“Maddi, have you seen the news?” untag sa kaniya ni Samantha nang makapasok ito sa kuwarto niya. Natigilan naman ang dalaga nang makitang tulog na tulog pa ito. “Maddi, hey! Gumising ka na riyan. Nag-bar ka na naman kagabi?” tanong niya rito. Inis na ibinuka naman ng dalaga ang mata niya. “Sam, ano ba? Get a life. Gusto ko pang matulog. Pagod ako,” saad nito. “Saan ka na naman pumunta kagabi?” usisa niya sa kaibigan. “May script reading kagabi, then after pumunta ako sa condo ni, Jacob,” sagot nito at akmang matutulog pa nnag magsalita ulit si Sam. “Alam mo na ba ang balita?” “Come on, Sam pagod ako. Sa susunod na tayo mag-usap kung ano man iyan hindi ako interesado,” sagot niya. “Well, ikinasal lang naman si Elle at Lorenzo kagabi. It was an intimate garden wedding with a fairyta

