C-13

1806 Words
GABI NA SA TEACHERS CAMP, BAGUIO. Dumating na rin si Yvone, litaw ang pagod sa mukha habang tangan ang maliit niyang maleta. Huminga siya nang malalim habang pinagmamasdan ang paligid ng Teachers Camp. Maliwanag naman at may ilang ilaw na nakakabit sa mga poste, pero may kakaibang pakiramdam ang paligid. Tila ba may malamig na simoy na hindi lang dulot ng klima, kundi parang... may ibang presensiya. "Ang creepy naman dito," bulong niya sa sarili. "At bakit parang mas maraming tent kaysa sa kwarto?" May lumapit na isang lalaking staff. “Ma’am, dito po muna kayo sa tent area. Marami po sa amin mas pinipili ito kaysa dun sa loob ng building.” “Bakit?” tanong niya. “May mga kwento po kasi... may nagpaparamdam daw sa loob. Mga multo raw ng sundalo noong panahon pa ng giyera.” Napalunok si Yvone. “Ayoko nga!” mabilis niyang sagot, sabay nguso sa tent. “Dito na lang ako.” Ilang minuto pa ang lumipas, habang naglalakad siya papunta sa may bandang gitna ng tent area, nakita niya ang dalawang pamilyar na anino—sina Mabel at Grace. Masayang nagkukuwentuhan habang may hawak na cup noodles. “Hoy!” sigaw ni Yvone, puno ng galit at hinanakit. Napalingon ang dalawa. “Yvone!” sabi ni Mabel. “Uy, andito ka na pala!” “PALA?!” paos at inis na boses ni Yvone. “Pala talaga?! Iniwan niyo ‘ko, walang paalam, wala man lang text! Hinanap ko pa kayo kanina sa eskwelahan tapos... wala!” “Grabe naman,” sabat ni Grace. “Excited lang kami. Akala kasi namin sumabay ka kay Ma’am Thelma!” “Hindi n’yo man lang ako tinawagan?” halos pumutok ang ugat sa sentido ni Yvone. “Wait lang,” pangangatwiran ni Mabel. “Hindi naman namin intensyon, okay? At isa pa—ikaw din naman, hindi mo kami nireplyan nung huling group chat.” “Sino ba may kasalanan ngayon, ako pa?” taas kilay niyang sagot. “Sumakay ako ng bus mag-isa! Na-stranded pa sa gitna ng daan! At kung hindi pa ako kinontak ng ibang guro, hindi ko malalaman kung saan ang tent ninyo!” Habang nagtatalo-talo sila, unti-unti nang dumarami ang nakapaligid sa kanila. Mga kapwa guro na ang iba'y naka-video na pala. “Uy, may eksena sa tent 12!” sigaw ng isa. “Baka ito na ang live teleserye ng DepEd!” “Shhh!” sabay tawa ng iba. Napansin ni Grace na kinukuhanan sila. “Hala, tigilan niyo nga kami! Nakakahiya!” “Eh kayo naman kasi,” sarkastikong sagot ni Yvone, “akala mo kung sinong matino, eh iniwan naman ako sa ere!” Biglang sumabat si Mabel, “Bakit ba kasi ang bigat-bigat ng drama mo? Nakarating ka naman, ‘di ba?” Tila kinuryente si Yvone sa huling salitang iyon. "Excuse me? Alam mo bang dahil sa ginawa ninyo, muntik na akong hindi makasama dito! Kung hindi ako matatag, baka bumalik na lang ako sa Manila!" “Okay, okay. Teka lang,” sabat ni Grace. “Baka pwedeng kalma muna? Gabi na, pagod tayong lahat. Ayaw natin ng away sa unang araw pa lang.” Tahimik ang lahat saglit. Tanging ingay ng mga kuliglig at malamig na hangin lang ang naririnig. Biglang may sumigaw sa likod: “O mga Ma’am, baka magkasundo pa kayo pag dumating na ‘yung multo ng tent 13!” Napalingon ang lahat. Napatawa ang ilan, pero si Yvone ay tila wala sa mood makitawa. Nagbuntong-hininga siya. “Ayoko ng away. Pero gusto ko lang malaman na hindi biro ang iniwan ako. Sana next time, maging professional naman tayo.” Hindi agad nakasagot sina Mabel at Grace. Tahimik. Kahit papaano, parang natauhan sila. “Fine,” sabi ni Mabel. “We’re sorry. Hindi namin inisip kung ano naramdaman mo. Pagod ka. Sorry.” Tumango si Yvone. “Okay na. Pero next time, let’s not act like we’re in high school. Teachers tayo. Be better.” Tumalikod na siya para ayusin ang tent niya, habang kinukunan pa rin siya ng ilang guro mula sa di-kalayuan. “Grabe,” bulong ng isa. “Si Ma’am Yvone, hindi basta-basta.” “Strong independent woman,” sabi ng isa, sabay thumbs up. ***** KINABUKASAN – SA CAMPUS NG BAGUIO SEMINAR Maagang gumising si Yvone kinabukasan, ngunit hindi siya handa sa pagsalubong ng isa na namang dagok sa buhay niya. Paglabas niya ng tent, sinalubong siya ng usapan at mga bulungan ng ibang guro. May mga nakatingin sa kanya na may halong panunuya, iba'y kunwari ay wala lang, ngunit bakas sa kanilang mga mata ang kaalaman sa isang bagay na ikinahihiya ni Yvone. “Tingnan mo siya… siya ‘yung sa video kagabi, ‘di ba?” bulong ng isang guro sa likod. “Ang ingay nila, parang walang respeto sa sarili. Teachers ba talaga ‘yan?” dagdag pa ng isa. Kinabahan si Yvone. Mabilis niyang binuksan ang cellphone niya at doon niya nakita ang pinost na video — ang gulo kagabi kasama sina Mabel at Grace. Viral na ito sa social media group ng mga guro. Hindi lang ito bastang away; parang public humiliation ang kinalabasan. Naroon ang sigawan, ang pagbubulungan ng ibang guro, at ang pahiya niya mismo. Biglang tumunog ang kanyang cellphone — tumatawag si Principal Merrith, ang kanilang mataas na opisyal sa distrito. Napalunok siya. “H-Hello, Ma’am?” “Yvone,” malamig at buo ang boses sa kabilang linya. “Kailan pa naging katanggap-tanggap sa isang guro ang makipagpalitan ng sigaw sa harap ng ibang propesyonal? Public place pa. Teachers Camp!” “Ma’am, I-I’m sorry... Hindi ko po sinasadya—” “Sapat na ang video. I don’t need excuses. Hindi lang ikaw, pati ang mga kasama mong sina Grace at Mabel — lahat kayo, suspended sa seminar. Hindi kayo babalik. At humanda kayo sa report na isusumite ko sa district superintendent.” Napaupo si Yvone sa gilid ng bench. Napayuko siya, hawak pa rin ang cellphone na parang nanlamig sa kamay niya. Hindi nagtagal, lumapit sina Mabel at Grace, kapwa halatang galit. “Bakit mo ba kasi pinatulan pa kami kagabi?” galit na tanong ni Grace. “Ayaw mong palampasin ang kahit maliit na bagay. Look at what you did now, Yvone!” dagdag ni Mabel. “Akala mo kung sinong perpekto!” singhal ni Grace. Hindi na nakapagsalita si Yvone. Hindi na siya lumaban. Wala siyang lakas. Mas pinili na lang niyang manahimik at tanggapin ang lahat. Nagtungo siya sa likod ng mga tent, sa lugar na walang masyadong tao. Doon siya naupo sa ilalim ng puno at napaiyak ng tahimik. Sunod-sunod na kamalasan. Isa-isa na siyang nawawalan ng lakas. “Maybe this is karma,” bulong niya sa sarili. “Karma dahil pumayag akong pakasalan si Apollo kahit alam kong mali. Ang tanga ko.” Ramdam niya ang bigat sa dibdib. Wala ni isa sa mga kasama niya ang nakakaalam ng lihim niya. Wala ni isa ang nakakaalam na kasal na siya. At ngayon, pati ang respeto ng mga kapwa niya guro, unti-unti na ring nawawala. Ang tanging tanong sa isip niya: “Hanggang kailan ko pa kailangang dalhin ‘tong bigat na ‘to?” ***** SA LOOB NG CONFERENCE HALL – UMAGA NG SEMINAR Dumagsa na ang mga guro mula sa iba't ibang distrito. Ang malawak na conference hall ng Baguio Teachers Camp ay napuno ng kasiyahan at excitement. Sa unahan, isang maayos na entablado ang nakahanda, may malaking LED screen na may nakasulat: “2025 Regional Teachers’ Seminar – Honoring the Pillars of Education.” Maya-maya pa ay narinig na ang pag-anunsyo ng emcee. “Ladies and gentlemen… let us all welcome one of our most esteemed partners in education, Mr. Lucian Ferros—the President and CEO of Ferros Foundation!” Sabay tayuan ng lahat at malakas na palakpakan mula sa audience. Isa-isang kinamayan ni Lucian ang mga principal at deped heads, may ngiti sa labi ngunit malamig pa rin ang mga mata. Suot niya ang simpleng itim na long sleeves, naka fold sa siko, at may presensya siyang hindi pwedeng balewalain. Nang makaupo na si Lucian sa designated VIP seat, agad na nagsimula ang roll call per district. Isa-isang binanggit ang mga distrito. Maayos ang lahat hanggang sa dumating na ang sa district nina Yvone. “District 11 – Sta. Lucia National Cluster,” sabi ng announcer. “Reported attendees: Teacher Mabel Flores… Teacher Grace Dalion… and Teacher Yvone Salazar…” Nagbuntung-hininga ang emcee, at isang babae sa likod ang sumingit. “Excuse me! Hindi na po dapat binabanggit pa ang mga pangalan nila! May iskandalo pong ginawa 'yang tatlo kagabi.” Nagkagulo ang paligid. May nagtatawanan. May umu-oo. “Meron pong video!” hiyaw pa ng isa, sabay taas ng cellphone. Sinaksak ito sa projector. Ipinanood sa screen ang video ng pagtatalo nina Mabel, Grace, at Yvone. Malakas ang boses. Nag-aalab ang diskusyon. Lahat ng mata ay nanlaki. Kasama ni Lucian ang regional director sa mesa ng VIP. Tahimik lang siyang nakaupo, nakakunot na ang noo habang pinapanood ang video. Napansin niyang binigyang-diin ang pangalan ni Yvone sa bawat komentaryo. “Hindi dapat ‘yang babae na ‘yan nagtuturo. Ganyan ba ang asal ng isang guro?” ani ng isa. “Dapat tanggalin na sa serbisyo ‘yan. Nakakahiya!” Tahimik si Lucian sa umpisa. Ngunit nang mapansin niyang halos si Yvone lang ang sinisisi sa video, tumayo siya—at buong gilas na sumampa sa entablado. BOOM! Malakas ang bagsak ng boses niya. “ENOUGH!” Tahimik ang buong hall. “Ang edukasyon ay para sa may respeto. Pero nasaan ang respeto ninyo sa kapwa guro? Kayo mismo—na dapat nagbibigay ng magandang ehemplo—ang unang nanira sa reputasyon ng sarili ninyong kasama!” Nanginginig ang boses ni Lucian. Malalim, buo, at makapangyarihan. “Kahit ako pa ang sponsor ng event na ito, hindi ko palalagpasin ang ganitong uri ng asal. Anong klaseng disiplina ang itinuturo ninyo kung ang unang ginagawa ninyo ay i-video ang pagkakamali ng iba, at ipahiya sa lahat?” Tahimik. Walang gustong sumagot. “It’s not just unethical… it’s inhumane.” Tumalikod siya, humarap sa mga organizer. “Delete all copies of that video. Ngayon din. At kung sino man ang orihinal na nag-post, ihanda niyo ang pangalan niya. Hindi ito uubra habang ako ang partner ninyo.” Saka siya bumaba sa stage. Tumakbo ang isang staff sa kan'ya. “Sir Lucian, pinapahanap na po namin ang grupo ni Teacher Yvone. Pero… mukhang umalis na po sila. Wala na raw sa Teachers Camp.” Natigilan si Lucian. “She left…? Bakit hindi na siya naghintay?” Tahimik siyang tumalikod at tinungo ang sasakyan. Sa puso niya, alam niyang kailangan na niya siyang makita. At ipaliwanag ang lahat—bago pa tuluyang mawala si Yvone sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD