Pagod na pagod si Yvone nang makauwi siya sa bahay. Sunod-sunod ang ginawa niya buong araw—lahat ng bilin ng ina niya ay kanyang tinupad. Nakapagluto na siya ng hapunan at plano na sana niyang magpahinga, nang biglang tumunog ang cellphone na nasa mesa.
Dinampot niya ito at agad sinagot nang makita ang pangalan ni Ginoong Luther.
"Hello, Sir," sagot ni Yvone, kahit pagod ang boses niya.
"Iha, hindi ka ba uuwi rito ngayon sa mansyon? I mean, parte ka na ng pamilya namin at gusto ko lang na maging komportable ka. You're always welcome here sa Madrigal Mansion," saad ni Ginoong Luther mula sa kabilang linya. Katabi niya si Senyora Norie, tahimik na nakikinig sa usapan.
"Salamat po, Tito Lu—"
"Just call me Dad, iha. Total, you're married to Lucian."
"Po?!" gulat na reaksyon ni Yvone. Halos mabitawan niya ang phone sa narinig.
Doon lang napagtanto ni Luther na hindi pa pala alam ni Yvone ang buong nangyari—na kasal na siya kay Lucian. Napakamot siya ng ulo.
"Ah, I’m sorry. Just forget what I said. I mean, let’s talk about this kapag ready ka na," kabadong paliwanag ni Ginoong Luther.
Napa-iling si Senyora Norie sa tabi niya at mahinahong inagaw ang telepono.
"Iha, may kasalanan ka pa sa akin. Sabi mo, babalik ka agad. Maghapon kitang hinintay mula nang umalis ka—hindi ka man lang tumawag," may tampo sa boses ni Lola Norie.
Napalitan ng konsensiya ang pagtataka ni Yvone. Totoo, nangakong babalik siya o tatawag man lang—pero sa dami ng nangyari, tila nalimutan niya ito.
"Pasensiya na po talaga, Lola. May nangyari lang po kay Papa kanina," tugon ni Yvone, bakas ang pagod sa kanyang tinig.
"Anong nangyari? Kamusta siya? Ayos lang ba ang papa mo?" tanong ni Lola Norie, halatang nag-aalala.
"Opo, Lola. Sa awa po ng Diyos, maayos na po ang lagay niya."
"Ikaw? Mukhang pagod na pagod ka na rin, iha."
"Hi, Lola," biglang singit ng boses ni Lucian, na kararating lang galing trabaho.
Napakunot ang noo ni Yvone. Agad niyang nakilala ang boses. Bakit ganon? Parang tuwing naririnig niya si Lucian, may kakaibang kaba sa dibdib niya—katulad ng pakiramdam niya dati tuwing tatawag si Apollo.
Ngumiti si Senyora Norie kay Lucian. "Apo, why not puntahan mo si Yvone sa bahay nila? She's tired. She needs you there."
Nanlaki ang mga mata ni Yvone sa narinig.
"Lola, huwag po! Huwag niyo na po siyang papuntahin rito. Saka hindi naman po ako pagod," mariin niyang tanggi, pero bakas sa tono ang kaba.
"Don’t worry, Yvone. Lucian knows his limits. He just wants to see you." Sabay naputol ang tawag.
"Arrgghh!! Ano ba 'to?!" sigaw ni Yvone sa inis habang napaupo sa sofa.
Hawak pa rin niya ang cellphone, hindi niya maintindihan kung bakit parang nanginginig siya at kabadong-kabado.
"No. Hindi siya pwedeng pumunta rito. Ayoko!"
Naguguluhan siya. Naiilang siya tuwing kasama si Lucian. Hindi niya maintindihan kung bakit. Pero isa lang ang malinaw:
"Hindi pwede! Hindi ako pwedeng maakit kay Lucian... May Apollo na ako!"
Ngunit kahit anong pilit niyang kumbinsihin ang sarili, hindi niya maitatanggi—may kakaibang epekto sa kanya si Lucian. At kung darating ito ngayong gabi... baka hindi lang kaba ang maramdaman niya.
Maya-maya, muling tumunog ang cellphone ni Yvone. Pagtingin niya sa screen, si Mama ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.
"Hello, Ma?"
"Anak, hindi kami makakauwi. Pinayuhan kami ng doktor na manatili muna rito. Medyo sumakit daw ulit ang ulo ng Papa mo," paliwanag ng kanyang ina. "Paki-hatiran mo na lang kami ng pagkain at konting bihisan, ha?"
"Sige po Ma, ako na pong bahala."
Pagkababa ng tawag, naamoy ni Yvone ang sarili. "Ugh, ang lagkit ko na. Amoy pawis na 'ko," reklamo niya sa sarili.
Sa dami ng pinuntahan niya buong araw, hindi na niya namalayang halos nanlalagkit na ang katawan niya. Napatingin siya sa orasan.
"Oh my God! Thirty minutes na lang, baka andito na si Lucian!"
Nataranta siya. Mabilis siyang nagtungo sa banyo para maligo. Habang sinasabon ang katawan, napatingin siya sa salamin—naroon pa rin ang mga hickies sa kanyang balat. Mga marka ng kasalanan na pilit niyang binubura.
"Sh*t... baka ito 'yung dahilan kung bakit naaksidente si Apollo. Gabing ‘yon... hindi kami nagkita..." bulong niya, habang napapikit sa guilt.
Patapos na sana siya sa paliligo nang biglang—brownout.
"AAAH!" sigaw ni Yvone. Napadilat siya sa gitna ng kadiliman. Wala siyang makita. Nanginginig, kinapa niya ang pader hanggang makalabas siya ng banyo—basang-basa, halos walang saplot sa katawan.
"Saan ko ba nilagay ‘yung cellphone ko?" bulong niya habang naglalakad papunta sa sala.
Kalampag.
Napahinto siya. "Sino ‘yan?! May tao ba riyan?" kabado niyang sigaw.
Tahimik.
Meow.
"AAAAHHHH!" napasigaw siya. Natapakan niya ang pusa at nadulas sa sahig. Tuluyan nang nalaglag ang tuwalyang balot sa kanya.
"Walanghiya kang pusa ka! Ikaw lang pala ‘yung ingay, tinakot mo pa ako!" singhal niya habang pinapalo ang pusa gamit ang walis tambo.
Biglang bumalik ang kuryente. Lumiwanag ang buong sala. Napatingin siya sa sarili—hubad. Lubos. Walang kahit anong saplot.
Sa tindi ng inis, nakalimutan niyang takpan ang sarili. Hinabol niya ang pusang dumaan sa bukas na pintuan.
"Bumalik ka rito, pusa kang malandi ka!" sigaw niya, habang nagwawasiwas ng walis tambo.
At saka niya lang naalala—"Sh*t! Nakahubad pa rin ako!" Tumakbo siya pabalik para damputin ang tuwalya…
BANG! Bumukas ang pinto.
Nagpang-abot sila ni Lucian.
Halos tumigil ang mundo ni Yvone.
Nanlaki ang mga mata ni Lucian, bahagyang napatigil... ngunit agad ding tumalikod.
"HOLY—YVONE!" tili ni Lucian. "What the hell are you doing naked in the living room?!"
Nagmamadaling binalot ni Yvone ang sarili sa tuwalya habang nagpa-panic. "Anong ginagawa mo rito?! Sinabi kong huwag kang pumunta!"
"I didn't mean to—okay? I just got here! Hindi ko alam na ganito ang sasalubong sa’kin..." sagot ni Lucian, nakatalikod pa rin, pero bahagyang natatawa. "Well… what a view..."
"Lucian, lumabas ka nga riyan bago kita sapukin!" galit pero pulang-pula na sa hiya si Yvone.
"Relax, hindi ko naman sinadyang makita ka. Wala rin akong nakita—promise!" pero halatang nangingiti pa rin si Lucian.
Habang nakatalikod siya, hindi niya maiwasang mag-isip.
“Those hickies... dami, ah. So, she's really been with someone. Damn. Apollo? O may iba?” Napahawak siya sa batok niya. “Why do I care so much? Damn it… she’s my wife now.”
Tahimik si Yvone habang nagmamadaling pumasok sa kuwarto, pero bago pa siya tuluyang makalayo, humabol pa si Lucian.
"By the way, nice skin..." biro niya.
"GET OUT!" sigaw ni Yvone sabay bagsak ng pinto.
Sa loob ng kwarto, humihingal siya. "Anong nangyayari sa’kin? Bakit ba ako kinikilig? Sh*t!"
At sa labas ng pinto, si Lucian, naka-ngiti, habang pabulong na nagsabi, "You're something else, Miss Madrigal."
Tahimik lang si Yvone habang inaayos ang mga gamit at pagkaing dadalhin niya sa clinic.
"Are you going to the hospital?" tanong ni Lucian, na nakatayo sa may pinto. Hindi siya sinagot ni Yvone.
"I heard about your father's situation," dagdag pa ni Lucian, may bakas ng pag-aalala sa boses niya.
Doon lamang tumingin si Yvone sa kanya, pero hindi makatingin nang diretso. Nahihiya pa rin siya sa eksenang nangyari kanina.
"Pupunta ako sa clinic. Kailangan kong ihatid 'tong mga ‘to," sagot ni Yvone, saka niya agad binuhat ang mga dala niya.
"Let me help you," alok ni Lucian, na kasunod lang niya palabas ng bahay.
"Kaya ko na ‘to," mariing tanggi ni Yvone. Pero sa totoo lang, pagod na talaga siya.
"No, I know you're tired," giit ni Lucian habang marahang kinukuha ang mga dala niya.
Walang nagawa si Yvone kundi ibigay na lang ito. Masama pa rin ang tingin niya kay Lucian.
"Bakit ba ang kulit mo?"
Tipid na ngumiti si Lucian. "Gusto ko lang tulungan ka." Pagkasabi no’n, nauna na siyang lumabas ng bahay papunta sa sasakyan.
Si Yvone naman ay bumuntong-hininga muna bago niya isinara ang pinto.
---
Sa loob ng sasakyan, tahimik lang si Yvone. Ang dami niyang iniisip simula nang dumating si Lucian sa buhay niya. Pakiramdam niya, parang ang bilis nilang naging close… kahit hindi niya alam kung paano nangyari.
"Ang tahimik mo. Is there something bothering you?" tanong ni Lucian habang pinaandar ang sasakyan.
"Kailangan ko bang maging madaldal kapag kasama kita?" sagot niya, malamig ang boses.
"Iniisip mo pa rin ba yung kanina?"
Lumingon si Yvone sa kanya, saktong napatingin din si Lucian. Napuno ng tensyon ang pagitan nila.
"Please, ayoko nang pag-usapan 'yon. Kalimutan mo na lang. Wala kang nakita, okay?" sabay iwas ng tingin ni Yvone, halatang nahihiya pa rin.
"Tsk," iling ni Lucian habang nakatitig pa rin sa kanya.
Napansin ni Yvone ang pag-uusisa sa mga mata nito.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Bumuntong-hininga si Lucian. "Where did you get those?"
Biglang kumabog ang dibdib ni Yvone. Tila nagpanting ang tenga niya sa tanong.
"A-anong sinasabi mo?"
"Those hickies sa katawan mo. Where did you get them? Bakit meron ka niyan? Niloloko mo ba si Apollo habang kayo pa?"
"No! Hindi ko magagawa ‘yon. Mahal ko si Apollo! And those hickies… I don’t know. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng mga 'yon." Giit ni Yvone, halos nauutal sa kaba.
"Really? Hindi mo alam? Gano’n na lang ‘yon?"
Hindi na nakasagot si Yvone. Bigla na lang siyang napayakap sa sarili. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya—na matuklasan ni Lucian ang hindi dapat.
Hindi niya alam kung ano ang totoo. Gulong-gulo na ang isip niya. At ang mas ikinakatakot niya—baka sabihin ni Lucian ang lahat kay Apollo.
Gusto niyang magsinungaling, sabihing peklat lang ang mga iyon o kagat ng lamok, pero alam niyang hindi siya maniniwala ni Lucian. Matalino ito. Mapag-obserba.
"Galit ka ba sa 'kin?" tanong ni Yvone, pilit na iniiwas ang tingin.
Tahimik lang si Lucian.
Hindi rin niya alam ang isasagot. Galit ba siya? Hindi niya sigurado. Pero may gumugulo sa kanya. Ang babaeng ‘yon… ang gabing ‘yon…
Lasing siya no’n. Uminom siya ng sobra, lasing na lasing. Hindi niya namalayang may babae sa condo unit niya. At sa kalasingan niya… hindi niya na rin namukhaan kung sino.
Napatingin si Lucian sa rearview mirror, saka mahina ang bulong niya:
"Damn it… could it be her?"
******
Pagdating nila sa clinic, biglang tumunog ang phone ni Lucian. Napatingin siya sa screen. Si Tito Luther ang tumatawag.
"Mauna ka na sa loob. Sasagutin ko lang 'to," maikling utos ni Lucian kay Yvone.
Walang imik si Yvone. Kinuha lang niya ang mga dalang pagkain at gamit, saka pumasok na sa loob ng clinic.
Nang makaalis si Yvone, saka sinagot ni Lucian ang tawag.
"Hello, Tito?"
"Magkasama ba kayo ni Yvone ngayon?" tanong ni Ginoong Luther mula sa kabilang linya.
"Yes Tito. I’m with her."
"Hindi ba siya nagtatanong tungkol sa kasal n’yo?"
"No. Hangga't hindi siya nagtatanong, hindi ko muna sasabihin. Ako na ang bahala sa kanya, Tito. I’ll take care of her."
"Inaasahan ko ‘yan sa’yo, iho. Ayokong masaktan ulit si Yvone. Lalo na ngayon na wala si Apollo."
"Yes Tito. You can count on me." sagot ni Lucian bago pinutol ang tawag.
Habang nakatingin sa labas ng clinic, dinial ni Lucian ang isa pang numero—kay Jones, ang kanyang private investigator.
"Yes, boss? Napatawag ka. May kailangan ka ba?" sagot ni Jones na halatang relaxed.
"Jones, kailangan ko malaman kung sino yung babaeng nakasama ko sa condo ko nung gabing lasing ako. Yung hindi ko na maalala. Hanapin mo agad. I need answers now."
"Wow, boss. Pwede bukas ko na iasikaso? Gabi na rin kasi, nagpapahinga na kami ng love ko. Alam mo na…" biro pa nito.
"You're fired," malamig na sabi ni Lucian, punong-puno ng inis.
"Uy, boss! Huwag naman ganyan. Joke lang 'yon. On it na. Maghahanap na ko ngayon din," agad na sabat ni Jones.
"Good," matipid na sagot ni Lucian bago niya ibinaba ang tawag.
Bago bumaba ng sasakyan, inayos ni Lucian ang collar ng polo niya at huminga nang malalim. Pagbaba niya, naglakad siya papasok ng clinic. Napansin agad siya ng guard.
"Magandang gabi po, Sir Lucian," bati ng guwardiya.
Tumango lang si Lucian, bahagyang tumingin, saka dumiretso na sa loob.
Sa loob ng clinic...
"Mama, wala pa tayong pera para sa operasyon ni Papa," mahinang sabi ni Yvone habang nakaupo sa tabi ng ina. "Saan tayo kukuha ng gano’n kalaking halaga? Hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Alam ko, anak..." sagot ng ina habang pinapahid ang luha sa mata. "Pero kailangan siyang maoperahan agad. May pamumuo ng dugo sa ulo niya. Kung hindi maagapan, baka ikamatay ng papa mo."
Napatakip ng bibig si Yvone. Nanginig ang mga kamay niya habang pinipigil ang emosyon.
"Diyos ko... Hindi puwedeng mawala si Papa..."
Pero bago pa siya makasagot ulit, binitawan ng ina ang isang mabigat na rebelasyon.
"Yvone... may kailangan kang malaman. Hindi aksidente ang nangyari sa kanya."
Napakunot ang noo ni Yvone. "Anong ibig mong sabihin, Ma?"
"Sinadya siyang ihulog." Mahigpit ang boses ng ina. "May intensyon. May nagplano na mawala ang papa mo."
Napatayo si Yvone. "Ano?! Sinadya?!"
Tumango ang ina. "May testigo akong nakausap. Narinig daw nilang nagtatalo ang papa mo at isa sa mga bagong tauhan sa construction. Maya-maya, nahulog na siya mula sa second floor."
Napakuyom ng kamao si Yvone. "Hayop sila! Papatayin nila si Papa para lang patahimikin siya?! Ano bang nalaman ni Papa para gawin sa kanya 'to?"
"Iyon ang gusto kong alamin mo, anak. Kasi baka ikaw na ang isunod nila."
Lalong nagdilim ang tingin ni Yvone. Napatingin siya sa labas ng bintana—at doon niya nakita si Lucian, papalapit na.
"Lucian..." mahina niyang bulong. "May koneksyon ba siya rito?"
Naguguluhan siya. Gulong-gulo.