Uminom ng tubig si Elle sa kusina at makailang bses na huminga nang malalim. Ang sikip lang ng puso niya sa galit. Lumabas siya ng kusina at aakyat sana sa kuwarto niya nang makita si Maddison na nakaupo lang sa sala. Hindi pa pala ito umaalis. Napakunot-noo siya at mabilis na nilapitan ang bonsai na sira sa round table sa gilid. “Ano’ng ginawa mo rito?” singhal niya sa babae. Tiningnan naman siya nito at nginitian. “The question is, ano ang ginawa mo riyan?” sagot nito. Naikuyom naman ni Elle ang kamay niya at nilapitan ito. “Hindi mo ba talaga titigilan ang pagpi-feeling victim mo, ha? Talaga bang uubusin mo ang pasensiya ko? Nananahimik ang bonsai sa gilid ba’t mo kailangang idamay? Alam mo ba kung gaano ‘to kahalaga kay, mama ha?” aniya at inayos pa ang halaman. “What’s happenin

