C-7

2522 Words
"Ano ba? Bitawan mo ako, Lucian!" sigaw ni Yvone habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nito. Patungo na sila sa sasakyan ni Lucian at halatang hindi siya sang-ayon sa ginagawa nito. Pagdating nila sa tabi ng kotse, huminto si Lucian at tiningnan siya nang seryoso. "Anong ginagawa mo sa lugar na ito? At kasama mo pa ang lalaking ‘yon? Kasal ka na, Yvone. Dapat alam mo kung saan ang hangganan mo bilang si Mrs. Madrigal." madiin niyang sabi habang mahigpit pa ring hawak ang palapulsuhan nito. Huminga ng malalim si Yvone, kita sa mukha ang pagkainis. "Tinanong mo na ba ako kung sino 'yung kasama ko? Tinanong mo na ba ako kung ano talaga ang ginagawa namin dito?" Umangat ang kilay ni Lucian. "Eh ano nga ba? Pumunta ka sa hotel na may kasamang lalaki, tapos gusto mong maniwala ako na walang nangyari? Seriously?" Napuno na rin si Yvone. "Alam mo Lucian, hindi mo ako kilala. Hindi mo rin alam ang pinagdaanan ko. So please, huwag mo akong husgahan base sa nakita mo lang!" "Pakawalan mo na ako, gusto ko nang umuwi sa bahay," sabay tingin niya sa kamay nitong nakahawak pa rin sa palapulsuhan niya. Nagbuntong-hininga si Lucian, pero hindi pa rin bumibitaw. "Okay, pakakawalan kita... pero sasama ka muna sa akin." sabay bukas ng pinto ng sasakyan. "Get in the car." mariing utos nito. Napatingin si Yvone sa kotse, saka kay Lucian. Ramdam niyang walang choice siya sa oras na iyon. Tahimik siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Pagkaupo, agad ding sumakay si Lucian. Tahimik silang dalawa habang umaandar ang sasakyan. "Why are you doing this to me?" basag ni Yvone sa katahimikan. "Pakiramdam ko, binabantayan mo na lang lahat ng galaw ko. Sinabi ba sa'yo ni Apollo na bantayan mo ako?" Bahagyang tumingin si Lucian habang hawak ang manibela. "No. He didn’t. I’m doing this on my own." "Ha? Then why? Bakit mo ito ginagawa? I’m not your wife. I’m not your girlfriend. I'm nothing to you!" sabay cross arms niya, halatang nagtatampo. Napailing si Lucian. "Tsk. Ang dami mong tanong. Huwag kang magmaktol diyan, baka lalo lang akong higpitan sa’yo." sagot niya, may kasamang pilit na ngiti. "Hey! I’m not a kid!" singhal ni Yvone. "Yeah, I know you're not. Pero sa kilos mong 'yan, parang batang makulit," sagot niya habang nangingisi. Umirap lang si Yvone at tumahimik. Naiinis na siya. Lalo na’t parang nalilihis na ang usapan. Ayaw niyang umabot si Lucian sa punto ng pagtatanong kung ano ba talaga ang ginawa niya sa hotel. Lalo’t ayaw niyang malaman nito na hinahanap niya ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon. Muling natahimik sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan. Napansin ni Yvone na papunta sila sa ibang direksyon. "Lucian... hindi naman ito daan papunta sa bahay namin. Bakit papunta tayo sa mansyon?" "Lola wants to see you. Nagtatampo na raw siya. Kaya kung ayaw mong sumama, ihahatid na lang kita pauwi." "No, hindi! Sasama na ako..." mabilis niyang tanggi, halatang nagulat. Ngumiti si Lucian. "Aba, ang bilis ng sagot mo ah. Takot ka kay Lola?" "Hindi naman... nahihiya lang ako kasi hindi ako nakabalik sa mansyon kahit nangako akong babalik. Hindi ba siya galit sa akin?" "Hindi. Paano siya magagalit sa’yo kung gustong-gusto ka niya?" Napayuko si Yvone. "Ewan ko... pakiramdam ko kasi hindi pa rin ako bahagi ng pamilya n’yo." Mahinang sagot niya, may halong guilt. Naiisip pa rin niya ang mga nagawa niyang kasalanan, lalo na kay Apollo. "Why do you say that?" Umiling lang si Yvone. "Wala. Kalimutan mo na lang yung sinabi ko. Hindi naman importante." Muling bumalik ang katahimikan. Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita si Lucian. "Don’t worry, Yvone. Ako ang bahala sa'yo. Basta huwag ka lang lalagpas sa limitasyon mo. Iwasan mo na makihalubilo sa mga lalaking hindi mo kilala. Bahay at eskwelahan ka lang dapat. You know what I’m talking about. You’re married. You’re no longer single." Nagpanting ang tenga ni Yvone. "You're not my husband, Lucian. So don’t act like one. Wala kang karapatang paghigpitan ako." Tumingin si Lucian sa kanya, saglit, tapos bumalik sa pagmamaneho. Tumahimik siya. Pero kita sa ekspresyon ng mukha niya ang inis, selos, at... pag-aalala. "Yeah. I'm not your husband. But I still care, Yvone. And that’s something I can't explain even to myself." mahina niyang sabi. Napatingin si Yvone sa kanya. Saglit siyang napatigil. Parang may iba siyang naramdaman sa sinabi ni Lucian. Pero pinili niyang tumahimik. Kahit pa ramdam niyang unti-unti nang binabago ng presensya ng lalaking ito ang t***k ng puso niya. ****. Pagkarating nila sa mansyon, hindi pa agad bumaba si Yvone sa sasakyan. Napatingin muna siya sa rearview mirror at inayos ang sarili. Sinuklay ng daliri ang medyo magulong buhok, at siniguradong maayos ang itsura. Kinuha niya ang maliit na lipstick mula sa bag at marahang nilagyan ang kanyang mga labi. Napakunot ang noo ni Lucian habang pinapanood siya. Nakita ni Yvone mula sa gilid ng kanyang mata ang matalim pero malalim na titig ng lalaki. "Are you staring at me?" tanong ni Yvone, hindi tinatago ang inis at pagkalito. "Yeah," prangkang sagot ni Lucian, walang pag-aalinlangan. Napailing si Yvone. "So, type mo ako kaya ganyan ka makatingin?" Bahagyang ngumiti si Lucian at tumango. "Hmm… maybe." "Hah?" halos napataas ang boses ni Yvone. "Kakasa—kakasabi mo lang kanina na kasal ako kay Apollo. Na dapat umiwas ako sa mga lalaki. Dapat kasali ka ro’n, Lucian!" Napatawa si Lucian. "Ako? Iiwas sa’yo? Kalokohan. Never kong gagawin ‘yan." "Lucian!" singhal ni Yvone. "Hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Pinsan mo si Apollo. At kahit anong mangyari, hindi ka pwedeng umeksena sa relasyon namin." "Okay," sagot ni Lucian habang nakangisi, "pero sa ngayon, ako muna ang asawa mo habang wala pa si Apollo. Hindi mo ako pwedeng itaboy. Because you and me? We’re stuck together." sabay tawa niya. "Sira ulo ka talaga!" sabay hampas ni Yvone sa braso ni Lucian. Habang pinapalo siya ni Yvone, lalong natawa si Lucian. "I like it, Yvone. Can you make it harder next time?" pang-aasar pa nito. "What?! Baliw ka na talaga, Lucian!" Napailing na lang si Yvone sabay labas ng sasakyan. Tawa pa rin nang tawa si Lucian habang sumunod sa kanya. Paglapit ni Yvone sa pintuan ng mansyon, inunahan na siya ni Lucian. Bigla nitong hinawakan ang beywang niya — dahilan para magulat siya. "Lucian!" bulong ni Yvone habang sinusubukang alisin ang kamay nito, ngunit huli na. Nasa harap na pala nila si Lola Norie, na saktong lumabas mula sa sala at nakita ang eksena. "How sweet!" nakangiting sambit ni Lola. "What a lovely couple!" Napakabilis ng reaksyon ni Yvone. "No, Lola! Nagkakamali po kayo. Hindi po ‘yon ang iniisip n’yo." sabay ilag sa pagkakayakap ni Lucian. Ngunit ngumiti lamang si Lola Norie. "It’s okay, Yvone. Hindi na ako bata. That’s not a big deal for me. Ang mahalaga ay narito ka na. I hope napapayag ka na ni Lucian na tumira sa tinitirhan niya." "Ha?" biglang lingon ni Yvone kay Lucian. "Ano ‘yon? Anong ibig sabihin ni Lola, ha Lucian?" Medyo nagkakamot na ng batok si Lucian, pero hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi. "I think," sabat ni Lola Norie, "kailangan niyo munang mag-usap ng mahinahon. Apo Lucian, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. At Yvone, huwag kang matakot. Alam kong mabait ang apo ko... minsan lang talaga matigas ang ulo." Nang marinig ito, mas lalo pang kumunot ang noo ni Yvone. Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat, habang si Lucian naman ay tila abot hanggang tenga ang ngiti — mukhang may binabalak na namang kalokohan. ****** Isang tunog mula sa cellphone ang gumambala sa katahimikan ng pag-uusap nina Lucian at Lola Norie. Tumatawag ang mama ni Yvone kaya agad niya itong sinagot. “Ma?” agad na bati ni Yvone, habang bahagyang lumayo kina Lucian at Lola. “Anak, okay na ang papa mo. Naging maayos ang kalagayan niya kanina. At... dumating na si Nimfa,” balita ng kanyang ina. Halata sa boses nito ang emosyon. “Si Nimfa?” nanlaki ang mata ni Yvone. “Yung tunay n’yong anak?” “Oo, anak. Tatlong taon din siyang nawala pero ngayon lang siya nagpakita ulit.” Pagkababa ng tawag, agad siyang bumalik kina Lucian at Lola Norie. “Lola, Lucian... kailangan ko pong pumunta sa ospital. Kailangan kong makita si Nimfa.” “Sure,” sagot ni Lucian, “pero anong gagawin mo roon? Nandoon naman si Jess. Siya na ang bahala sa lahat.” “Pero... gusto ko siyang makita. Si Nimfa. Yung tunay na anak nila Mama at Papa. Kailangan kong umuwi.” Napatingin si Lucian kay Lola, at tumango ang matanda. “Sige na Lucian, ihatid mo na si Yvone. Napakahalaga n'yan para sa kanya,” sabi ni Lola Norie. Ngunit bago pa sila makaalis, nagsalita si Lucian. “Okay, pero may kondisyon ako. Pagkatapos, titira ka na sa bahay ko.” “Ha? Bakit naman ako titira sayo?” kunot-noong tanong ni Yvone. “C’mon, Yvone. Hurry up,” sabi ni Lucian, sabay hawak sa kamay nito. Walang nagawa si Yvone kundi ang sumunod. --- Sa sasakyan, nanatiling tahimik si Yvone habang pinipilit unawain ang mga nangyayari. Napalingon siya kay Lucian habang bumabaybay sila sa kalsada. “Lucian... bakit mo ba talaga ginagawa ‘to? Bakit mo ako sinusundan? Pakiramdam ko... parang asawa mo na ako.” Bahagyang ngumiti si Lucian, ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, pinanatili lang niya ang tingin sa daan. --- Pagdating sa ospital, agad nilang pinuntahan ang silid kung saan naka-confine ang ama ni Yvone. Mabuti na lang at nasa maayos na kalagayan na ito. Nakahinga nang maluwag si Yvone. Ngunit nang tanungin niya kung nasaan si Nimfa, nalungkot siya sa sagot: “Umalis na agad si Nimfa. Hindi ka na niya nahintay,” sabi ng kanyang ina. “Pero babalik daw siya bukas.” Hindi maipaliwanag ni Yvone ang nararamdaman — kaba, lungkot, at pagod. Umupo siya sa waiting area, at sumunod naman si Lucian. Hindi na siya umangal nang dumikit ang braso ni Lucian sa kanya. Sa totoo lang, gusto niyang may masasandalan. “Ihahatid na kita, Yvone. Mukhang pagod na pagod ka na,” may pag-aalalang wika ni Lucian. “Oo, gusto ko na rin magpahinga,” malumanay na sagot niya. “Salamat, Lucian.” Tumayo si Yvone ngunit bigla siyang natigilan at napapikit — nahilo siya. “Yvone!” Agad siyang nasalo ni Lucian. Hinawakan siya nito sa baywang habang nakaalalay. “I’m sorry… Nahilo lang ako,” bulong ni Yvone, pilit na iniiwas ang tingin. Ngunit hindi bumitaw si Lucian. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak. “I’ll take care of you, Yvone. Hayaan mong gawin ko ‘to para sa’yo.” At bago pa siya makatanggi, binuhat siya ni Lucian ng bridal style. Napayakap si Yvone sa leeg nito. Ramdam niya ang init ng katawan ni Lucian, ang t***k ng kanyang dibdib, at... ang pamilyar na amoy nito. Napapitlag siya. “Wait...” bulong niya sa sarili. “This scent… this warmth... this body…” Napatingin siya sa mukha ni Lucian. “Is this the man I spent that night with?” Hindi niya alam kung matatakot siya... o kakabahan. Pero isang bagay ang sigurado—hindi na niya kayang itago sa sarili ang pagdududa. **** Bago pa man sila makauwi, sinigurado muna ni Lucian na makakain ng maayos si Yvone. Dinala niya ito sa isang tahimik at pribadong restawran kung saan handa na ang mesa at pagkain. Napakunot-noo si Yvone habang pinagmamasdan ang mga ulam sa harapan niya — sinigang na baboy, crispy tilapia, mashed potato, at mango float — lahat ay paborito niya. "Pa'no mo nalaman ang mga gusto kong kainin?" tanong niya, hindi maitago ang pagtataka. "Stalker ka ba, Lucian?" Ngunit ngumiti lang si Lucian, hindi nagsalita. Parang may tinatago. Nagtataka si Yvone habang kumakain, hindi mapigilan ang gumugulong na tanong sa isip niya — Inaalam ba niya ang buong pagkatao ko? Pa'no niya nalalaman ang mga ganito? --- Pagdating nila sa tirahan ni Lucian, agad silang sinalubong ng guwardya na agad namang nagbukas ng gate. Sunod ay ang mga kasambahay — lahat ay magalang at masayahin sa pagtanggap sa kanya. “Welcome po, Ma’am Yvone,” bati pa ng isa sa mga maid na nakangiti habang kinukuha ang bag niya. Natuwa si Yvone. Hindi niya inaasahan ang ganito kainit na pagtanggap sa bahay ng isang lalaking tulad ni Lucian. Ngunit kahit magaan ang pakiramdam niya, nanatili pa rin ang kaba — hindi pa rin niya lubos na maunawaan kung ano talaga ang motibo ni Lucian. Bakit siya ganito kaalaga? Sumunod siya kay Lucian paakyat ng hagdan. Inihatid siya nito sa isang maluwag at eleganteng silid. Pagkapasok niya, tila napako siya sa kinatatayuan. Malambot at malinis ang king-sized bed. May maliit na balcony sa gilid, at isang malapad na closet na awtomatikong bumukas nang lapitan ni Lucian. Pinakita nito isa-isa ang mga nilalaman — mga damit, accessories, sapatos, at maging mga undergarments, lahat bago at mukhang pinili para sa kanya. "These are all for you," malamig pero mahinahong sabi ni Lucian. Hindi kaagad nakapagsalita si Yvone. Parang nananaginip lang siya. Paanong sa isang iglap, may sarili na siyang silid sa isang napakagarbong bahay, may mga gamit na parang pang-prinsesa? Isang parte ng sarili niya ang natuwa — sino ba namang hindi? Pero may isa pang bahagi ng kanyang puso ang puno ng alinlangan at takot. Hindi na niya napigilang itanong. “Lucian…” panimula niya habang nakatalikod ito sa kanya. “May tatanungin ako. Saan ka... saan ka ba nang gabing naaksidente si Apollo?” Napalingon si Lucian. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Kitang-kita ni Yvone ang biglang pagbago ng ekspresyon nito — mula sa pagiging maamo ay naging seryoso ang mukha. "That night?" ulit ni Lucian, halos pabulong. Tumango si Yvone. "Oo. Gabi ng aksidente ni Apollo. Saan ka noon?" Nanatiling tahimik si Lucian. Parang may pilit siyang inaalalang detalye, pero mas halata na nagpipigil siya. Umiwas siya ng tingin. “Lucian?” mas seryosong tawag ni Yvone. Lumapit siya at humarap sa lalaki. “May kinalaman ka ba sa nangyari sa kanya?” tanong niya nang direkta. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi makasagot si Lucian. Hindi niya alam kung dapat niyang sabihin ang totoo — na nang gabing iyon, may Isang babae siyang nakasama sa iisang kama at sa babaeng kinaiinisan pa niya. Si Sheryl na hindi niya alam kung paanong naroon ito sa silid niya. Na kaya niya iniwasan ang kwento ng gabing iyon ay dahil hanggang ngayon, hindi siya sigurado kung dapat niyang aminin. Sa halip na sumagot, napapikit si Lucian at huminga ng malalim. Tila ba pinipigilan ang damdaming matagal nang kinikimkim. “Wala akong kinalaman sa aksidente ni Apollo,” mahinang sagot niya, pero hindi tumingin kay Yvone. Hindi alam ni Yvone kung maniniwala siya. Ngunit sa titig ng lalaki, may halong guilt at lungkot... pero wala siyang sapat na pruweba para sabihing nagsisinungaling ito. Lumayo siya at humarap sa bintana, hawak ang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Pinaghalo-halong emosyon — takot, pagkalito, at isang damdaming ayaw niyang pangalanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD