Tumulong na rin si Elle sa pag-set-up ng tent nila dahil pagabi na rin. Tanging solar lang na malaki ang nagsu-supply ng malaking ilaw na nasa gitna ang nagsisilbing ilaw nila. “Bukas pa darating ang mga gamot para rito. Sasama na rin si Doc Manansala para ma-check-up na rin ang mga bata,” saad ni Dom ang asawa ni Fatima. “That’s good, bukas din darating ang mga bagong solar panels na kapalit nu’ng mga nasira rito dahil sa bagyo nu’ng nakaraang buwan,” wika naman ni Lorenzo. “Kaguwapuhan lang ang kaya kong ibigay sa ngayon,” sabat ni Rain. Kaagad na binatukan naman ito ni Ruth. “Ang feeling mo, sakit ka lang sa ulo ng mga babae,” saad nito. Bumusangot naman ang kapatid niya. Natawa naman si Elle. Pagkatapos ngang ma-set-up ang tent nila ay kinuha na niya ang kaniyang bag dahil nagsi

