Slipped

1150 Words
Hatak hatak siya ngayon ni Devon sa braso at ng ma-karating sila sa bandang gilid ng malaking solar nayon ng mga Dominguez ay doon na nito inilabas ang galit. "Nasan ang anak ko Rebeca?mahabang panahon mo akong pinagtaguan.Akala mo ba'y makakapagtago ka pa sakin?!I will not forgive and this time,I will not let you slipped trough my finger's again.' Nag iigtingan ang mga ugat sa leeg na sinabi nito sa kanya. "At ikaw!Hindi paba sapat ang mahabang panahon upang makapagsimula ka sa isang bagong aanakan?" Sa halip na sumagot ay piniga nito ang kanyang pisngi. "Sasama ka sa akin ngayon sa ayaw at sa gusto mo Rebeca!At pupuntahan natin ang anak ko." Wala ng nasabi pa si Rebeca ni gaputok ng marinig ang sinabi nito,ni hindi nya alam kung ano ang narara-pat na sasabihin nya rito upang mapaglubag ang loob ng lalaki.Natatakot din siyang sa pagsagot niya ng hin- di maganda ay mapatay siya nito.At lalong hindi niya narin alam kung ano ang kanyang gagawin.Sa lahat ng pinlabo niya ay wala man lang siyang naisip ni isang paraan,nag blangkong bigla ang kanyang utak.Sa pun-tong iyon ay nanghihina na siyang sumama rito. Nang sa akala ni Rebeca'y wala na siyang magagawa pa'y bigla namang sumulpot sa gitna nila ng kasama nitong babae. "Devon ....where have you been?And who's she?" "Saka na tayo mag usap Aleja,magkita nalang tayo next week.May aasikasuhin lang ako." Nang makita ni Rebeca na nagtaka ang babae at nilapi- tan nito bigla si Devon at may ibinulong,doon nakakita ng tamang pagkakataon si Rebeca at siyang bigla niyang paghiklas ng ubos lakas sa kanyang braso na kanina lamang ay mahigpit na hawak nito ay doon siya nakakawala.Hindi rin siguro inaasahan iyon ng la- laki kaya sa ilang segundo ay nakatalbo siya. "SHITTT!!!" Narinig pa niyang sabi ni Devon bago siya matuling tumakbo. Habol ng sampung demonyo ay hindi papahuli si Rebeca at habang may lupa na ang kanyang takbo. Ti- yak niya na dadaigin niya sa kanyang tulin palagay nya si Lydia de vega sa mga oras na iyon.Wala na siyang pakielam kung pinagtitinginan siya ng mga taong na-dadaanan.Habang hawak hawak nya ang kanyang sa- patos.Sa hitsura niya ng sandaling iyon ay walang maniniwala na siya si Miss Tough!Nagmukha kasi si- yang katawa-tawa at kasali sa agawang base sa pinag gagagawa niyang iyon.Kung mayroon lamang nagka- lakas ng loob na kuhanan siya ng video ay tiyak na nag viral siya at ang nakakatawang caption ay "Nang ma-laman mong ibibigay na ni Cayetano ang sampung libo kada pamilya."Na nababasa niya sa mga komen-tong nakakatawa sa mga post ngayon sa social media. Nang sa palagay nya'y malayong malayo na siya, ay saka siya huminto.Ngayon lang nya naramdaman ang pagod at sakit ng mga paa.Mabuti nalang talaga at lahat ng dinaanan nya kanina ay puro bermuda grass. Dito nama'y malinis ang mga sementadong daan ngu- nit masakit na iyon sa paa.Para siyang sinabunutan ng tatlong mangkukulam sa palagay niya.Ramdam niyang sabog-sabog ngayon ang buhok niyang nagkandalaglag ang mga pin na nagkalat sa pawisan nyang mukha. Na- ka updo paman din iyon kanina.At kung may makaki- ta man sa kanya sa ganoong sitwasyon ay baka sya mapagkamalang bruha dahil sa haba ng buhok nyang nakabusarga.Iniayos niya iyon ng panandalian at san- dali lang kaagad na mayroong dumating na sasakyan. Pinara niya agad ang taxing nakita at sinigurado nyang walang nakasunod sa kanya. "Saan po tayo mam?" Habang nakakunot na nakatingin sa kanya ang takang takang driver at sinabi nya ang lugar na inuuwian nya. Ng makauwi siya ng bahay ay nagulat ang kanyang mga katulong sa nabungarang itsura nya.Nagtataka man ay hindi na nagtanong ang mga ito.Pag panhik nya ay dumaan muna siya sa silid ng kanyang anak na natutulog sa malaking kama na yari sa kotseng malaki.Hinalikan nya ito sa noo at sa pisngi.At mata-man nyang pinagmasdan.Kung tutuusin ay hindi ito mukang Pilipino dahil kinuha nito ang lahat sa amang may lahing ruso,ang alam nya'y sa lolo nito nagmana si Devon. Pagod na pagod si Rebeca matapos niyang mag shower at makapagpalit ng damit ay ibinagsak ang katawan sa malaking kama.Hinimas himas ang kanyang mga binti at paa.Ngayon niya higit na nararamdaman ang sakit at pagod na dinanas kanina.Ang buong akala niya'y mahuhuli na siya ng lalaki,laking pasalamat niya sa babaeng kumuha ng pansin nito.Ito pala ang magiging tulong sa kanya sa mga oras na iyon.Takot na takot siya.Isipin palang na ilalayo sa kanya ang kanyang anak ay para siyang binabangungot agad.Naalala nya ang nangyari kanina.Kailangan matawagan nya na kagad si Carla. "Hello!!! Carla?I have something important to tell you!" "Ammm ,,,si Leonard ito Beca,teka nasa itaas si Carla tatawagin ko. "Pasensiya kana Leonard ha!mukhang nakaistorbo pa yata ako sa inyo. "Ok lng,hindi pa naman kami matutulog." Pagkatapos niyang magpasalamat dito ay narinig na nya sa kabilang linya si Carla". "O sis saan ang sunog?? tanong nito sa kanya na kahit hindi nya nakikita ay alam nya na namang tumatawa ito "Dont start Carla.Pls!" At tumikhim ito mukhang napahiya sa pananaway niya. "Its about Devon,nagkita na kamni kanina.At gusto kong ayusin mo bukas na bukas din ang pag alis namin ng bansa ni Dev." Napabuntung hininga ito sa kabilang linya. "Habang buhay kabang tatakbo?habang buhay nalang ba kayong magtatago?" Anito sa kanya. "Carla!"Mariing sabi niya rito na may halo uling pananaway. "Ok,ok!"Titignan ko kung ano ang magagawa ko. "Siguraduhin mo."Sabi niya rito out of frustrations. "Sige,sige!Bukas na bukas din."Paniniyak na ngayon nito. "Pasensiya kana Carla.Huli na ito.Alam mo namang ikaw lang ang makakatulong sa akin.Dapat nga ay ako ang iintindi sa iyo dahil sa kalagayan mo."Nahihiya na niyang sinabi ng mahulasan sandali. "It's ok,ano kaba!Hindi naman ako mapapagod,tanda- an mong sa panahon ngayon ay hindi mo na kailang- an ang mapagod para lang makapag asikaso.One phone call,direct payment and all my connections?Woala!Areglado na ang lahat agad!" "Salamat."Sabi niya rito. "Uhum,ok lang iyon sis,ikaw paba?" Napangiti si Rebeca bago ibaba ang tawag. Mabuti nalang talaga at nagbago ang kanyang kapatid. Sila pala talaga ang magdadamayan sa huli. ... Hindi alam ni Devon kung paanong napalagpas pa niya ang pagkakataong mahuli ang babaeng matagal na niyang pinaghahanap.Galit na galit siya sa sarili at sa pangyayari.Napakahusay magtago ng babae.Kung saan-saan niya ito hinanap,umupa pa siya ng detective at tinulungan din siya ng ama ngunit napagplanuhan na pala iyon ni Rebeca.Minaliit niya ang kakayanan ng babae.Ipinagwalang bahala niya ang isiping maaari siyang takasan nito.Hindi niya alam kung matatawa ba siya o papaghariin ang poot na namamayani sa kanyang dibdib ngayon.Kanina kasi'y nakita niya kung gaano kabilis itong tumakas,kahit siya ay nabigla sa tulin nito.Maraming mga kakatwang bagay ang kayang gawin ng babae na siya man ay nasosorpresang taglay pala nito.Gusto nya pang makita kung ano-ano pa iyon.Kaya kung noo'y natakasan siya nito ng wala siyang kalaban-laban,ngayon ay hindi na siya makapapayag na gawin nito uli sa kanya ang ginawa nito dalawang taon na ang nakalilipas. Idinial ni Devon ang kanyang cellphone at may tinawagan. "Hello pre!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD