C-6

2026 Words
"Boss, pwede bang magmadali ka? Naiinip na itong babaeng kasama ko," isang mensahe ang nabasa ni Lucian sa kanyang telepono. Agad niya itong ibinalik sa bulsa ng kanyang jacket at napatingin kay Yvone. "So… she's not the girl from my condo that night," bulong ni Lucian sa sarili. Gusto niyang sampalin ang sarili niya dahil sa maling akala, pero mas naguguluhan siya ngayon kung bakit parang… naiinis siya. So hindi pala si Yvone 'yon. Pero bakit ako parang nadismaya? Nagulat si Yvone nang mapansing nakatitig si Lucian sa kanya. "Bakit ka ganyan makatingin? May problema ba?" tanong niya, halatang may bumabagabag din sa kanya. "Can I ask you something?" tanong ni Lucian. Pero nagmamadali na si Yvone. "Pwede naman, pero malelate na 'ko sa trabaho. Saka na lang tayo mag-usap kapag wala na akong ginagawa, okay?" Nasa labas na sila ng gate. "Hatid na kita," alok ni Lucian. Ngumiti si Yvone nang tipid. "Salamat, pero may kasama na ako." Saktong huminto ang isang pulang sasakyan sa harapan. Bumaba ang bintana at lumitaw roon ang isang lalaki—si Tonya. "Bye," paalam ni Yvone bago sumakay. Tipid din ang ngiti ni Lucian, pero sa loob-loob niya, kumukulo ang inis. "Who's that guy? May lalaki si Yvone? May kaibigan siyang lalaki?" Nagsimulang dumumi ang iniisip ni Lucian. "Sh*t! Huwag niyang sabihing siya ang gumawa ng hickies sa katawan ni Yvone. Damn!" Napakuyom siya ng kamao habang pinipigilan ang sarili. Kaagad siyang sumakay ng sasakyan. Binaybay niya ang daan nang mabilis, papunta sa tagpuan nila ni Jones. Kahit alam na ni Jones kung sino ang babaeng kasama niya sa condo nung gabing iyon, wala siyang gana na makita ito. Ang totoo, inaasahan niya kasing si Yvone 'yon. --- Pagdating sa isang restaurant, naghintay si Lucian sa loob. Tinext muna niya si Jones: “Nasa parking na ako.” Sagot ni Jones: “Sige boss!” Sabay kuha ng litrato ng babaeng kasama niya. Palihim na kinuhanan ni Jones ng dalawang larawan ang babae at agad itong sinend kay Lucian. Pagkakita niya sa litrato, napatayo si Lucian mula sa kinauupuan niya. "F*ck… Sheryl?! Siya 'yung babae that night?! No, no… this can't be! Hindi puwedeng siya 'yon." Agad niyang tinawagan si Jones. "I gotta go. Ikaw na bahala sa kanya. Huwag na huwag niyang malalaman ang totoo, klaro? Sabihin mong may nahanap na tayong kapalit na sekretarya." "Copy, boss. Ako na bahala. No one will know. Nasa loob lang ako ng CR, palabas na 'ko," sagot ni Jones. --- Pagkababa ng tawag, lumabas si Jones sa restroom at nilapitan ang babaeng naghihintay—si Sheryl. Umupo siya sa tapat nito. "Ano na?" tanong ni Sheryl, halatang inip na. Napabuntong-hininga si Jones bago sumagot. "I'm sorry, Sheryl. May nahanap na si boss na mas fit sa position. Pero kung gusto mo, pwede kitang i-recommend sa ibang kumpanya." Masamang tumingin si Sheryl. "So… hindi na talaga ako tatanggapin? Sayang, doon ko pa naman gustong mag-work. Pangarap ko talaga 'yon—kahit hindi na sekretarya, kahit anong department lang. Please. I really want to be part of that company." Tahimik lang si Jones. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Sheryl na hindi lang trabaho ang habol nito—alam niyang may mas malalim pa. ******** "Sino ba 'yung guwapo mong kasama kanina?" tanong ni Tonya na may halong kilig. "In fairness ha, ang hot niya! Mas bet ko pa ata siya kaysa kay Papa Apollo. Grabe, kinikilig ako! Feeling ko may six-pack abs 'yon tapos... alam mo na, malaki 'yung ano..." sabay malanding tawa. "Hoy, umayos ka nga riyan! Ang landi mo!" saway ni Yvone habang kinukunot ang noo. "Si Lucian 'yon, pinsan ni Apollo." "Ha? Magpinsan pala sila?" gulat ni Tonya. "Bagay sa kanya 'yung pangalan ha! Lucian... sexy pakinggan. At bakit naman bawal magpantasya? Hellooo! Guwapo na, yummy pa!" sabay kagat-labi pa siya. "Ewan ko sa'yo. Bilisan mo na riyan, ang dami pa nating kailangang gawin sa lesson