Nakahiga lamang si Elle sa kama niya at napabuga ng hangin. Kanina pa niya iniisip kung anong klaseng pagmamahal ba mayroon si Lorenzo para sa ex nito. Halatang-halata kasi na baliw na baliw pa rin ito kay Maddison. Napabusangot naman siya at umiling. “Kahit yata isampala ko ang katotohanan sa kaniya na niloloko lang siya ni, Maddison ay wala siyang pakialam,” aniya at huminga nang malalim. Bukas ay may lakad sila. Batid ni Elle na haharap siya sa mga hindi ordinaryong tao kaya kinakabahan siya. Kasama niya ang buong pamilyang Rossi. Dahil nga asawa na niya si Lorenzo ay kailangan nandoon siya sa event na pupuntahan nila. Hindi na rin bago sa pamilya ang mga media. Isa sila sa pinakamaimpluwensiyang pamilya sa bansa kaya hindi na magtataka si Elle. Nagkumot na siya sa sarili niya at ip

