Order

1150 Words
Pagmulat ng kanyang mata ay nakita nya si Devon a nakatayo at nagsusuklay sa salamin. "Your'e awake"Sinabi nito. Nakita nya itong naka tshirt naka cargo short at naka tsinelas na pambahay.Tinignan ni Rebeca ang orasan sa side table.Mag aalas sais na ng umaga.Bumangon siya at dumeretso sa banyo,suot nya ang kanyang sando at hanggang hitang cotton short kaya hindi siya nailang sa presensya nito.Paglabas nya'y nagulat pa siya ng makita nyang naroroon parin ang lalaki at nakaupong nagkakape sa loob ng kwarto dahil meron duong dalawang sofa na may coffee table. "Kumain kana sa ibaba at pagkatapos mo'y umakyat ka kaagad rito at mag uusap tayo!" Bumaba naman siya kaagad.Nakita nyang may naka-hain narin sa mesa at ang tanging tao sa ibaba ay ang tatlong kasambahay. "Mam kain napo kayo.Gusto nyo po bang itoast ko ang bread at iinit ko po muli ang mga pagkain?".Tiningnan nya ang mga nakahain sa mesa "It's ok."Aniya Aalis na sana ito ng tanungin nya. "Ah nasaan nga pala sina---??" "Ah sila misis po ay nasa labas at inilibot po sa buong lugar ang bata,"Nakangiti nitong sabi sa kanya. Hindi nya tuloy alam kung ano ang itatawag sa mga biyenan.Tama pabang tawagin itong nanay at tatay o di kaya'y Mr. at Mrs?Hindi niya kasi alam kung ano na ang papapelin niya sa bahay na iyon.Sigurado naman siyang hindi na siya pakikisamahan ni Devon pagkata- pos ng nangyari.Ngunit bakit isinama siya nitong matulog sa iisang silid kagabi?Sa couch naman natu- log kaya!Hindi naman siya umaasa kung siya ang tatanungin ay matatanggap naman niya na tapos na ang kanila.Ang hindi niya lang matatanggap ay ang ilayo nito sa kanya ang kanyang anak.Doon siya hindi makapapayag.Hindi nya maipaliwanag kung bakit magaan ang kanyang pakiramdam sa lugar na ito.O di kaya,sa mga taong kasama nya ngayon dito?para bang payapang payapa ang pakiramdam ni Rebeca.Sayang lang talaga'!. Pagkatapos nyang kumain ay pumanhik na siya Kumakabog man ang dibdib ay wala siyang pagpipili-an kundi ang harapin ito,.Nag ipon muna siya ng ma- raming hangin upang payapain ang kanyang kaba. Hindi niya alam kung bakit dito lamang siya nagkaga-nito sa lalaking ito, dito lang siya tinubuan ng pagka- takot. Ibang iba ito sa mga nakakaharap niya nuon, kahit gaano kataas na tao ang nakakasalamuha nya sa araw araw ay hindi naman ganito kalakas ang epekto sa kanya.Pagka bukas ng pinto ay nakita nya ito sa dating kinauupuan.Hindi ito nag salita.Bagkos ay ginamit nito ang mga mata upang iparating sa kanya na umupo sya sa katabing upuan. Umupo kagad siya, dahil pakiramdam nanginginig ang kanyang mga tu- hod sa kaba bakit ba'y hindi niya alam kung ano ang mga pinaplano nito at mga kundesyones. "First I want you to know that you have to follow what i will say because you owe me a LOT...!"Pag didiin nito sa mga huling salita.Nakikinig lamang si Rebeca sa mga sinasabi ng lalaki. Alam niyang hindi na siya bi- bigyan pa nito ng pagkakataon magsalita. "You have to follow my rules from now on!Kahit ano pa ang balak mong gawin you have to consult me first! At subukan mong ulitin ang ginawa mo sa akin 5yrs ago, YOU WILL SEE THE DEMON IN ME"and you know me Rebeca." Napaurong siya ng dahan dahang lumapit ito sa kanya. Dahan, dahann.Halos lumiyad siya sa sandalan ng kinauupuan nya dahil ultimo ang mga braso nito'y ipinatong sa armrest ng kung saan siya nakaupo ngayon. Kitang kita rin niya ang mga mata nito na nanlilisik. Bumaba ang mga mata nito inumpisahan sa kanyang mga paa,dibdib at pabalik sa kanyang mga mata.Umiling iling ito sa itsura nyang nakaliyad ha-bang nakasalikop ang kanyang mga kamay sa dalawa niyang hita.Magkalapat ang kanyang labi na mulat na mulat ang mga mata sa takot na kainin siya nito ng buo. "WRONG FALSE MOVE AND YOU WILL DIE.." Sinasabi nito yon habang nanlilisik naman ang mga mata sa kanya.Nagpapalatak na iniwan siya nito saglit at may kinuha ito sa cabinet na papel. "First, hindi ka pwedeng umalis mag isa kasama ang anak natin.Kailangan lagi akong kasama.2nd, kung gusto mong makasama ang anak mo ay kailangan kung nasan ka ay naroon ay naroon ako.3rd, we have our own life since walang kasalang naganap noon kundi puro kahihiyan ang idinulot mo sa araw na iyon sa akin.4th, kung ano ang magiging desisyon ko sa bata ay wala kang karapatang tumutol,5th kailangan mayroon tayong family bonding every week ends,6th, kailangan mong magsakripisyo ng kaunti para sa anak natin, kailangan mong kumuha ng assistant mo para hindi ka mkapag fulltime sa trabaho mo." "But---"Pagsingit sna niya sa sinabi nito. "SHUT UP!!!! I dont need your opinion here. All you have to do now is to follow my order." Nagsisintir man ang kanyang kalooban ay walang ma- gawa si Rebeca.Marami pang sinabi ito, na hindi mag sink sa kanyang utak.Nararamdaman nya ngayon ay panghihina. Ano ba ang nagawa nya nung pastlife nya at ibinigay siya sa ganitong klaseng lalaki?hindi naman siya nanapak ng tao, wala naman siyang inagrabyado noon ngunit bakit nangayayari sa kanya ito ngayon? Ang pangarap niyang masayang pamilya ay nahilaw. Kung kailan siya umedad ay saka pa naging ganito ang uri ng kanyang relasyon.Ang tanging tubo lamang ni Rebeca sa mga nangyari ay ang kanyang anak.Gustu- hin man niyang hindi aminin sa sarili ngunit malaki ang naging parte ng lalaki sa pagkakaroon niya ng anak na siyang nagpapaligaya sa kanyang buhay ngayon kaya lahat ng ipag uutos ng lalaki ay wala siyang karapatang tumanggi. Ang kunswelo nalang niya sa mga sinabi nito ay ang pagiging malaya na niya ngayon sa mga kamay nito.Hindi na niya kakailanga- nin pang maglagay ng espasyo sa gitna nila dahil ito na ang nagpasayang hindi na muling ibalik o dugtungan man lang ang kanilang nakaraan.Sabagay masyado ng matatapakan ang pagkatao ng lalaki ng sa kabila ng kanyang pang aabandona dito sa oras ng kanilang kasal ay sukdulan pa siyang pilitin nitong muling makisama sa lalaki.Laki nga namang kahihiyan iyon sa parte nito. Mas gusto na ni Rebeca ang gayon.Upang hindi na siya umasa sa magagandang bagay na pinangarap niya kung siya man ay magkakaroon ng sariling pamilya. Ang pangarap niya na balang araw ay may magmama- mahal sa kanya ng walang halong pagkukunwari.Aan- hin niya ang isang bata at matipunong katulad ng lalaki kung sa likod ng kanyang tunay na pagmamahal ay ang mapagbalat kayong nilalang na siyang magbibi- gay pasakit lang sa buhay niya. Di bale na! "Hindi ba't parang talo siya sa parteng pababayaan ni- ya ang babae na lumigaya sa kung sino man ang gugustuhin nito?Sa kabila ng ginawa ng babae sa kanya'y parang siya pa ang nagbigay ng ikasisiya nito! Ngunit lubos na tinapakan nito ang kanyang p*********i dahil sa ginawa nito sa kanya ilang taon na ang nakalilipas.Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang pinagtatawanan siya ng mga taong nakakakila- sa kanya lalo na ang mga babaeng nakarelasyon na niya.Ang alam niya lang ay walang nakatatanggi sa isang Devon.Tapos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD