Sa labas ng eskwelahan…
Napatingin si Yvone sa paligid habang bitbit ang bag at ilang gamit. Napabuntong-hininga siya. Ilang minuto na siyang nakatayo roon, pero ni anino ni Lucian ay wala.
“Bakit ganon? Dati-rati andiyan na siya bago pa man ako lumabas ng gate…”
Napakunot ang noo niya. Dahil sa ilang araw na palaging sumusundo si Lucian, hindi niya maiwasang hanapin ito ngayon.
At lalo siyang nainis nang maalala na maging si Tonya ay hindi na rin siya sinundo ngayong araw.
“Ano ba ‘tong mga taong ‘to? Nagkaisa bang iwan ako ngayon?”
Inis na inis na siya. Pero ang kinaiinisan niya higit sa lahat... si Lucian.
"Bakit ba ako nainis? Hindi naman kami... may dapat asahan sa isa’t isa, diba?"
Habang naglalakad siya palabas ng school premises, sinulyapan niya ang cellphone niya. Paulit-ulit na tiningnan ang inbox, pero walang kahit isang mensahe mula kay Lucian.
Nagdadalawang-isip siya kung ite-text ba niya ito o hindi.
"Need ko ba talagang i-text siya? Para lang pagalitan? Ugh, bakit ba ako nag-aalala?!"
Pero sa likod ng inis niya, naroon pa rin ang tahimik na tanong sa puso niya.
"Nasaan ka ba, Lucian?"
Eksaktong sandaling iyon, may bumusina sa gilid niya.
"Yvone!" sigaw ni Tonya habang binababa ang bintana ng kotse. "Sakay na!"
Hindi agad sumagot si Yvone, pero nang makita ang kakulitan sa mukha ng kaibigan, napilitan siyang sumakay.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya habang isinusuot ang seatbelt.
"May pupuntahan lang tayong party. Birthday ng anak ni Mayor. Tara, makikikain tayo!" sagot ni Tonya na parang walang iniindang problema.
Napasinghap si Yvone. "What?! Birthday party?! Eh wala akong dalang regalo! Ni hindi ko man lang alam ‘to, Tonya!"
"Eh di ako na lang magdala, gift ko na rin ‘yun sa’yo. Relax lang."
Pero lalo lang nainis si Yvone.
"Hay naku! Dapat kasi sinabihan mo ko. Nakakahiya! Paano pag may magtanong kung anong gift ang dala ko?"
"Sabihin mong love and presence mo," sabay tawa ni Tonya.
Napairap na lang si Yvone. "Kung hindi lang kita kaibigan..."
---
Pagkalipas ng tatlumpung minuto...
Nakarating na sila sa isang malaking bahay—halatang pagmamay-ari ng may kaya. May mga sasakyang mamahalin sa paligid, may mga catering staff, at maririnig ang tugtugan ng live band mula sa loob.
Napahawak si Yvone sa dibdib niya. Hindi pa rin mawala ang inis.
"Ni hindi ko alam na pupunta kami rito, tapos heto ako, walang dala, walang ayos, walang gana!"
Pagbaba nila ng sasakyan, pinilit ni Tonya na hilahin siya papasok. Pero halatang halata kay Yvone ang pagkainis.
"Hindi ko talaga gusto ‘to, Tonya." bulong niya habang papasok sila sa garden area ng mansion.
"Chill ka lang, Yvone. Malay mo, dito mo na makalimutan yang si Lucian."
Pero hindi sumagot si Yvone. Dahil kahit ilang party pa ang puntahan niya, isang tanong pa rin ang paulit-ulit sa isipan niya.
"Bakit hindi niya ako sinundo?"
Sa isang marangyang pool party...
Nakatulala si Yvone habang pinagmamasdan ang paligid. Masigla ang musika, may mga nag-iinuman sa gilid, at karamihan ay naka-swimwear na tila walang iniintinding reputasyon o kahihiyan.
“Pool party? Bakit hindi ko man lang alam?” bulong niya sa sarili habang paatras ang hakbang at naiilang sa suot niyang simpleng blouse at slacks, halatang halatang hindi siya belong sa crowd na ito.
"Relax ka lang, enjoy lang tayo," bulong ni Tonya habang binibigyan siya ng baso ng juice.
Pero isang tanawin ang nagpahinto sa mundo ni Yvone.
Nimfa.
Nakatayo sa gitna ng pool, hawak ang baso ng alak habang naka-bikini. Napapalibutan siya ng ilang lalaking halatang naaliw sa kanyang presensya. Tawanan, tapikan ng tubig, at mapang-akit na tinginan — at sa isang iglap, nagtagpo ang tingin nila ni Yvone.
