C-9

2079 Words
Nasa loob ng silid si Yvone, nakaupo sa gilid ng kama habang hawak-hawak ang cellphone. Ilang ulit na niyang tinitigan ang screen bago pinindot ang pangalan ni Tonya sa contacts list. Ring... ring... "Sagutin mo naman, Tonya," mahinang bulong niya sa sarili. Ilang segundo pa, sumagot din sa wakas ang kaibigan. "Hello, Yvone? Bakit, okay ka lang ba?" tanong ni Tonya mula sa kabilang linya. "Tonya, please. Balikan mo yung hotel. Kailangan kong malaman kung sino ang may-ari ng unit na iyon. Hindi ako matahimik, hindi ko alam kung bakit, pero... I need to know." Napabuntong-hininga si Tonya sa kabilang linya. "Girl, ilang beses na kitang pinagsabihan. Huwag mo na balikan 'yon. Delikado. Baka may makahalata pa. At ano namang sasabihin mo sa front desk? Hahanapin mo yung lalaking nakaniig mo that night? Kaloka ka." "Tonya, please. Kung ayaw mong gawin, fine. Ako na lang ang pupunta." "Wait lang! Ako na lang pupunta sa mansion mo. We’ll talk here, okay? Pero promise me, no more crazy plans today." "Okay. See you." Saglit na natigilan si Yvone pagkatapos ng tawag. Alam niyang ayaw ni Lucian na lumalabas siya ng basta-basta, lalo na kung hindi niya alam. Kailangan niyang magpaalam—pero paano? Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Dahan-dahan siyang bumaba papunta sa hallway, patungo sa maliit na home office ni Lucian. Mula sa labas ng pinto ay naririnig na niya ang tunog ng mga tiklado ng laptop at mahihinang pagbuntong-hininga ni Lucian habang abala sa trabaho. Knock. Knock. Walang sagot. Kumatok ulit siya, mas marahan. Tok. Tok. Sa loob, medyo nairita si Lucian pero agad din itong bumuntong-hininga at binuksan ang pinto. "Yes?" tanong niya habang nakataas ang kilay. Nakasuot siya ng simpleng long sleeves, bahagyang nakabukas ang butones sa leeg. Medyo disheveled ang buhok, halatang busy at stress. "Pwede ba akong lumabas saglit?" tanong ni Yvone habang iwas ang tingin. "Where to?" malamig na tanong ni Lucian. "May pupuntahan lang ako. Saglit lang. Si Tonya kasi may gusto akong itanong sa kanya—" Lucian crossed his arms. "Yvone, you’re not allowed to go anywhere nang hindi mo sinasabi nang maayos. At si Tonya na naman?" Umiling si Yvone. "Wala namang masama, Lucian. I just need to know something. May gusto lang akong kumpirmahin." "Still. Ayoko. I don’t trust that guy." "Lucian, Tonya is gay—how many times do I have to explain that?" Lucian leaned on the doorframe, tinitigan si Yvone mula ulo hanggang paa. "You want to go out, right?" tanong nito, medyo mapang-akit ang tono. "I’ll let you, under one condition." Napakunot-noo si Yvone. "Ano na naman 'yang drama mo?" Lucian smirked. "Kiss me." "What?!" "You heard me. One kiss. Sa lips, not cheek. Otherwise, you're not going anywhere." "Lucian, are you serious?" "Dead serious." Tumayo siya nang diretso at inilapit ang mukha kay Yvone, animo’y nagha-hamon. Napalunok si Yvone. "You’re insane." "And yet, here you are… still living in my house, still letting me drive you to work, and still… letting me care." Napatitig si Yvone sa mga mata niya. Sa kabila ng inis, may halong kaba at init sa dibdib niya. Ayaw niyang umamin pero parte ng sarili niyang… curious rin. At gusto niyang matapos na rin ang diskusyon. Dahan-dahang lumapit si Yvone. "One kiss. That's it." Ngumisi si Lucian. "Fine by me." At sa isang iglap, tumayo si Yvone sa harapan ni Lucian, iniangat ang mukha niya—at dahan-dahang inilapat ang labi sa labi ni Lucian. Soft. Gentle. A little unsure. Ngunit bago pa niya maibalik ang mukha niya, hinawakan ni Lucian ang batok niya at nilalim pa ang halik. "Mmm—Lucian!" Hinila siya ni Yvone palayo, halos pulang-pula ang pisngi. "That wasn’t the deal!" Ngumisi si Lucian. "Sabi ko kiss, hindi ko sinabing hindi pwedeng enjoyin." "Ugh!" Yvone angat ang kilay, galit-galitan, pero hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi. "Go ahead. Umalis ka na. But I’ll know kung may ginawa kang kalokohan," may pagtatakang paalala ni Lucian habang bumalik sa loob ng office. Paglabas ni Yvone ng mansion, napailing siya. "Baliw talaga ang lalaking 'yon… pero bakit parang hindi ko siya matanggihan?" Nang nakapagpaalam na si Yvone kay Lucian, agad siyang lumabas ng gate. Nakasuot siya ng simpleng puting blouse at pantalon, bitbit ang bag habang patingin-tingin sa paligid. Ilang saglit lang ay huminto na sa harap niya ang sasakyan ni Tonya. Bumaba agad si Tonya mula sa driver's seat at sumalubong kay Yvone. "Girl, anong nangyari sa’yo? Bakit parang gusto mong lamunin ang mundo?" tanong nito habang inaalalayan si Yvone pumasok sa passenger seat. "Ugh, don’t ask." Napabuntong-hininga si Yvone at isinandal ang likod sa upuan. "Ganyan ka kapag may something. Spill it." "Lucian made me kiss him para lang payagan akong lumabas. As in sa lips, Tonya! Sa LIPS!" galit-galitang bulong ni Yvone, habang kinukwento ang tagpo. Natawa si Tonya. "E 'di wow! Ang landi rin no’n. Pero... nag-enjoy ka ba?" sabay kindat. "Hindi ‘yon ang issue, Tonya!" sabay hampas niya sa braso nito. "Fine, fine! Let's focus. Papunta na tayo sa hotel, right?" "Yes. Kailangan kong malaman kung sino talaga ang may-ari ng unit na ‘yon. Hindi ako matahimik." Habang tinatahak nila ang daan papunta sa hotel, hindi mawala sa isipan ni Yvone ang halik ni Lucian. Parang may kung anong bumabagabag sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung galit ba siya… o nahihirapan lang tanggihan ang presensya ni Lucian sa buhay niya. --- Pagkarating nila sa hotel, agad silang bumaba ng sasakyan. Nasa labas pa lang sila ng entrance nang mapansin ni Yvone ang isang pamilyar na babae sa lobby. "Wait, Tonya... si... si Nimfa ba ‘yon?" nanlalaki ang mga mata ni Yvone. "Sino?" "Si Nimfa. Yung tunay na anak ng mga kumopkop sa akin." Hindi makapaniwala si Yvone. Bakit nandito si Nimfa? Nagkatinginan sila ni Tonya at sabay napaatras sa isang haligi para makapagtago. Pinagmasdan nilang mabuti ang galaw ni Nimfa sa loob. "What the hell is she doing here?" bulong ni Yvone. "Baka may ka-meet. O baka may tinatago rin siya. Hmm. Dami ring sekreto ni ate girl." sagot ni Tonya habang sinisilip si Nimfa. Nagtagal pa ng ilang minuto ang pagmamatyag nila hanggang sa tuluyang lumabas si Nimfa ng hotel. Agad naman silang kumilos. "Now, Tonya. Let’s go. Sa 17th floor tayo." --- Pag-akyat nila sa 17th floor, parang kinuryente si Yvone sa bawat hakbang. Unti-unti niyang naaalala ang mga nangyari. Ang hallway. Ang kulay ng carpet. Ang amoy ng air freshener. Hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang pintuan. "Tonya... ito ‘yon. I'm sure. Ito yung unit." bulong ni Yvone, nanginginig ang boses. Tahimik lang si Tonya, pero dama niya ang bigat ng emosyon sa kaibigan. "Tara na. Baka mahuli pa tayo dito. Baba tayo, magtanong tayo sa reception." --- Pagdating sa lobby, lumapit si Yvone sa front desk. May isang lalaki roon, mukhang bago. Naka-neck tie at mukhang bata pa. "Hi, excuse me po," malumanay na sabi ni Yvone habang pumuwesto sa harapan ng counter. "I just need to know kung sino ang may-ari ng unit sa 17th floor, Room 1803." Nag-angat ng tingin ang lalaki at bahagyang ngumiti. "Sorry ma’am, we’re not allowed to disclose private information." Napairap si Yvone. "Please naman. Kahit clue lang. Sobrang importante lang talaga. Life and death... ish." pilit niyang ngiti. Umiling lang ang lalaki. "I’m really sorry, ma’am. Confidential po talaga." Biglang napatingin si Tonya kay Yvone. "Girl, gawin mo na yung ginagawa mo kapag gusto mong makuha ang sagot. You know what I mean." Napasinghap si Yvone, pero wala na siyang ibang choice. Bahagyang lumapit siya sa counter, nagpa-cute, at binaba ang boses. "Kuya... sure ka bang wala kang pwedeng sabihin? Kahit name lang? Promise, I won’t tell anyone na galing sayo. Swear." sabay kagat sa labi at pakindat. Kinabahan ang lalaking receptionist. Tumikhim siya at napalunok. "Uh... okay. Pero please, huwag n’yong sabihin na ako ang nagsabi ah." "Of course!" mabilis na sagot ni Yvone. Lumapit ang lalaki at bumulong. "Lucian Ferros. Siya po ang may-ari ng unit." "What?" Nanginginig ang labi ni Yvone. Nanlamig ang buong katawan niya. Napatitig siya kay Tonya na tila wala rin sa sarili. "Lucian… si Lucian ang may-ari?!" Hindi siya makapagsalita. Parang bumalik sa kanya ang lahat. Ang halik. Ang init ng katawan. Ang pamilyar na amoy. "Oh my God… si Lucian ang lalaking naka-one night stand ko?!" **** "Anong gagawin ko, Tonya?" Nanginginig ang boses ni Yvone habang nakatayo sa gilid ng hallway sa hotel, hawak-hawak ang kanyang bag na parang gusto na lang niyang takasan ang buong mundo. "At sa lahat ng tao... sa pinsan pa ni Apollo? Hindi pwede ‘to! Hindi talaga pwede! Natatakot akong malaman ni Apollo... at lalo na ng pamilya nila!" patuloy ni Yvone, halos mangiyak-ngiyak na. Hindi niya alam kung paano haharapin ang biglaang rebelasyon na si Lucian—ang lalaking may-ari ng unit kung saan sila nagka-one-night stand—ay kapamilya mismo ng kanyang asawa. Tahimik si Tonya habang pinapanood ang kaibigan. Nakita niyang nanginginig ang mga daliri nito habang inaayos ang pagkakahawak sa bag. "Yvone... I know this is hard, okay? Pero dapat mong harapin ‘to. Hindi pwedeng habambuhay kang mabubuhay sa guilt. Kung si Lucian talaga yung lalaki... at kung totoo ngang may nararamdaman na siya sayo, then maybe... it’s time to make a choice." "I want to divorce Apollo, Tonya. Ayoko nang magpanggap. Hindi kakayanin ng konsensiya ko na magpatuloy pa habang may tinatago akong ganito kay Apollo." Hinilot ni Yvone ang sentido niya habang pinipigilan ang mga luha. "Yvone, think about this carefully, okay? Alam kong sobrang gulo ng sitwasyon, pero wag kang magdesisyon nang padalos-dalos. Kausapin mo si Atty. Rivas kung gusto mo talaga ng annulment or divorce. Pero wag mong ubusin ang sarili mo sa guilt. Hindi mo sinadya ang nangyari." "Tonya..." Mahinang tawag ni Yvone, humawak siya sa balikat ng kaibigan. "Salamat talaga. Ikaw lang ‘yung naiintindihan ako ngayon." Bigla namang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway, at may pabagsak na yabag na lumapit sa kanila. "Well, well, well... ano ‘to?!" mataray na boses ang biglang sumira sa katahimikan. Pareho silang napalingon—at napatayo si Yvone nang tuwid. "Nimfa..." Nakatayo si Nimfa sa harapan nila, nakasuot ng designer dress, may hawak pang mamahaling clutch bag, at nakataas ang isang kilay habang sinusuri si Yvone mula ulo hanggang paa. "What are you doing here sa hotel na ‘to, ha? May kinikita ka bang lalaki mo rito, Yvone?!" "Nimfa, hindi mo naiintindihan." pilit na paliwanag ni Yvone, pero bago pa siya makapagsalita nang tuluyan— "Aba, hindi ko talaga maintindihan. Pero ang alam ko, kasal ka kay Apollo. At ngayon, nandito ka sa hotel na ‘to... kasama ang baklang ‘yan?" sabay irap ni Nimfa kay Tonya. "Excuse me? Bakla ako, pero hindi ako kabit!" irap ni Tonya habang tinataasan din ito ng kilay. "Magkikita pa tayo sa bahay, Yvone. Isusumbong kita sa magulang natin. Malalaman nila kung anong klaseng asawa ka. Wala kang respeto!" galit na saad ni Nimfa habang papalapit pa ito kay Yvone. "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan!" balik ni Yvone. "Sino ang bigla na lang nawala ng tatlong taon at iniwan ang mga magulang? Hindi nga alam kung nasaan ka, tapos ngayon—bumalik ka na parang walang nangyari?" "Walang kinalaman ‘yon! At least hindi ako pumupuslit sa hotel para makipaglandian!" "Hoy, kung ‘landian’ lang ang basehan, ikaw ang unang-unang masusumbong!" singit ni Tonya, hindi na mapigilan. "Tama na ‘to," mariing bulong ni Yvone habang pinipigilan ang sarili. "Kung gusto mong magsumbong, go ahead. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang sarili ko sayo, Nimfa. At kung totoo man ang sinasabi mong kapatid kita, sana man lang may konting respeto ka rin." "Hmm. Sige, maghanda ka. Malalaman din ni Apollo ang ginagawa mo." Sabay talikod ni Nimfa, at lumakad paalis habang pinapalaki ang hakbang na parang runway model. Pagkaalis ni Nimfa ay napahinga ng malalim si Yvone. "That b*tch," ani Tonya. "Bakit ba ang plastic ng babaeng ‘yan? Sobrang fake, grabe!" "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Tonya... parang gusto ko na lang lumubog sa lupa." Mahinang sabi ni Yvone habang pinipigilan ang luha. "Hindi ka mag-isa, okay? I'm here. At kahit anong mangyari, may karapatan kang piliin ang kaligayahan mo." Tahimik na silang lumabas ng hotel. Parehong mabigat ang pakiramdam, pero isang bagay ang sigurado si Yvone — hindi na niya kayang magkunwaring walang nangyari. Dahil ang totoo, nabubuhay siya sa kasinungalingan, at unti-unti na siyang nasasakal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD