Nakamasid lamang si Elle habang nakatingin sa asawa niyang tahimik lang na kumakain. “Eyes on the plate. Huwag iyong kung saan-saan ang tingin mo,” wika nito. “Ha?” Mabilis na sumubo naman ng pagkain si Elle at nginuya iyon. Kaagad na nakaramdam naman siya ng hiya. Lorenzo smiled on her reaction. “Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na,” dagdag pa nito. “W-Wala naman,” sagot niya. Tumigil ito sa pagnguya at tinitigan siya. Kaagad na kinabahan naman si Elle sa uri ng titig nito. “Bakit? May problema ba?” tanong niya rito. “Nag-email sa ‘kin si mommy kagabi. Tinatanong niya kung gusto mo bang ituloy ang naudlot nating honeymoon,” saad nito. Nabilaukan naman si Elle at mabilis na uminom ng tubig. “H-Honeymoon?” Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa kaniyang asawa.

