Sa Airport....
"Mommy, Mommy" I think I need to pee".Sa bulol na salita ng anak.
Hawak hawak ng anak ang pundilyo ng short habang
tumatalon talon.
Agad na tumayo si Rebeca sa kinauupuan sa waiting area habang hinihintay nila ang kanilang flight at sina-mahan sa banyo ang kanyang anak.Maya maya pay'pa- labas na silang mag ina sa pasilyo na yon ng comfort room ng may biglang humarang sa kanilang daraanan.
Isang bulto ng malaking lalaking galit na galit na naka- tingin sa kanya.Nagkulay suka ang mukha ni Rebeca sa hindi inaasahang sandali.
"Who's he mommy?? nagtatakang tanong ng anak nya.
"Im your daddy handsome!"Mabilis na tugon ni Devon sa kanyang anak.
Tuluyan ng tinakasan ng dugo si Rebeca at hindi na naka imik hawak narin kasi ng dating asawa ang kan-
yang braso at tila bakal iyon na hindi niya kayang tanggalin uli.Napuna nya ring may mga kasama itong tatlong lalaki na humihingal pa sa tantya nya.Nanlaki ang mga mata ng anak sa narinig at napangirit ang anak nya sa katuwaan.
"wowwwwwww mommy?!"Nasa mata ng anak ang labis na katuwaan na may halong pagkukumpirma sa kanya.
"Look at me !You see?you look like me."Ang sabi naman rito ni Devon.
"Ow!.."
Ang tanging nasabi ng anak nya.Hawak na sila ni Devon sa kanang kamay nito ay siya at sa kabila ay ang kanyang anak.Naninigurado at pihadong iyon na yata ang katapusan ng lahat at ang simula ng kanyang kal-
baryo.Hindi na siya nagtaka ng sa paglabas palang nila ng airport ay nakahimpil doon ang kulay gray na van at dali dali siyang inunang pinasakay ni Devon sa ban-
dang likuran katabi ang kanyang anak.Kasunod na kasunod na pumasok naman ang dalawang lalaki.Alam nyang sinugarado na nito na hindi na siya makaka-takas pang muli.Alam nya ring wala na siyang magaga- wa pa.Sa pag himpil ng kanilang sinasakyan ay agad niyang nakita kahit sa malayo ang dalawang taong pa-
milyar na pamilyar sa kay Rebeca at alam niya rin kung saan ang lugar ito.Nakangiti ang matatanda lalo na sa batang bitbit ni Devon.Halata ang pananabik at
nanunubig na mga mata ng mag asawa.Sinulyapan si-
ya ng matatalim na titig ni Devon na punong puno ng
panunukbat.Tumingin din ang mga matatanda sa kan-ya at duon siya nagyuko ng ulo.Labis na pagkapahiya at konsensya ang naramdaman ni Rebeca sa tagpong iyon.Kung si Devon lang ay kaya niyang tignan ng deretsuhan sa mga mata ngunit ang mag asawang inu-lila niya sa nag iisang apo ay hindi niya kaya.Ang tanging nagawa niya nalang ay ang magyuko nalang ng ulo.
"Come baby, come to lola"
Nangingilid ang luha ng mga ito habang bitbit papasok ang kanyang anak.
Nakaupo si Rebeca sa malaking sofa habang pinagmamasdan ang dalawang biyenan na nakikipag
kwentuhan sa kanyang anak.Mga ilang minuto narin
siyang nakaupo duon habang si Devon ay matiim na
nakatitig sa kanya na punong puno ng katanungan
ang mga mata.
"Kung anuman ang dahilan mo sa paglayo,ay hindi ko gustong malaman.Gusto kong bukas na bukas di'y isasalin ko sa apilyido ko ang bata.Shit!Ni hindi koman lang alam ang pangalan ng aking anak!."
"D-Dev jr. ang pangalan nya,isinunod ko sa pangalan mo.At huwag kang mag alala dahil dala nya ang apilyi-
do mo."
Napaismid naman ito sa sinabi niya.
"Do I have to complement you by doing that?Mag uu-sap tayo bukas." Ang huling sinabi nito.
Habang kumakain sila ay halos subuan ng biyenan
nyang babae ang anak nya.Tuwang tuwa ang mga ito dahil bibo ang kanyang anak.Pagkatapos nila'y inaya na siya sa veranda ng kanyang biyenan na babae.Ang akala pa naman niya'y hindi na siya haharapin ng mga ito at hindi na siya umaasa pa.Ngunit sadya yatang hindi nagmana sa mga ito si Devon.
"Iha kamusta kana?Nalulungkot ako sa nangyari sa inyo at ng aking anak.Kung anuman ang hindi nyo napagka una waan ng anak ko, sana naman sa pagka- kataong ito ay huwag mo na sanang ilayo samin ang aming apo.Matanda na kami iha at kakunti nalamang
ang ilalagi sa mundo.Nais naman naming makapiling ang aming apo sa mga nalalabi naming panahon at sana ay mapagbigyan mo kami".Hinawakan nito ang kanyang mga kamay."Pls iha?''At tumango siya dito.
"Ako nga po ang dapat humingi sa inyo ng pauman-hin dahil sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito.Huwag kayong mag alala, makakaasa po kayo."
Walang paglagyan ang kasiyahang naka badha sa mga mata ng matanda.Ang biyenang lalaki ay tatango tango sa kanya sa malayo.Napakaswerte nya sana sa mga biyenan dahil napakabait ng mga ito.
Alas onse na nag gabi ng makapagpahinga sila.Ang
kanyang anak ay kasama ng dalawang matanda sa
kwarto.At sila naman ni Devon ay pumasok narin sa
kwarto.Kanina pa siya hindi mapakali habang nakaupo sa kama.Malamig naman ang aircon ngunit nararam-
daman ni Rebeca na kumakalat unti unti ang alinsa-
ngan sa kanyang katawan.Hindi nya malaman ang kanyang nararamdaman dahil dinig nya mula rito ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo habang nag sha shower ang lalaki.Paglabas nito mula sa banyo ay tumutulo pa ang basang katawan nito na nakatapi lamang ng twalya.Amoy pa ang sabon at shampoo na ginamit nito.Lumakad ito papunta sa closet at duoy nakita nya itong nagtanggal ng twalya.Hindi malaman
ni Rebeca kung titingin ba siya rito o hindi.Dahil kita-
ng- kita nya ang likurang bahagi nito na hubad habang nagsusuot ng brief. Lumakad ito sa gilid at bahagya si-
yang sinulyapan habang pinupunasan nito ang basang buhok.Napalunok sya ng hindi nya sinasadya.Dala ng
sobrang kahihiyan ng nalaman nyang nahuli siya nito na nakatingin.Inabot niya bigla ang remote ng tv.
"Mag shower kana"Bigla siyang nagulat sa sinabi nito.
Dali dali siyang tumayo at pumasok sa banyo.Isang
oras na yata siyang nag sha shower.Nilalamig narin
siya na may halong kaba dahil hindi nya alam kung paano harapin ang lalaki.Kilalang kilala niya kasi ito.
Dahan dahan siyang lumabas ng banyo na taglay ang
malaking kaba sa dibdib.Hindi nya malaman kung manlulumo siya o matutuwa ng makita nyang natutu-log na pala ang lalaki sa couch at sa wari nyay himbing na itong natutulog.
Kung naging isang matinong lalaki lang sana ito ay tiyak niyang mamumuhay sila ng normal bilang isang
pamilya ngunit sa unang pagtatagpo palang nila'y naging brusko na ang lalaki.Marami silang pagkakaiba
hindi sila bagay sa isat-isa.Siya'y sopistikada edukada at kagalang galang samantalang ang sa lalaki'y magaspang,mapusok at mapangrahuyo.Sabagay kung liligawan naman siya nito gaya sa mga pangkaraniwan
ay magdadalawang isip siya. Bakit ba'y napataas ng standard niya sa isang lalaki.Kung hindi pa siya tinakot at tinutukan nito'y hinding hindi siya padadala sa mga diskarteng gigolo nito.Aaminin niyang mahina siya sa mga panunukso nito ngunit kung hindi siguro sila nagkakilala ay nungkang mapansin man lang niya ang lalaki o pagtuunan man lang ng panandaliang sulyap.
Bago nakatulog si Devon ay marami pa sana siyang gustong ipamukha sa babae.Ngunit ng makita niya kanina ang mag ina'y parang may kakaiba siyang gaan sa kalooban na nadama lalo na ng maiuwi niya ang dalawa rito sa bahay ang mga balak niya at agam-agam ay tila naglaho ng ganon ganon nalang.Kaya pag higa niya niya ay parang ngayon niya lang naramdaman ang matinding pagod na pumuno sa ilang taon niyang paghahanap.Napalagay na ang kanyang kalooban kasanay ng kanyang pagod at plastadong katawan.