Umangat ang kilay ni Nimfa.
"Oh? Look who's here!" malakas na sigaw ni Nimfa habang lumalapit sa gilid ng pool. Tumingin siya kay Cedrick na siyang anak ng may-ari ng bahay. "Si Ms. Prim and Proper pala, dumalo sa party ng mga makasalanan!"
Napako sa kinatatayuan si Yvone. Hindi niya inasahan na pati rito ay susundan siya ng kahihiyan ni Nimfa.
"Isang guro pero kung umasta, parang hindi edukado. Kung sino-sinong lalaki ang kinakasama sa hotel—akala mo ‘di kami marunong mag-imbestiga?!"
Tumawa ang mga nakapaligid kay Nimfa.
"Ay grabe! Guro sa umaga, pero escort sa gabi?" sigaw ng isa.
Nag-init ang tenga ni Yvone. Hindi niya alam kung haharapin ba niya si Nimfa o lalayuan ito. Pero mas lalo siyang nayanig nang biglang lumapit si Cedrick, ang anak ng mayor.
"Ikaw pala ‘yung sikat na guro sa chika ni Nimfa? Pwede ka bang maging tutor... sa kama?" sabay tawa habang tinapik ang balikat ni Tonya.
“Cedrick!” bulyaw ni Tonya, pero itinulak lang siya palayo ng lalaki.
Lalapit sana si Cedrick kay Yvone, ngunit mabilis itong umatras at nagsalita.
"Layuan mo ako! Wala akong ginagawang masama—"
"Talaga lang ha?" sigaw ni Nimfa. "Anong tawag mo doon sa mga lakad mo sa hotel, ha? Teacher ka raw? Saang subject? Kama Sutra?"
"Nimfa, tama na!" singhal ni Tonya habang humaharang sa pagitan nila.
Ngunit hindi pa man nauubos ang kahihiyan ay biglang dumating si Mayor Vicente, kasabay ng pagtahimik ng buong paligid.
"What’s going on here?!" malalim ang boses nito. Tumitig ito kay Yvone, kita sa mukha ang galit at pagkasuklam.
"Ikaw ba ang gurong sinasabi nila?"
Nanlaki ang mata ni Yvone. "Mayor… hindi po totoo ‘yon… may—may—"
"Huwag mo akong bolahin. Sa lugar ng anak ko, sa party ng pamilya ko, tapos ikaw ang magiging sentro ng iskandalo?! Walang respeto!"
Nagtangka si Tonya na umawat. "Mayor, please. Hindi ganon ang totoo. Wala pong ginagawang masama si Yvone—"
"Tahimik ka diyan!" sabat ni Nimfa. "Nagkunwaring inosente pero kabaligtaran pala!"
Napayuko si Yvone. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng lakas ng loob. Ramdam niyang halos lumuha na ang mga mata niya. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya, hinuhusgahan siya batay sa mga salitang wala siyang kakayahang ipagtanggol ng buo.
"Tonya, alis na tayo." bulong niya sa kaibigan. Hinila niya ito paalis sa crowd.
"Yvone, wag mong damdamin—"
"Hindi ko kaya, Tonya... Hindi ko na kaya ang mga ganito. Gusto ko na lang mawala."
At habang palabas sila ng property, naramdaman ni Yvone ang bigat ng paninira, at sa kauna-unahang pagkakataon, nabuo sa loob niya ang takot...
"Paano kung totoo ngang malaman ng lahat ang totoo kong koneksyon kay Lucian? Paano kung masira pa lalo ang buhay ko?"
Habang paalis na sana si Yvone at Tonya...
Pasakay na si Yvone sa sasakyan ni Tonya nang isang mamahaling itim na sasakyan ang biglang huminto sa tapat nila. Bumaba ang tinted na salamin at isang pamilyar na tinig ang tumawag.
"Yvone!"
Lumingon si Yvone. Hindi siya maaaring magkamali. Si Lucian.
Bumaba si Lucian mula sa kanyang sasakyan, naka-all black suit, matikas ang tindig at kitang kita ang pagkakaiba niya sa karamihan ng mga bisita. Nakatingin ito kay Yvone na para bang wala siyang ibang nakikita.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Yvone, hindi maitago ang kaba.
Lumapit si Lucian. Mula sa bulsa ng kanyang coat ay inilabas niya ang isang itim na invitation card na may embossed gold print.
