Makalipas ang ilang araw ay naging okay na rin si Elle. Sinubukan niyang umiwas sa TV at ibinuhos ang lahat ng oras sa pagtulong sa lolo at lola niya sa palayan. Laking pasalamat na rin niya at open-minded ang mga tao sa kanila kahit pa na nasa probinsiya sila. Hindi sila naniwala sa balita kahit pa alam nilang mahirap na paniwalaan na nagsasabi siya ng totoo dahil sa kabi-kabilang ebidensiya na lumalabas. O baka nga, naniniwala sila kaso para hindi siya mailing ay umaakto na lang na wala silang pakialam. mas okay na rin yon sa kaniya nang sa gayon ay mamumuhay pa rin siya nang payapa. Pagkatapos nilang magtanim ng palay ay naghugas na siya sa gilid kung saan may irigasiyon. “Elle?” tawag sa kaniya ni Abet. Kasama niya sa pagtatanim kanina. “Bakit?” tanong niya rito. “Pumunta ka muna