plan," sabing pasinghal ni Yvone. "Oo na, oo na. Pero teka lang ha…" biglang seryoso si Tonya. "Natuloy ba 'yung kasal niyo ni Papa Apollo? Tapos... kamusta na 'yung lalaking iniwan mo sa hotel? Nakilala mo ba siya?" Napasinghap si Yvone bago sumagot. "May nangyari kay Apollo that night. Hindi ko alam kung paano, pero naaksidente siya. He's in coma, Tonya..." malungkot niyang sagot. "What?!" halos mapasigaw si Tonya. "Paanong naaksidente siya? So, hindi natuloy 'yung kasal? My God!" "Natuloy pa rin, Tonya... kahit nasa Amerika si Apollo. Si Atty. Rivas ang nagkasal sa amin." paliwanag ni Yvone, puno ng pag-aalala. "Ha?! Kinasal kayo kahit wala siya? Paano 'yon? Virtual wedding?" litong tanong ni Tonya. "Yan din ang tanong ko. Legal, oo. Pero emotionally? Wala. Asawa ko siya sa papel, pero hindi siya narito." Napailing si Tonya. "E paano naman 'yung lalaking nakasama mo? 'Yung one-night stand mo? Paano kung malaman 'yon ni Apollo? At paano kung nabuntis ka pa ng lalaking 'yon?! Shet, Yvone! Hindi ka nag-iisip!" "Oh my God!" biglang tayo ni Yvone, nanlaki ang mata. "Paano kung mabuntis nga ako?! Damn! Hindi ako nakainom ng pills!" Napasimangot si Tonya. "Huwag mong sabihing ayaw mo 'yung nangyari? At saka, Yvone, impossible naman na hindi mo siya nakilala kung si Apollo talaga 'yon. So ibig sabihin, kahit lasing ka, ginusto ng katawan mo 'yung lalaking 'yon." Biglang napaiyak si Yvone. "Anong gagawin ko, Tonya? Kasal na ako kay Apollo… at paano kung may bunga 'yung isang gabing hindi ko ginusto? At hindi pa pala siya si Apollo?" Natapos na ang klase ni Yvone. Maaga ang uwian ng mga kinder kaya naman sinamantala niyang gumawa ng lesson plan habang nasa loob ng classroom. Abala siya sa pagsusulat nang biglang may marahang naglapag ng isang bouquet ng bulaklak sa mesa niya. Napatingala siya. “Delivery po, Ma’am,” magalang na bati ng lalaking nag-abot ng bulaklak. Kasama nito ang chocolates at imported bread, maayos na nakaayos sa isang cute na box. “Para sa akin ‘to?” tanong ni Yvone, litaw ang pagtataka habang tinitingnan ang mga nakalatag sa mesa. “Yes Ma’am, para po sa inyo lahat ‘yan. Pakipirma na lang po rito.” Itinuro ng lalaki ang clipboard. Pumirma si Yvone kahit litong-lito sa sitwasyon. Wala siyang alam kung sino ang nagpadala ng mga iyon. “Kanino galing ‘to?” tanong niya matapos pumirma. “Hindi ko rin po alam, Ma’am. Pinadeliver lang po ako. Mauna na po ako,” sagot ng lalaki bago tuluyang lumabas ng room. Napatingin si Yvone sa bulaklak. Napangiti siya ng bahagya—dahil halos paborito niya ang kulay ng mga petals. Maingat niyang kinuha ang card at binasa: > To my only wife. "Thank you for existing. May this brighten your long, tiring day." Kinilig siya sa mensahe, pero agad din siyang nairita. Walang pangalan. Walang clue kung sino ang nagpadala. “Si Apollo kaya? Pero... paano?” Napakunot-noo siyang napaisip. Ilang saglit lang, tumunog ang cellphone niya. Mensahe ito mula sa mommy ni Apollo na kasalukuyang nagbabantay sa ospital. May kasamang ilang larawan si Apollo habang comatose—nakahiga, walang malay, puro tubo ang katawan. Unti-unting nawala ang ngiti ni Yvone. Napaiyak siya sa nakita. Parang tinamaan ng guilt ang dibdib niya. Hindi niya kinaya ang damdaming nanumbalik—ang guilt, ang panghihinayang, ang sakit. “I’m sorry, Apollo… I’m so sorry…” bulong niya habang yakap ang cellphone. Ramdam niya ang bigat sa puso habang pinagmamasdan ang larawan ng lalaking legal na asawa niya. Habang tumutulo ang mga luha ni Yvone, sa labas ng classroom ay may isang lalaking palihim na nakasilip sa bintana. Siya ang nag-deliver ng bulaklak at ngayon ay papunta na sa sasakyang naka-park sa labas ng paaralan. Pagkarating niya, binaba ni Lucian ang bintana ng kanyang sasakyan. “Sir, naibigay ko na po. Pero… umiiyak po siya,” agad na sumbong ng lalaki. “What?!” gulat na gulat ang reaksyon ni Lucian. “Bakit siya umiiyak?” “May natanggap po siyang mensahe sa phone. Tapos pagtingin niya sa mga larawan, bigla na lang siyang umiyak.” Agad kinontak ni Lucian si Jess—ang tauhang nagbabantay sa ama ni Yvone sa ospital. “Kamusta ang papa niya?” tanong ni Lucian. “Ayos naman po, sir. Naaalagaan siya ng mga nurse, stable ang kondisyon.” sagot ni Jess. Napabuntong-hininga si Lucian. Alam na niya ngayon ang dahilan ng pag-iyak ni Yvone. Hindi ang ama nito. “Sir… narinig ko pa pong nagsosorry siya habang umiiyak. Para raw kay Apollo.” dagdag ng lalaki. “Sigurado ka?” tanong ni Lucian na halatang kinagat ng damdamin. “Opo sir. Sigurado ako sa narinig ko.” Walang imik si Lucian. Tahimik siyang bumunot ng ₱5,000 mula sa kanyang wallet at inabot iyon sa lalaki. “Salamat.” Pagkaalis ng lalaki, marahang isinara ni Lucian ang bintana ng sasakyan. “So, si Apollo ang iniiyakan mo?” bulong niya sa sarili. “Gaano mo ba siya kamahal, Yvone? At… paano mo rin nagawang lokohin siya?” Naalala ni Lucian ang bakas ng hickies noon sa leeg ni Yvone—at mas lalong nanikip ang dibdib niya. “Sh*t… Who’s that guy?” usal ni Lucian bago pinaharurot ang sasakyan palayo sa paaralan. 4:00 PM, uwian na ng mga estudyante. Sabay na umuwi ang magkaibigang sina Yvone at Tonya. Si Tonya ay nagtuturo sa secondary school na malapit lang sa elementarya kaya nasusundo niya ni Yvone. “Gusto mo bang gumala muna? Mukha kang stress. Ano ba ang bumabagabag sa’yo?” tanong ni Tonya habang nagda-drive. Napabuntong-hininga si Yvone. “Tonya, iniisip ko... Paano kung mabuntis ako? Hindi kakayanin ng konsensya ko ang pagpapakasal ko kay Apollo.” “So anong plano mo ngayon?” “I want to divorce Apollo. Kakausapin ko si Atty. Rivas. Hihingi ako ng tulong. Kung alam ko lang na hindi siya 'yon noong gabing ‘yon… sana hindi ko na tinuloy ang kasal. Natatakot ako na malaman nila ang nangyari sa akin. Baka kamuhian ako ng pamilya ni Apollo.” Nanginginig ang boses ni Yvone habang nagpapaliwanag. “Ang bigat niyan, besh. After all that, magtatago ka habang buhay? Pati ama ng magiging anak mo, hindi mo alam kung sino?” sagot ni Tonya, halatang nag-aalala. “Alam ko. I wish na sana hindi ako mabuntis. Pero ang tanga-tanga ko, Tonya. Sinabi ko pa na buntisin na niya ako... kasi ang akala ko si Apollo siya.” “Ayan na nga ba, eh. Ni hindi mo matandaan kung sino ang lalaking 'yon. Sure ka bang condo unit 'yon ni Apollo?” “Hindi ko na alam,” sagot ni Yvone habang napapikit at iniisip ang nangyari noong gabing iyon sa hotel. Pero bigla siyang napamulat. “Wait! Naalala ko na. Nasa elevator ako… pero 18th floor ako napunta, hindi 17th! Shet, gusto kong bumalik sa hotel!” “What? Ikaw na lang mag-isa. Baka pagkamalan pa tayong mag-check-in dun!” reklamo ni Tonya. “Tanga ka ba?! Sinong maniniwala sa’yo na kaya mong i-s*x ang babae? Ako nga lang, diring-diri ka na!” panunukso ni Yvone. “Fine na nga! Para matapos na yang drama mo—go tayo sa hotel. Ewww!” halos napangiwi si Tonya habang umiikot ang mga mata. --- Pagkarating sa hotel, dumiretso agad sila sa loob. Ni hindi na nagtanong sa reception desk—agad silang nagtungo sa gawing elevator. “Kinakabahan ako, Tonya…” bulong ni Yvone habang nasa harap pa lang ng elevator. Hinawakan ni Tonya ang kamay niya at pinisil ito ng bahagya. “Inhale. Exhale. Kaya mo ’to.” Saktong bumukas ang pinto ng elevator—lumabas si Lucian. Salubong ang mga kilay. Halata ang galit at inis nang makita si Yvone… at ang akala niyang lalaki ni Yvone. “What are you doing here… with that man?” matalim ang tono ni Lucian habang lumapit. Nagulat si Yvone. “Lucian, makinig ka muna…” “No! I don’t need your explanation. Come with me!” sabay hawak ni Lucian sa kamay ni Yvone at hinila siya papalayo. Naiwang tulala si Tonya, nakanganga sa gulat. “Hoy! Babae ako, noh!” pero huli na—napagkamalan na siya ni Lucian na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD