“ANONG GINAGAWA mo rito?” tanong niya kay Ashley. Bahagya man itong nag matured ay napakaganda pa rin ng babae. Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng t***k ng kanyang puso kahit na pitong taon na ang nakalipas. “Ano ba ang ginagawa ng isang doctor?” pauyam na sagot sa kanya ni Ashley kaya napahiya siya. “Anong akala mo ikaw ang sinadya ko rito?” nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Ashley. Simula nang maghiwalay sila ay hindi na muling nagtagpo ang kanilang mga landas. “I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin. “Doctor ka na pala,” tanging nasabi niya. “Matagal na. Sige na aalis na ako at hinihintay ako ng fiancee ko,” sagot pa nitong idiniin ang salitang fiancee. “Ikakasal ka na?” tanong niyang nakaramdam ng panghihinayang. “Malapit na,” sagot pa ni Ashley na tila walang

