Tahimik lamang sa loob ng sasakyan si Elle habang bumibiyahe sila papunta sa airport. Hindi niya rin mawari at parang sobrang good mood ng kasama niya ngayon. Kanina pa ito pangiti-ngiti. Hindi na rin niya tinanong at baka magbago na naman ang mood. Pagdating nila ay kaagad na may staff na lumapit sa kanila at inalalayan sila sa kani-kanilang dala papunta sa loob ng plane. Napatingin siya sa paligid at wala silang kasabay maliban sa piloto at tatlong stewardess. “Walang sasakay na iba?” tanong niya sa asawa niya habang papaupo na sila. “Mukha bang pampasahero ang eroplano ko?” sagot nito. Halos lumuwa naman ang mata ni Elle sa narinig. “S-Sa ’yo ‘to?” gulat niyang tanong. “Obvious ba?” anito. “Wow! Hindi ko kasi alam kung ano ang nasa loob ng eroplano kasi hindi pa naman ako nakasak

