“Sino siya?” tanong ng mama ni Yvone, nagtataka. “Kilala mo ba siya, anak?”
“Ah mama, siya po si Lu—”
Naputol ang sasabihin ni Yvone nang biglang pumasok ang tatlong lalaking mayayabang. Ang isa’y may hawak pang sigarilyo, habang ang dalawa ay halatang may mataas na katungkulan. Hindi man lang sila nagpakilala—diretso agad nilang hinawakan ang braso ni Aling Edlyn.
“Hoy!” gulat na sigaw ni Yvone. “Anong ginagawa niyo?!”
“Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na umalis na rito?” mariing sabi ng lalaking may malaking singsing. “Masisira ang pangalan ng Albino Group sa nangyari sa asawa mo. At kapag nadala ito sa mas mataas, baka madamay ang buong kompanya. At kapag nangyari ‘yon, hindi lang asawa mo ang aabutin!”
Nagpanting ang tenga ni Yvone sa narinig. “Bitawan mo ang mama ko!” sigaw niya sabay hablot sa braso ng lalaki.
Ngunit isang malakas na galaw lang mula sa lalaki at muntik nang matumba si Yvone. Mabuti na lang at maagap siyang nasalo ni Lucian.
Napatingin si Yvone kay Lucian, at agad din siyang napalayo dahil sa pagkakadikit nila.
“Don’t touch me,” bulong niyang mahina ngunit malinaw na rinig ni Lucian.
Napailing lang si Lucian sa pagka-arte nito. Ngunit bago pa siya makapagsalita, bigla namang sumugod si Aling Edlyn at sinuntok ang lalaki sa dibdib.
“Hayop ka! Huwag mong idadamay ang anak ko!” sigaw nito.
Ngunit tinulak lang din siya ng lalaki—malakas. Napaupo si Aling Edlyn sa sahig.
“Mama!” sigaw ni Yvone, agad lumapit at niyakap ang ina. Umiiyak silang dalawa.
Galit na galit si Lucian. “What the hell are you doing, bastard?!” pasigaw niyang tanong. “She’s a woman! A mother! How dare you?!”
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Lucian. Tumama ito sa panga ng lalaki, at agad namuo ang dugo sa labi nito. Dumura pa ito ng dugo sa sahig.
Tatakbo pa sana ang dalawang kasama para umatake, pero naunahan na sila ni Lucian—sinipa niya agad ang dalawa sa bayag.
“Once you lay a hand on them again, hindi lang yan ang aabutin niyo,” malamig ngunit mariing banta ni Lucian.
Tumawa ang lalaking may sugat sa labi. “Huwag kang makialam sa pamilya nila. Madadamay ka lang sa gulo nila. At sinong tinatakot mo?”
“Kilala ko ang Albino Group. Kapag nakuha nila ang tiwala ng Moretti Group, lalakas ang impluwensiya nila. Kaya kung ayaw mong masira ang makinis mong mukha, huwag kang makisawsaw.”
Tahimik si Lucian sandali, tapos ngumiti nang mapanukso. “Kilala mo ba talaga ang Moretti? Alam mo ba kung sino ako?”
Tumawa ang isa. “Huwag kang maniwala d’yan boss. Kung siya nga ang nawawalang anak ng Moretti, e ‘di sana matagal nang bumalik ‘yon. Ilang taon na silang naghahanap. Malamang wala na ‘yon.”
Kumunot ang noo ni Lucian. “Talaga? Patay na raw ang anak ng Moretti? Then how come you know so much about them?” Tila may naisip si Lucian. “Kayo ba ang may pakana sa tangkang pagpatay sa tanging tagapagmana ng Moretti Group?”
“Watch your words,” mariing sabi ng lalaki. “Kung kami ang gumawa nun, dapat nasa kulungan na kami. At kung ayaw mong madamay, lumayo ka sa pamilya nila. At kayo, umalis na kayo rito!”
Sabay-sabay silang lumabas ng clinic, puno ng yabang.
Agad namang lumapit si Lucian kina Yvone at Aling Edlyn. Saktong dumating din ang doktor na galing pa sa meeting.
“What happened here?” tanong nito, halatang nag-aalala. Nagulat pa siya nang makita si Lucian. “Lucian? Ikaw? Are you here for me?” sabay hawak sa braso ni Lucian.
Napakunot ang noo ni Yvone sa nakita.
“No, actually. Kasama ko siya,” sabay turo kay Yvone. “She’s with me.”
“Oh siya ba? Siya ba ang fiancée ni Apollo? What happened to the wedding?”
“Can we talk about that another time? Mas importante ngayon ang kalagayan ng papa ni Yvone. Kailangan na siyang mailipat.”
“Got it. I’ll make the arrangements now.”
Ilang minuto lang, at nailipat na sa ambulansya ang papa ni Yvone. Si Jess ang sumama habang naiwan sina Yvone at Lucian.
Pagkatapos, lumapit si Lucian sa dalaga.
“Yvone, sumama ka na sa akin. Kailangan mong magpahinga. I know may pasok ka pa bukas. Si Jess na ang bahala sa kanila.”
Napatingin si Yvone sa kanya, waring naguguluhan. “How did you know na may trabaho pa ako bukas? Alam mo ba talaga ang tungkol sa akin?”
