C-12

1842 Words
--- Pagdating nila sa mansyon, hindi pa man nakababa ng maayos si Yvone ay bigla na lang sumiklab ang galit ni Lucian. "Anong ginagawa mo sa hotel, Yvone?" mariing tanong nito, habang mariing nakakunot ang noo at halatang pigil ang inis. Napaatras si Yvone, kita sa mga mata niya ang gulat at kaba. "Wala akong ginagawa, Lucian. Nagkataon lang na nandoon din si Nimfa. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya ro’n!" pagtatanggol niya sa sarili. "Nagkataon?" Halos mapangisi si Lucian. "Yvone, sa dami ng lugar na pwede mong puntahan, bakit sa hotel pa?" "Look, wala talaga akong ginagawang masama. Saka... yung mga paratang nila—lalo na si Nimfa—puro kasinungalingan ‘yon. Alam mong hindi ko kayang gawin ‘yon. Naniniwala ka ba sa kanila?" seryosong tanong ni Yvone, nanginginig ang boses. Hindi agad sumagot si Lucian. Sa halip, tumingin siya sa malayo, parang may iniwasang katotohanan. "Lucian…" Hinagod ni Yvone ang noo niya, halatang nafi-frustrate na rin. "Ano yung sinasabi ni Nimfa na kayo raw ang magkasama sa hotel? Totoo ba 'yon? Kayo ba…?" Dito na nagbago ang ekspresyon ni Lucian. Kita ang bahagyang pagkaguilty sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin. "Huwag mong ibahin ang usapan," malamig niyang sagot. "Lucian, sagutin mo ako. Kayo ba ni Nimfa? Totoo bang may nangyari sa inyo?" halos pabulong pero mabigat na tanong ni Yvone. "Stop it, Yvone. Hindi ito ang panahon para sa mga maling akusasyon mo," balik ni Lucian, pero mas nagiging defensive na ang tono. "Maling akusasyon?" Tumawa si Yvone, may halong pait. "Eh bakit hindi ka makatingin sa akin ng diretso? Gusto mo akong tanungin at pagsabihan kung sino ang kasama ko, pero ikaw itong may tinatago?" "Enough!" sigaw ni Lucian, hindi na napigilan ang sarili. "Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo!" "Talaga lang, Lucian? Wala kang ipapaliwanag? Samantalang ako, halos baliw na sa kakaisip kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko sa mga kasinungalingan!" Tahimik. Bigla silang parehong natahimik sa gitna ng tensyon. Malalim na buntong-hininga lang ang narinig mula kay Yvone. "Kung wala kang kasalanan… sabihin mo. Gusto ko lang malaman ang totoo." Hindi nakasagot si Lucian. Tahimik itong tumalikod at iniwan si Yvone sa hallway ng mansyon. Habang nakatayo si Yvone, unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. "Lucian… bakit parang ikaw na mismo ang nagbibigay sa akin ng dahilan para magduda?" bulong niya sa sarili, habang ang puso niya ay unti-unting nabibiyak sa hindi maipaliwanag na sakit. Habang tahimik si Yvone sa silid, hawak pa rin ang dibdib niyang tila mabigat sa damdamin, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Napatingin siya sa screen — Mommy Apollo. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello po, Mommy?” mahinang bati ni Yvone, may halong kaba at pag-aalalang baka may masamang balitang dala. “Yvone, anak... Mommy ito ni Apollo,” agad na sagot ng babae mula sa kabilang linya, ngunit may kasamang kasiyahan ang boses nito. “Tumawag ang doktor kanina lang... gumalaw na raw ang isa sa mga daliri ni Apollo. Yvone, anak... may pag-asa na. Unti-unti nang nagre-respond ang katawan niya sa gamutan!” Napatigil si Yvone. Napalunok siya ng laway habang mariing napapikit. “Po? Totoo po ba?” garalgal ang boses niyang tanong. “Oo, anak. Sabi ng doktor, kung magtutuloy-tuloy ang ganitong response, maaaring magising na siya sa loob ng mga susunod na linggo. Baka nga sa susunod na buwan, makauwi na kami d’yan sa Pilipinas.” “Salamat po, Diyos ko...” mahina ngunit taos-pusong sabi