MAGTIYAGANG naghintay si Drew sa labas ng school ni Sam. Nasasabik na siyang makita ang kanyang anak. Tulad ng pagkamiss niya kay Becca ay ganoon din ang nararamdaman niya sa anak. Labasan na ng mga studyante at nakita niyang papalabas si Sam. Lalapitan niya sana ito nang makita niyang palabas ng sasakyan si Becca upang sunduin si Sam. Sa halip na umiwas ay nilapitan niya ang mga ito na akala mo ay may susunduin ring studyante. Tumikhim muna siya at huminga ng malalim. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Nang malaman niya nga na ikinasal na ito kay Hunter ay kulang nalang ay magpakamatay siya. Hindi niya iyon matanggap. Si Becca lang kasi ang kanyang buhay. Ang kanyang minamahal. "Hi," bati niya kay Becca na bahagyang nilaliman ang boses upang hindi nito mahalata. Napatingin sa kanya ang