"I have an invitation. Actually, we are invited." sabay abot ng card.
"OH. MY. GOD." halos pasigaw na reaksyon ni Tonya habang tinititigan ang card. "Lucian, yan 'yung ultra-exclusive na VIP pass ng mayor! 'Yung may ginto ang sulok ng card! Paano mo—?"
Ngumiti lang si Lucian ng bahagya. "Let’s just say, the mayor and I go way back. May business kami dati."
Hindi makakibo si Yvone. Gusto niyang tumanggi, gusto niyang umiwas — pero sa pagkakahawak ng kamay niya ni Lucian, pakiramdam niya ay wala siyang magawa.
"Lucian… ayoko. Hindi ako belong diyan," mahinang sabi ni Yvone.
Biglang naging seryoso ang mukha ni Lucian.
"You belong with me. And tonight, gusto kong ipakita sa kanila 'yon. Come with me, Yvone. Ipapakilala kita sa lahat. May regalo rin ako para sa anak ni Mayor Vicente."
Tahimik si Yvone. Ramdam niyang nanginginig ang kamay niya. Pero sa tingin ni Lucian, tila bang gusto niyang ipaglaban siya — kahit pa harap sa mga taong humusga sa kanya.
Walang nagawa si Yvone nang hilahin siya ni Lucian patungo sa gate. Si Tonya naman ay sumunod na lang, hindi pa rin makapaniwala sa eksenang nasasaksihan.
Sa mismong bakuran ng mansion...
Pagkapasok pa lang nila sa garden ng bahay, tumigil ang musika. Nagtinginan ang mga tao — halos sabay-sabay silang napalingon sa bagong dating.
Ang iba’y pabulong na nagtatawanan. Ang iba nama’y nakakunot ang noo. Lahat sila ay tila nag-uusap gamit ang mga mata.
"Siya ‘yun oh... ‘yung teacher na sabi ni Nimfa—"
"Akala ko napalayas na ‘yan, bakit kasama si Mr. Ferros?"
"Anong relasyon ni Lucian sa babaeng ‘yan?"
Bawat hakbang ni Yvone ay tila may bigat. Pakiramdam niya, bawat tingin ay parang sibat. Ngunit kahit gusto niyang umatras, mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Lucian sa kamay niya.
Hanggang sa... napansin na nila ni Nimfa.
Naka-inom na si Nimfa at kasalukuyang nakaupo sa isang lounger sa gilid ng pool, pero nang makita niya si Lucian — na kasama si Yvone — agad siyang tumayo.
"What the hell?!" sigaw ni Nimfa habang papalapit.
"Lucian? Anong ginagawa mo rito... at bakit kasama mo ‘yan?!" halos hindi makapaniwala si Nimfa. Halos masamid siya sa sarili niyang alak.
"Do you know each other?!" sigaw ng isa.
Ngunit si Lucian, walang ibang ginawa kundi tingnan si Nimfa na may malamig na titig.
"Yes, I know her. And she’s with me tonight. Problem?"
"Lucian, don’t joke like that," sabat ni Nimfa. "Hindi mo alam ang ginagawa mo. Siya—siya ‘yung gurong pinahiya dito! May chismis pa na kung anu-anong lalaki ang kinakasama niya sa hotel!"
Ngumisi si Lucian, pero malamig.
"Chismis nga. Kaya chismis. Dahil hindi totoo. And for your information... I don’t really care. Kasi kahit ano pa ‘yang past niya—she’s mine now."
Biglang natahimik ang paligid. Namilog ang mata ni Yvone. "Lucian..." bulong niya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalo pang mapapahamak sa sinabi nito.
"Lahat kayo dito, mahilig manghusga. Pero ni isa sa inyo, hindi nakakaalam ng buong kwento. So spare us your fake smiles and poisonous words."
Napatigil si Nimfa, hindi alam kung lalaban pa siya o hihintayin na lang ang isusunod ni Lucian.
Sabay nilang tinawid ni Yvone ang poolside, habang ang lahat ay tahimik na lang na pinagmamasdan ang masungit pero protektibong si Lucian at ang takot ngunit matatag na si Yvone.
******
Habang naglalakad palayo si Yvone at Lucian, pansin niyang bahagyang humihigpit ang hawak ni Lucian sa kamay niya. Alam niyang hindi na komportable ang binata sa lahat ng mga titig at bulungan. Kaya saglit siyang lumayo, tumigil sandali sa gilid para makahinga.
Pero hindi pa man siya nakakakuha ng buo niyang paghinga, isang malakas na boses ang lumampas sa ingay ng mga tao sa paligid.
"Lucian!"
Napalingon silang lahat. Si Nimfa, nakataas ang baba, hawak ang alak sa isang kamay habang naglalakad papalapit na parang lalamunin si Yvone sa galit.
Agad na lumapit si Nimfa kay Lucian at nilapitan ito nang halos magdikit ang kanilang mga mukha. Agresibo. Mapanindak.
"Iwan mo si Yvone," madiin na utos ni Nimfa.
Kumunot ang noo ni Lucian. Hindi siya agad nagsalita.
Pero si Yvone, naglakad papalapit. "Ano 'yan, Nimfa? Hindi mo na naman ako matantanan?"
Binalingan siya ni Nimfa, pero hindi niya sinagot. Sa halip, ibinalik niya ang titig kay Lucian.
"Kung hindi mo siya iiwan, Lucian..." sabay inilapit pa lalo ang mukha nito sa binata, "sasagutin ko ang lahat ng tanong. Sasabihin ko sa lahat na may nangyari sa atin sa hotel. Na tayong dalawa ang magkasama noong gabing ‘yon."
"WHAT?!" halos sabay na sigaw ni Yvone at ni Lucian.
Napakunot ang noo ni Yvone. Parang nanlamig ang mga kamay niya. "Anong pinagsasabi mo, Nimfa?"
Pero si Lucian... ang mapanatag niyang mukha ay biglang nagdilim. Kumislot ang panga niya. Nilapitan niya si Nimfa nang bahagya, bahagyang ibinaba ang tono ng boses.
"Stop it... Sheryl."
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong paligid.
"Sheryl?" tanong ni Yvone habang nabigla. "Siya si Sheryl? Hindi siya si Nimfa?"
"Bakit, Lucian?" dagdag pa ni Yvone. "Niloko ka na ba niya? Pinaniwala kang siya si Sheryl?"
Tahimik si Lucian, pero ang galit sa mga mata niya ay hindi na maitago. Hinarap niya si Sheryl—o si pekeng Nimfa.
"Anong gusto mong palabasin? Na ikaw ‘yung kasama ko sa unit? That’s impossible. Hindi mo ako kayang lokohin ulit. Kung gagawin mo ‘yan, Sheryl, magugulo ang buhay mo."
Ngunit ngumisi si Sheryl, nakangiting may halong pang-aasar at kabaliwan. "Magulo na nga buhay ko simula’t simula pa, Lucian. Anong bago kung sirain ko rin ang sa inyo?"
"Tama na ‘yan!" sigaw ni Yvone, hindi na nagpipigil. "Nimfa o Sheryl ka man—wala kang karapatang sirain ang buhay ko! Hindi ikaw ang pinili niya!"
Napatingin sa kanila ang mga bisita. Ang dating bulungan ay naging hayagang chismisan. Ang eksena ay parang isang live telenovela.
"Kaya pala... sabi ni Mayor Vicente habang lumalapit sa kanila. "Ano ba itong gulo sa party ng anak ko?! Nimfa, anong pinagsasabi mo dito?!"
Napalingon si Sheryl. Biglang napatigil. Pati si Lucian at Yvone ay nagulat sa biglang pagsulpot ng Mayor.
"Mayor..." gulat na sambit ni Nimfa.
"Lucian, bakit mo pa kasama ang babaeng yan? Sinira niya ang birthday ng aking anak at Ikaw Nimfa, umalis ka na rin."
Muling tumahimik ang lahat ngunit si Lucian ay kanina pa siya nagpipigil.
"She's with me, Vicente. At kung hindi welcome si Yvone dito, then consider our partnership over. I’m pulling out your name, and you no longer belong in my company." Halos nabigla siayor Vicente sa kan'yang narinig.
Si Yvone, nanatiling matatag, pero ramdam ang panginginig ng tuhod. Si Lucian naman, mahigpit pa ring hawak ang kamay niya.
"Let’s go," bulong ni Lucian kay Yvone. "Hindi na natin kailangang ipaliwanag ang sarili natin. Let them choke on their own lies."
"No Lucian, wait!" Pahabol na sabi ni Mayor NGUNIT hindi na nakinig si Lucian.
Habang papalayo silang dalawa, nakita nilang natigilan si Nimfa, tila nawalan ng lakas. At ang mga tao sa paligid, ngayon ay tulala sa rebelasyong iyon.
Sa pagkakataong ito… ang pekeng Nimfa ay nanggagalaiti sa galit nang makita niya kung paano ito mag-aalala kay Yvone.