Nakakaraming katok na si Lucian, pero tulog na tulog pa rin si Yvone. Paano ba naman—sobrang late na siyang natulog kagabi. Sa sobrang pagod, basta na lang siyang nag-alis ng damit at nahiga nang hindi na nakapagbihis ng damit-pantulog.
"Yvone, wake up! Malelate ka na sa trabaho mo!" tawag ni Lucian mula sa labas ng pinto.
Ilang segundo siyang naghintay pero wala pa ring sagot mula sa loob. Mas lalong lumakas ang pagkatok niya.
"Yvone! Kung hindi ka pa magigising ngayon, papasok na ko. You're getting late. Hey!"
Dahil walang tugon, napilitan si Lucian na buksan ang pinto—kahit pa malinaw ang usapan nila kagabi tungkol sa personal space at boundaries. Pero ngayon, siya mismo ang unang lalabag.
Pagkapasok niya, kumunot ang noo niya nang makita ang mga damit ni Yvone na nagkalat sa sahig. Napailing siya. Hindi na siya nagulat—alam niyang sobrang pagod ito kagabi.
Umupo siya sa gilid ng kama. Nakabalot ng makapal na kumot si Yvone, hindi man lang gumagalaw.
"Yvone, wake up. Tanghali na," mahinang sabi ni Lucian. "May trabaho ka pa, malelate ka na sa school."
Tinitigan niya ito nang ilang sandali. "I'm really sorry, Yvone," bulong niya, na parang may kahulugan ang bawat salita.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dahan-dahang dumilat si Yvone. Pagkakita niya kay Lucian, napatayo siya sa gulat.
"Lucian!" halos pasigaw niyang sabi, sabay tayo—pero dahil sa pagmamadali, nahulog ang kumot sa katawan niya.
Lumuwa sa harapan ni Lucian ang makinis na balat ni Yvone, at tumambad ang hickies na araw-araw niyang kinaiinisan. Hindi na siya nagulat—pero hindi rin niya napigilang mapatitig.
"Anong ginagawa mo rito?!" utal na tanong ni Yvone, at saka niya lang naalala na naka-bra at panty lang pala siya.
Mabilis niyang tinakpan ang sarili, sabay tutok ng daliri sa pinto. "Lumabas ka nga! Nakalimutan mo na yata 'yung kasunduan natin kagabi! Get out of my room, now!"
Pero ngumiti lang si Lucian, tila ba aliw na aliw sa reaksyon niya.
"Good morning, sweetie love," bati niya habang tumatayo mula sa kama.
Umirap si Yvone. "Ginigising lang naman kita. Tanghali na at baka masuspinde ka sa kakalate."
"What?!" Halos lumuwa ang mata ni Yvone. Tinakbo niya agad ang side table at tinignan ang relo. "Damn! Late na nga ako! Bakit walang gumising sa ’kin?!"
"I'll wait for you—just five minutes para matapos mo ang routine mo," kalmadong sagot ni Lucian.
"Hah?! Five minutes?!"
"Yes, five. Kaya bilisan mo na. I'll be outside." Sabay labas nito ng pinto.
Pagkaalis ni Lucian, napahawak si Yvone sa sentido. "Yvone! Anong nangyayari sa’yo? Hindi ka ganito dati!" bulong niya sa sarili.
---
Habang nasa sala, nagbabasa ng dyaryo si Lucian habang hinihintay siya. Mayat maya'y tumingin siya sa wristwatch niya—malapit na ang limang minuto.
Sasadyain na sana niyang bumalik sa silid ni Yvone nang tumunog ang cellphone niya.
Jones calling.
"Jones, napatawag ka?"
"Boss, nangungulit na naman si Sheryl."
"What?! Nasaan siya?"
"Hindi niya sinasabi, boss. Pero lagi siyang tumatawag at nagte-text."
Mabigat ang buntong-hininga ni Lucian. "Alamin mo kung saan siya nakatira. Gusto ko malaman lahat ng background niya."
"Copy, boss," sagot ni Jones bago nawala ang tawag.
Pinisil ni Lucian ang hawak na telepono. “Sheryl, hindi mo na kami guguluhin ni Yvone. Hinding-hindi na.”
---
Hindi niya namalayang nandoon na pala si Yvone, nakatayo sa likod niya.
"Kanina ka pa riyan?" tanong ni Lucian.
"Not really... Tapos na ako." Tipid ang sagot ni Yvone, sabay lakad palayo sa kanya. Nilagpasan lang siya nito, parang wala lang.
Tahimik namang sumunod si Lucian.
---
Sa loob ng sasakyan, tahimik pa rin si Yvone. Hindi niya alam kung may sasabihin ba siya. Samantalang si Lucian ay napatingin sa kanya, halata ang pag-aalala.
"Kumain ka muna bago ka pumasok sa trabaho. Hindi maganda magturo na walang laman ang tiyan mo."
Binuksan ni Lucian ang maliit na compartment sa gilid, saka inabot kay Yvone ang cookies at isang bote ng choco milk.
Napatingin si Yvone sa mga pagkain. "Paano ka may ganito sa kotse?"
Ngumiti si Lucian. "Boy scout yata ’to—laging handa. Basta ikaw ang kasama ko, kailangan ready ako."
Tahimik na kumagat si Yvone sa cookies. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito sa kanya si Lucian. At kahit sinasabi nitong concern lang ito, hindi siya kampante. Lalo na sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya—alam niyang may itinatago ito.
"Sino ka ba talaga, Lucian? Lahat ng gusto ko, alam mo. Pero hindi mo sinasagot nang buo ang mga tanong ko."
Hindi man niya sabihin nang malakas, ramdam ni Lucian ang mga tanong sa mga mata ni Yvone.
******
Pagdating nila sa school, kaagad na huminto ang kotse ni Lucian sa harap ng gate. Umikot siya palabas at personal na binuksan ang pinto sa passenger side para kay Yvone. Sa kabila ng tahimik nilang biyahe, magaan ang kilos ni Lucian—tila sanay na sanay nang gawin ito para kay Yvone.
"Thank you," mahinang sabi ni Yvone habang bumababa ng sasakyan. Tumingin siya kay Lucian at bahagyang ngumiti, pero agad ding nanigas ang ekspresyon niya.
"Lucian, please… don’t forget your boundaries. Huwag mong kalimutang may limitasyon ka. May usapan tayo, tandaan mo ‘yon."
Tumigil si Lucian, hawak pa ang pinto, saka siya tumingin kay Yvone nang seryoso. Saglit siyang natahimik, bago sumagot.
"Alam ko ang limitasyon, Yvone... pero hindi ko kayang sundin ’yon."
Napakunot ang noo ni Yvone. "Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit ng bahagya si Lucian. Bahagyang yumuko para mas matitigan si Yvone sa mata.
"Every time na nakikita ko ‘yung mga hickies sa katawan mo, naiirita ako. Hindi mo alam kung gaano ko gustong burahin ang mga ‘yon gamit ang labi ko."
Nanlaki ang mata ni Yvone. "Lucian!" bulalas niya, kasabay ng pag-pula ng pisngi. Mabilis siyang tumingin sa paligid, baka may nakarinig.
Pero si Lucian, hindi natinag. Ngumiti siya—yung tipong nakakainis na confident smile niya—at sumagot pa, mas mahinang boses pero punong-puno ng intensity:
"Sorry, Yvone. I know I shouldn’t feel this way... pero ang hirap pigilan lalo na kapag ikaw ang laging kasama ko. Lalo na kapag ganito ka kalapit."
Hinawakan ni Lucian ang pinto ng kotse at marahang isinara ito, saka sumandal ng bahagya habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Kaya kung gusto mong hindi ako lumagpas sa limitasyon… huwag kang masyadong lalapit. Kasi sa tuwing napapalapit ka… gusto kitang angkinin."
"Lucian, stop it," mahinang sabi ni Yvone, pero hindi na niya magawang tumingin nang diretso sa lalaki. Pakiramdam niya ay nabibingi siya sa bilis ng t***k ng puso niya.
Ngumiti lang si Lucian. "Don’t worry, susundin ko pa rin ang rules mo—hangga’t kaya ko."
Naglakad na si Yvone papasok sa gate, at naramdaman niyang nakatingin pa rin sa kanya si Lucian. Pinilit niyang ayusin ang emosyon sa mukha, pero hindi niya maikakaila ang gumuguhit na kilig at kaba sa puso niya.
Hindi niya alam kung saan hahantong ang mga paglabag ni Lucian sa ‘limitasyon’—pero ang mas kinatatakutan niya… baka sarili niya ang unang bumitaw sa mga kondisyon.
*****
Pagpasok ni Yvone sa faculty room, halos mapatigil siya sa pinto nang makita kung sino ang nasa loob. Nakatayo roon si Nimfa, naka-cross arm, nakangiti nang pilit — isang ngiting may tinatagong motibo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong agad ni Yvone, malamig ang boses. Kita sa mukha niya ang gulat at bahagyang pagkairita.
Lumingon si Nimfa at ngumiti nang kunwa’y masaya. "Namiss lang kita," mahinahon pero may bahid ng plastik na tono ang sagot nito. "Naisip ko lang dumaan. Curious lang din ako kung anong buhay ang meron ka ngayon bilang... ikaw."
Hindi agad sumagot si Yvone. Tiningnan lang niya si Nimfa mula ulo hanggang paa. Maayos ang ayos nito, parang wala lang—parang walang tatlong taon na basta na lang itong nawala na walang paalam, habang ang mga magulang nila ay halos mamatay sa pag-aalala.
“Hindi mo man lang naisip na ipaalam sa kanila kung nasaan ka?” Tanong ni Yvone, malamig pa rin ang tono. “Tapos ngayon bigla ka na lang susulpot na parang walang nangyari?”
Umiling si Nimfa. “Ayoko lang talagang guluhin sila noon. Pero ngayong okay na ako… naisip ko, baka panahon na para bumalik.”
Tiningnan siya ni Yvone nang diretso. Walang emosyon sa mukha, pero sa loob-loob niya, nagngangalit ang damdamin. Hindi sila tunay na magkapatid. Pinatira lang siya ng mga magulang ni Nimfa sa bahay nila bilang ampun, pero sa lahat ng pagkakataon, pinaramdam sa kanya ni Nimfa na siya ang “labas.”
"Well, welcome back, I guess. Kung yan lang ang sadya mo, tapos ka na siguro," matigas na saad ni Yvone. Wala siyang gana makipagplastikan.
Tumawa si Nimfa ng mahina. “Grabe ka naman. Hindi ka pa rin pala marunong tumanggap ng bisita.”
“Hindi kasi ako sanay sa bisitang bigla na lang nawawala, tapos babalik na parang walang nangyari,” sarkastikong tugon ni Yvone habang inaayos ang mga gamit sa table niya. Hindi niya na ito tinapunan pa ng tingin.
Tahimik si Nimfa sandali, pero nakita ni Yvone sa gilid ng mata niya ang unti-unting pagtingkad ng ngisi ng babae.
“Don’t worry, Yvone. Hindi na ako aalis. This time... I’m staying. And I’m sure, we’ll be seeing a lot of each other.” Matamis ang ngiti ni Nimfa pero malamig, may banta.
Hindi sumagot si Yvone. Wala siyang balak makipagtalo — hindi ngayon, hindi sa eskwelahan, at lalong hindi sa taong unti-unti niyang nararamdaman na magiging kalaban niya.
******
Matapos ang maghapong pagtuturo, lumabas na ng school gate si Yvone. Pagkalapit niya sa waiting area, agad niyang nakita si Tonya na nakatayo sa lilim, may hawak pang payong at may baong ngiti.
"Yvone!" Masayang tawag ni Tonya, sabay yakap sa kaibigan.
Natawa si Yvone. "Grabe ka, para kang si mama kung makayakap."
"Aba syempre! Miss na miss kita 'teh!" biro pa nito habang kinikilig.
Ngunit ang kasiyahan ay agad naputol nang dumating si Lucian, kararating lang sakay ng itim niyang sasakyan. Nakasalubong niya agad ang eksenang magkayakap sina Tonya at Yvone. Agad nanigas ang panga at kamao ni Lucian. Hindi na siya nag-isip pa.
Lumapit siya, diretso, walang pasintabi—at bigla niyang sinuntok si Tonya.
"Aray ko! Maygad! Bakit mo ako sinuntok?!" sigaw ni Tonya habang napaatras.
"Lucian!" gulat na sigaw ni Yvone, napaatras din sa bilis ng pangyayari.
"What the hell did you just do?!" galit na galit si Yvone, agad niyang sinuri ang pisngi ni Tonya. "Are you okay?"
Hinahaplos ni Tonya ang mukha niya. "Ang sakit! Diyos ko! May bali ba 'to?"
Galit na tumingin si Yvone kay Lucian. "Ano ba problema mo? Sinabi ko na sayo noon pa, huwag mo akong pakialaman. Bakit mo siya sinaktan?!"
Matigas ang tingin ni Lucian. "Diba sinabi ko na sayo? Umiwas ka na sa mga lalaki. Kasal ka na, Yvone! Nakakahiya sa pamilya namin—"
"Nagkakamali ka!" putol ni Yvone sa sinasabi ni Lucian. "Tonya is not a man. He's gay, Lucian. Bakla si Tonya. At matagal ko na siyang kaibigan. Wala siyang ibang intensyon kundi bantayan ako. Ni hindi mo ba narinig yung boses niya?"
Napaatras si Lucian, hawak pa rin ang kamao. Kita sa mukha niya ang gulat, pero mas nangingibabaw ang inis at selos na hindi niya naintindihan.
"Shit..." bulong niya sa sarili.
"Tonya, I’m really sorry," sabi ni Yvone habang nakatingin kay Tonya na hawak pa rin ang pisngi. "Tara na, alis na tayo." Hinila na niya si Lucian papunta sa sasakyan.
Pagpasok nila sa loob ng kotse, tahimik muna si Yvone. Pero hindi siya makatiis.
"Ano ba 'tong pinaggagagawa mo? Sobra ka na Lucian. Sa totoo lang, nakakahiya ka na."
Hindi agad sumagot si Lucian. Nakatingin lang siya sa harap habang hawak ang manibela.
"Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala sa’yo araw-araw? Hindi lang dahil sa kasal ka, kundi dahil sa dami ng gumugulo sa paligid mo. Hindi ko matanggap na baka siya ang may gawa ng mga hickies mo—"
"Stop it!" sigaw ni Yvone. "Yung mga hickies na yan—yes, hindi ko pa rin alam kung kanino talaga galing. But one thing is for sure: hindi si Tonya ang may gawa niyan! At sana, sa lahat ng tao, ikaw yung may konting tiwala sa akin!"
Tahimik si Lucian. Ramdam ni Yvone ang bigat ng tensyon sa loob ng sasakyan.
"Sino ba talaga ako sa’yo, Lucian?" tanong ni Yvone, halos pabulong pero puno ng lungkot. "Araw-araw mo akong binabantayan, sinusundo, pinapakialaman. Pero sa tuwing kailangan kong maintindihan ka, puro tanong lang ang meron ako."
Lucian clenched his jaw. Then, in a soft voice, he replied:
"You’re someone I shouldn’t care about… pero araw-araw, ikaw lang iniisip ko."