Pagkatapos nilang mamasyal ng kanyang anak ay
naisipan naring mamili ng mga damit si Rebeca at gamit nito sa mall.Aliw na aliw ang kanyang anak sa mga bagong nakikita.Marami rami narin silang napa-
pamili ng may mamataan syang pigura ng lalaking naka side view na tila may kausap sa cellphone.Parang
sinasadya namang napatingin ito bigla sa kanya,at
siya nama'y natigilan. Pasimple syang nag about pace. Mabuti nalang at bukod sa salamin ay naka cap pa sya Medyo maputi narin sya ngayon,kayat imposibleng
mamukhaan pa siya nito.Pigil ang hininga ni Rebeca,mabilis ang t***k ng puso,wari ba'y kahit na
anonang oras ay maaari siyang matumba sa kinatata-
yuan.Dali dali syang lumiko papunta sa kanyang anak ng may maraaanan syang likuan sa restroom ay agad
syang lumiko at dahan dahan siyang sumilip mula
rito.Wala na ang lalaki,hindi siya kailanman maaaring magkamali. Tiyak niya!Si Devon ang kanyang nakita.Kahit nasa pinakamalayo pa ang lalaki'y makikilala't makikilala niya ito.Biglang nadagdagan ang kanyang kaba ng maitanong din sa sarili."Siya ka-ya'y ganoon din rito?"Nagbilang sya ng mga ilang mi-
nuto ng sa palagay niya'y nakaalis na ang lalaki'y kakaba kaba siyang lumabas sa pinagkukublihan niya.
Anong ginagawa rito ng lalaking yon?Nasa bokabu- laryo naba nito ngayon ang magpunta sa mga ganoong klase ng lugar?Sa susunod nga ay mag ha hire narin siya ng personal shopper nya,ng sa gayon ay hindi na sya ang namimili para sa kanila."Sandali nalang Re-beca!Sandali nalang."Sabi nya sa kanyang sarili. Sa susunod na makausap nya ang ang mga ka business deal at pumayag na ang mga ito sa kanyang proposal ay mamadaliin na nya ang kanilang pagbalik sa ibang bansa at wala narin syang puprublemahin.Kakain pa sana silang mag ina, subalit hindi na nya itinuloy.Ma-
hirap na at baka makasalubong pa nila ang lalaki.
"Mam,kanina po pala ay tumawag Si Mam
Carla.Pinasasabing tawagan nyo raw kagad siya pag
uwi nyo."Salubong sa kanya ng kanyang kasamabahay.
Tinanguhan nya lang ito at agad nyang idinial ang nu-mero ni Carla.Maalala nya nga pala!hindi pa pala siya nakakapagpalit ng number sa cellphone.
"Sisss!"Bahagya nyang nilayo ang reciever sa kanyang tainga dahil sa lakas ng boses nito.
"Bukas ng alas 7:00 ng gabi ay pinsasabi ni Yvonne na mayroon daw masquerade party na gaganapin sa malaking bahay ng mga dominguez.Tungkol sa pagi-ging bagong C.E.O. ng kanyang unico iho sa kumpan-
yang iiwan ng matandang Dominguez.O,ito na ang pagkakataon na makausap mo si Mr Dominguez,o di kaya'y maimbitahan mo sya for a meeting.Napaisip sya sa sinabi ng kapatid at napatango-tango.May punto ito.Sapagkat laging may sakit na ang matandang Do-
minguez importanteng imporatanteng makausap na niya ito dahil malaki ang maitutulong nito sa kanya nagkakaproblema kasi siya sa shipping ng kanilang produkto.Ito na ang tamang pagkakataon.Pagkatapos niyang magpasalamat sa balitang hatid ni Carla sa kan
ya ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.Naghanda na siya sa sinasabing gaganaping Masquerade Party.
...
Gabi sa mansyon ng mga Dominguez..
Ilang na ilang si Rebeca sa suot na black dress na v -shape neck.Suot nya ang volto white mask, at wala syang balak na hubarin yon.Di gaya ng ibang hawak lamang mga mask nila.Gusto sanang sumama kanina ng kanyang anak subalit ipinaliwanag nya ritong baka ma bore lamang ito dahil walang mga batang kasama sa pagtitipon na yo'n at pumayag naman sa narinig ang bata.
Pamikyar na sa kanya ang mga ganitong pagtitipon inaasahan na ang pagbaha ng mga mamahaling alak at ang mga pagkain ay ibat ibang putahe kada isang long table.Ang iba'y nag lulunoy sa swimming pool. Sari sari ang mga taong naroon.Mayroong mga iba la-
hi. Nakita nya rinang binatang anak ng Dominguez.
Magandang lalaki rin ito tulad ng ama.Humahanap
lamang sya ng tamang panahon upang makausap ang
matandang Dominguez.Nakita nya itong nakaupo sa
wheelchair habang nagsasalita.Makikita mong unti
unti itong ginugupo ng sakit na diabetes,Umiinom sya ng pineapple juice, ng makita niya sa gilid ng kanyang
mga mata ang multong iyon!Hindi ba niya naisip man
lang na hindi imposibleng naroon ito?Napakatanga naman talaga niya oh!nakita nya ang lalaking ayaw nyang makaharap na muli ang kanyang tinatakasan!
Nanigas sya sa pagkakatayo nyang iyon sa malapit sa
mesa kung saan naroon ang lahat ng inumin.Kasama nito ang babaeng modelo.Naka mask din ang mga ito subalit parehong naka colombina mask kayat madali nyang nakilala ang lalaki.Isa pa'y, kahit siguro nakata-likod pa ito ay makikilala nya parin,sa isiping iyon ay kinastigo ni Rebeca ang sarili. Dahil narin na ang lalaki'y masyadong takaw pansin.Siguro'y sa swabeng dating at kakaibang karisma na taglay taglay lalaki.Ki-
tang kita niyang umupo ito sa pang tatluhang mesa.
Pabuoong bulong naman dito ang babaeng kasama. Maya maya pa'y pumailanlang ang malamyos na tug-tog ng musika para sa mga magkakabiyak na magsas-yaw sa gitna.Bigla siyang napasulyap sa mesa ng mga ito at para siyang dagang nahuling nakatingin sa lalaki dahil mula rito sa kinatatayuan nya ay kitang kita nyang nakatingin din ito sa kanya.Kung wala siyang suot na maskara ay kitang kita ang pamumutla nya sa kanyang mukha."Nakikita ba siya nito ?nakilala ba siya nito?."Kakaba kaba siyang tumalikod sa mga ito, at nagmamadali siyang lumiko sa kabilang daanan
papunta sa lugar kung saan naroon si Mr.Dominguez.
Kasama ito ng ginang na nakahawak sa wheelchair
at kasamang nakatanaw sa mga nagsasayaw. Dahan dahan syang lumapit dito at nakipagkamay.Ngumiti naman ito at nagulat sa kanyang presensiya.Matagal narin silang magkaibigan ng matanda.
Inaya siya ng Ginang sa loob ng mansyon at gumawi
sila sa veranda dahil nakita niyang naroon din ang
anak na binata nito na kasama ang mga na naginuman rin sa loob ng bahay.Kasalukuyan silang naguusap ng matandang lalaki ng ,.
"O iho! tamang tama, halika maupo ka.Miss Rallios meet Mr.Devon.The new president of the shipping company sa kung saan ka ikamo nagkakaproblema?.
Hindi na nakakilos pa sa kinalalagyan niya si Rebeca upang lingunin pa ang lalaki.Nakita nyang lumigid ito sa lugar nya at naupo.Kahit hindi siya direktang maka-
tingin dito ay alam nyang titig na titig ito sa kanya.Siya naman ay nanatiling sa matanda nakatingin. Ginigiti-lan ng pawis sa noo si Rebeca habang di nya mapigil ang bahagyang panginginig.
"Something wrong Miss Rallios?tila namumutla ka?may sakit kaba?"
Tanong ng matanda.Hindi sinasadyang kaagad siyang napasulyap kay Devon na matalim na nakatingin sa kanya, habang prenteng prente itong nakasandal sa malambot na upuan naka dekwatro at hawak ang hinihimas na baba. At Napasulyap ito sa hawak hawak nyang maskara.
"Trying to hide your face or yourself Rebeca?"sabi nito sa kanya.Napalunok na lang si Rebeca at walang naitugon.Ang layon niya'y huwag ng bigyang pagkaka-
ong makapagsalita pa ito at may masabing hindi maganda.
"Do you know each other?"Sabi ni Mr Dominguez.
Kung gayon ay hindi na kayo maninibago sa isat isa.
Sa pasasalamat ni Rebeca ay natapos ang kanilang pag
uusap hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas upang makapagsalita at masabi parin ang pakay.Nang magpapaalam na siya ay kapwa tumayo sa kinaupuan nila.Pagtayo ni Devon ay inilahad nito ang palad sa kanya at walang kaabog abog na sinabi.
"Nice to see you again!"
Atas ng kabutihang asal ay tinanggap nya ang palad
nito na nakalahad.Hindi na siya nagulat ng maramda-
man ni Rebeca ang higpit ng palad nito na animoy nilamon ang buo nyang kamay.Akala nya'y pakakawa-lan na nito ang kanyang kamay ng magsalita ito sa ma-
tanda.
"Aalis napo kami ng aking mapapangasawa Mr.Domi-
nguez"Magkasabay sina Rebeca at ang matanda na nagulat sa sinabi ni Devon.Hawak na nito ang kanyang braso at halos hilahin sya nito papunta sa labas.