Bumaba siya ng taxi at napipilan nang makita ang mga gamit niya sa labas ng mansiyon na pinaglalaruan na ng mga pusang gala. Mabilis na nilapitan niya iyon at inilagay sa bag niya sa gilid. Hindi na naman niya mapigilan ang sarili niyang umiyak. “Elle?” Napalingon siya at nakita si Nica. Halata ang lungkot at awa sa mukha nito. “N-Nica,” aniya at lalong nagsibagsakan ang luha sa mga mata niya. Nilapitan siya ng kaibigan at niyakap nang mahigpit. Bumuhos na naman ang masaganang luha sa mata niya. “Nica, wala akong alam. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bakit naman ganito?” umiiyak niyang saad. “Shh, alam ko, alam ko. Alam kong hindi mo magagawa ‘yon. Kilalang-kilala kita,” saad nito. Suminghot siya at nanliliit sa sarili. “Kailangan mo ng umalis bago ka pa makita ng Donya. Sobra

