ISANG MALAKAS na pagbangga sa likuran ng sasakyan ni Patricia ang nagpatigil sa kanyang pagmamaneho. Mabuti na lang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi ay baka napasubsob na siya sa unahan ng kotse. Ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Hindi niya malaman ang gagawin pero naging alerto siya. Hindi siya kaagad bumaba ng sasakyan at muli niya iyong pinaandar. Sinundan iyon ng isa pag pagbangga. Labis na ang kanyang takot. Hindi aksidente ang kanyang kinakaharap ngayon kundi sinasadya na talagang patayin siya. Siniguro niyang nakalock ang kanyang kotse at mabilis na pinaharurot iyon. Takot na takot siya. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot pero kailangan niyang maging alerto kung ayaw niyang mamatay. Inabot niya ang kanyang bag upang hanapin ang kanyang cellphone. Nakatingin pa r