ni Yvone, habang pinipigilan ang pag-agos ng luha. “Magandang balita po 'yan. Matagal ko na pong dasal 'yan.” “Yvone,” dagdag pa ng ginang, “hindi ko alam kung paano kami magpapasalamat sa’yo. Sa lahat ng nangyari, sa lahat ng sakripisyo mo... ikaw ang dahilan kung bakit nanatiling matatag ang anak ko.” Tahimik lang si Yvone. Hindi niya alam kung paano sasagot. Gusto niyang ngumiti, pero ang puso niya’y parang pinupunit sa bawat salitang naririnig niya. Matapos ang ilang minutong pag-uusap, paminsan-minsan ay nauusal lang ni Yvone ang, “Opo,” at “Sige po, Mommy,” hanggang sa tuluyang magpaalam ang ginang. Pagkababa ng tawag, hindi na niya napigilan ang sarili. Tumulo na ang luha mula sa mga mata niya. Isang hikbing pinipilit niyang itago, pero sa bawat pagpatak ng luha ay tila lumalabas ang bigat sa puso niya. “Bakit ganito...” mahina niyang bulong sa sarili, habang yakap ang sarili. “Bakit sa ganitong pagkakataon ko pa nalaman na ayos na si Apollo?” Nilingon niya ang paligid ng kwarto, ang kwartong pansamantalang naging kanlungan niya, pero hindi niya naramdaman ang kapanatagan. Dahil kahit gaano siya kahinahon sa labas, ang loob niya ay gulo-gulo. “Ano bang ginagawa ko rito?” tanong niya sa sarili. “Hindi ako karapat-dapat manatili pa dito. Kasal pa rin ako kay Apollo.” Muli siyang napapikit at napahawak sa noo. Mabilis na pumasok sa isip niya ang desisyon na matagal na niyang tinatanggihan sa sarili. “Hindi ko na pwedeng ipagpaliban pa ‘to. Kailangan ko nang tapusin. Kailangan ko na talagang iayos ang annulment... o divorce. Kailangan ko nang umalis bago pa ako tuluyang hindi makaalis.” Sa puntong iyon, ramdam ni Yvone ang sakit. Hindi lang dahil kailangan niyang lumayo... kundi dahil hindi na niya alam kung saan siya lulugar. May parte sa kanya ang gustong manatili, pero mas malaki ang bahaging gusto nang tumakbo palayo. “Mas mabuti na ‘to... para sa kanya, para sa akin... para sa lahat.” Tahimik siyang lumapit sa bintana. Tiningnan ang malamlam na buwan sa langit. "Pasensya ka na, Lucian..." bulong niya, habang tuluyan nang umagos ang luha sa kanyang mga mata. "Pero kailangan kong bumitaw." Kinabukasan, maagang nagising si Yvone upang maghanda para sa seminar na gaganapin sa Baguio. Isa ito sa mga pinakahihintay na araw para sa mga guro sa kanilang eskwelahan. Tatlong araw silang mawawala, kaya’t maaga pa lang ay abala na si Yvone sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit. Ngunit paglabas niya ng silid, agad siyang nagtungo sa kuwarto ni Lucian upang magpaalam—pero laking gulat niya nang malamang wala ito roon. “Nasa’n si Sir Lucian?” tanong niya sa isa sa mga katulong habang pababa siya ng hagdanan. “Ma’am, maaga po siyang umalis kanina. Hindi po namin alam kung saan ang punta,” sagot ng katulong habang naglalampaso ng sahig. Napabuntong-hininga si Yvone. “Ganun ba...” Nilingon niya ang maliit niyang maleta sa tabi ng sofa. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tutal, hindi rin naman niya dapat asahan si Lucian. Sa totoo lang, hindi rin naman niya naisip na kailangan niyang magpaalam. Ayaw niyang isipin pa ito ngayon. “Nagawa ko naman dati, kaya kakayanin ko rin ngayon,” bulong niya sa sarili, habang pinipilit ngumiti. Lalo pang sumama ang loob niya nang malaman na iniwan na pala siya nina Sabel at Grace. Nagkita-kita na raw ang mga ito sa terminal nang hindi siya tinawagan. Wala man lang abiso. Wala man lang mensahe. “Ano ba ‘to, para akong may salot,” iritadong bulong ni Yvone habang bumababa sa hagdan dala ang kaniyang maliit na maleta at shoulder bag. Bawat hakbang niya pababa, dama niya ang kabigat ng damdamin at pagod. Hindi pa man nagsisimula ang biyahe ay para na siyang pagod. Naghintay siya ng taxi sa labas ng gate ng mansyon, pero wala ring dumadaan agad. Kaya’t nagpasya siyang maglakad muna papunta sa mas mataong lugar kung saan may mas malaking tsansa na makasakay ng pampasaherong bus. “Three days sa Baguio. Mag-isa. Walang kakilala. Walang sumusuporta...” Muli siyang napabuntong-hininga habang pilit iniiwasan ang naiiyak na mga mata. “Kaya ko ‘to... kaya ko ‘to.” Habang papalapit siya sa terminal, pinilit niyang tanggalin sa isipan ang lungkot na nararamdaman. Nasa harap na siya ng pila ng bus, at sa pag-upo niya, napatingin siya sa langit. “Hindi ko alam kung bakit parang may laging kulang. Pero sana… sana kahit isang araw lang, ako naman ang maunang piliin.” At sa pagsara ng pinto ng bus at pag-alis nito sa terminal, hindi niya alam... na may isang pares ng mata ang lihim na nakatingin mula sa malayo, tila ba may masamang balak kay Yvone. Ilang oras na rin ang lumipas mula nang umalis si Yvone, at sa tagal ng biyahe ay unti-unti nang sumasakit ang batok niya. Napapikit siya sandali, sinusubukang idaan sa pagtulog ang pagka-board sa byahe, ngunit bago pa siya makatulog ay biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa loob ng bag. Napakunot ang noo niya. “Sino ‘to?” Dinukot niya agad ang cellphone mula sa bag at napalunok nang makita ang pangalan sa screen — Lucian. “Bakit ngayon pa?” bulong niya, pero agad pa rin niya itong sinagot. “Hello?” medyo paos pa ang boses niya dahil sa antok. “Where are you?” malamig pero halatang iritable ang boses ni Lucian. Napakagat-labi si Yvone bago sumagot. “Nasa biyahe.” “Where?” tanong muli ni Lucian, mas madiin ngayon. “Papuntang Baguio,” simpleng sagot ni Yvone, hindi na inelaborate pa. Tahimik si Lucian sa kabilang linya ng ilang segundo, pero dama ni Yvone ang init ng inis mula rito kahit hindi niya ito kaharap. “Baguio?! And you didn’t even tell me?!” Bago pa man makasagot si Yvone, bigla na lang may tunog ng malakas na preno sa harap, kasabay ng paghinto ng bus. “Anong nangyayari?” tanong ng isa sa mga pasahero sa unahan. “Sir, nasiraan yata tayo!” sigaw ng konduktor mula sa harapan. “Great. Just great,” bulong ni Yvone habang nararamdaman ang unti-unting pagkaalimpungatan ng lahat ng pasahero. “Lucian, nasiraan ‘yung bus namin,” mabilis niyang sambit sa tawag, sabay lingon sa bintana. “Narito kami sa may MacArthur Highway, malapit sa boundary—” Pero biglang naputol ang linya. “Hello? Lucian?” sinubukan niyang tawagin pero wala na. Blangko na ang signal. “Sheeet!” napamura siya habang kinukuyakoy ang cellphone. “Sobrang malas ko naman yata ngayon!” Hinagis niya ang phone sa bag at napaupo nang madiin sa upuan. Napapikit siya sandali at hinilot ang sentido. “As if kulang pa ‘yung stress ko.” --- Samantala, sa opisina ni Lucian... Binaba niya ang phone sa mesa at mariing sinapo ang batok. “Baguio?! Bakit hindi man lang siya nagsabi?” Nagsalubong ang kilay niya. Halata ang gigil sa pag-ikot ng swivel chair niya. “Tangina naman Yvone, kung hindi ko pa tinawagan hindi ko pa malalaman!” bulalas niya. “And now... stranded pa? At walang signal?!” Agad siyang tumayo, kinuha ang coat sa likod ng upuan, at lumabas ng opisina. Tinawagan niya si Jones habang pababa ng hagdan. “Jones, ihanda mo ang sasakyan. Ngayon din. We’re going to Baguio.” “Boss?” “Just do it. Bilisan mo.” Hindi niya naintindihan ang sarili pero isa lang ang malinaw: hindi niya kayang hayaang mapahamak si Yvone. Kahit gaano siya ka-inis... mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD