugot nya ng isang hita ito at iniaa-bot sa lalaki.
Pinilit ni Rebeca na hindi nya na pansinin ang lalaki.
Habang nanunuod sila ay iniangat nito ang dalawang
kamay sa ulunan.Kayat ramdam ni Rebeca na lumapat
ang braso nito sa kanyang dibdib.Iniwasan nyang
tumingin sa lalaki kaya't kahit na hindi makahinga at
bukod sa butil butil na pawis sa kanyang noo sa
kabila ng aircondition sa loob ng malaking bahay ay
pinilit nyang ignorahin ang lalaki sa abot ng makakaya niya.Ang sumunod na ginawa nito ay kinabig sya sa
batok.Nanlaki ang kanyang mata sa kabiglaan dahil
inilapit nito ang mukha nya.
"NO!!!
ang tangi nyang nasabi rito.
"NO WHAT??"
sabi nito ng may kinuha sa buhok nya.
"May manok ka sa buhok." Seryosong sabi nito sa kanya.Pahiyang pahiya siya sa nasabi nya.Kaya tuma-
yo na lang si Rebeca upang iwanan na itong mag isa sa sala.
Inis na inis sa sarili ny si Rebeca .Para tuloy lumalabas na ilusyunada sya.Rinig nya pa ang pagtawag nito ng
may pag uutos bago siya pumanhik ngunit nag
bingi-bingihan siya dahil sa labis na kahihiyang ina-
bot kaninna lang.
From the Author:Pls follow me here and click the heart icon in every ep.Kung nais nyo akong suportahan sa ABOT ng inyong makakaya ay narito po ang G-cash ko 09998134482 under the name of Sarah U.again,this is not obligatory!any ammount will do.