Ngumiti si Lucian, medyo mapang-asar. “Secret. O baka masyado na lang akong interesado sayo kaya nalalaman ko ‘yan.”
*******
Hinatid na ni Lucian si Yvone pauwi. Dahil sa pagod ay nakatulog agad si Yvone habang nasa biyahe. Pagdating nila sa tapat ng bahay, mahimbing pa rin ang tulog niya.
Gusto sanang gisingin ni Lucian si Yvone, pero nagdalawang-isip siya. Baka magalit na naman ito lalo na kung hahawakan niya. Ang arte pa naman ng babaeng 'to.
Pero nagising din si Yvone nang tumunog ang cellphone ni Lucian. Tumatawag si Jones — may nakuha na raw itong impormasyon tungkol sa babaeng nakita sa condo ni Lucian. Pagkatapos nilang mag-usap ay tipid na ngumiti si Lucian kay Yvone.
“We’re here,” sabi ni Lucian. “Hindi na kita ginising. Alam ko namang sobrang pagod ka sa dami ng ginawa mo buong araw.”
Huminga ito ng malalim. “So hanggang dito na lang ba ako sa sasakyan? Wala ka bang balak na pag-kapehin man lang ako?” sabay kindat niya habang nakatingin kay Yvone na handa nang bumaba.
“Gusto ko na sanang magpahinga. Next time na lang kita yayain sa loob para magkape. Pero ngayon, hindi ko na talaga kayang igalaw ang katawan ko,” sagot ni Yvone, sabay buntong-hininga.
“Okay, pumasok ka na at magpahinga. I’ll stay here hanggang hindi ka pa nakakapasok sa loob. I’ll watch your step,” sagot ni Lucian.
“Salamat, Lucian,” tipid na ngiti ni Yvone bago bumaba ng sasakyan.
Pagkababa niya, tinungo agad ni Yvone ang maliit na gate at pumasok sa loob ng bahay. Nakamasid lang si Lucian sa kanya mula sa loob ng sasakyan, tinitiyak na ligtas itong nakapasok. Ilang sandali pa, nakita niya mula sa sala ang ilaw na biglang namatay. Maya-maya ay lumiwanag ang ilaw sa silid ni Yvone.
Napakunot ang noo ni Lucian. Base sa aninong nakita niya sa bintana, tila nagbibihis si Yvone.
"Talaga bang natutulog ka pa rin nang walang saplot?" bulong ni Lucian sa sarili habang napapailing.
Umalis na rin siya nang matiyak na nasa loob na ito at nakahiga na.
---
Kinabukasan
Maagang nagising si Yvone. Nakapaghanda na siya para sa pasok sa eskwelahan. Suot na niya ang uniform at kumakain ng tinapay na may sandwich spread — hindi niya ito paborito, pero dahil sa pagtitipid, ito na lang ang kinain niya.
Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niyang kumain ng sinangag na parang galing sa Chowking — may chicken with hot sauce, scrambled egg, at bacon. Pero wala sa budget.
Habang kumakagat siya sa sandwich, may kumatok sa pinto. Napakunot-noo siya. Wala naman siyang inaasahang bisita.
Lumapit siya sa pinto habang hawak-hawak pa rin ang sandwich. Pagbukas niya, bumungad si Lucian na may ngiting parang laging may binabalak.
“Hi. Good morning,” bati ni Lucian.
Napatingin si Yvone, pero agad ding iniwas ang tingin.
“Pasok ka,” sabi niya, sabay bukas ng pinto nang mas maluwag.
“Thanks,” sagot ni Lucian habang pumapasok. Bitbit niya ang isang paper bag.
“Nag-breakfast ka na ba?” tanong niya habang nasa likod lang ni Yvone.
“Ito lang, sandwich at gatas,” sagot ni Yvone habang kinukurot-kurot ang tinapay.
“That’s your breakfast?”
“Yes.” Pagdating nila sa kusina, hinarap ni Yvone si Lucian.
“May dala ako,” sabay abot ng paper bag. Nilapag niya ito sa mesa.
“Ano ’to?” tanong ni Yvone. Sumenyas si Lucian na tingnan niya ang laman.
Binuksan ni Yvone ang paper bag. Nakalagay ang pagkain sa cute na Tupperware. Nang makita niya ang laman, napatitig siya.
“Wait… Ikaw ang nagluto nito?” tanong niya, halatang nagulat.
“Yeah. Homemade. Do you like it?” tanong ni Lucian, mayabang pero may ngiti.
Hindi agad nakasagot si Yvone. Eksakto kasi ito sa gusto niyang breakfast. Napatingin siya kay Lucian, may halong pagtataka.
“How did you know this is my favorite breakfast? Nag-iimbestiga ka ba tungkol sa’kin?”
“No,” natatawang sagot ni Lucian. “Mahilig lang talaga akong magluto ng ganito. Bakit? Galit ka ba?”
“H-Hindi naman… pero thank you. Na-appreciate ko 'tong effort mo,” sagot ni Yvone, pilit na hindi nagpapahalata ng kilig.
Ngumiti si Lucian.
“You’re welcome. Gusto ko lang magpasaya ng someone na deserve naman talagang mapasaya.”
Hindi na nakasagot si Yvone. Napatingin na lang siya sa pagkain. At habang tinititigan niya iyon, isang tanong ang dumaan sa isip niya:
"Bakit parang ang saya ng umaga ko ngayon…?"