“Breathe out, breathe in, tell me where do I start again.”
-December Avenue, Forever
Rayne.
Dad wants us to leave by tomorrow but I asked them not to, at sa susunod na araw na lang umalis dahil gusto ko pa nga makausap si Cain. Matatanggap ko pa kasi kung sa ibang school siya mag-aaral pero yung papasok siya sa seminary hindi ko ata ‘yon kayang tanggapin. Ayaw ko, ayaw kong gustuhin niya ang bagay na ‘yon. Oo selfish nga siguro ako, dahil pinagdadamot ko siya where in fact tama naman talaga ang gusto niya at yon ay ang maglingkod kay lord. Pero hindi ko kasi kayang tanggapin ‘yon, sobrang mahal ko siya.
I didn’t get enough sleep later that night, actually I’m not sure kung natulog ba ako o hindi. But I wished na sana panaginip lang ang nangyari, at hindi totoo na gusto niya akong talikuran. Pagsapit ng umaga hindi ako lumabas sa kwarto para kumain, ayokong makita nila na maga ang mata ko, at bangag ang itsura ko dahil sa wala akong tulog, at umiyak ako magdamag.
Kinakatok nila ako sa kwarto pero hindi ko sila pinagbubuksan, hanggang sa natauhan ako nang sabihin ni Dad na mamayang gabi ang alis namin para mabilis ang biyahe. Hinintay ko na dumating si Cain para magpaalam sa akin sa huling pagkakataon pero alas singko na ng hapon wala pa rin siya. That’s when I decided to go to their house gamit ang bike ko.
Nanghihina man dahil sa lungkot, hilo, at gutom ay pinilit ko i-pedal ang bike para makapunta sa kanila. Medyo malayo nga lang dahil sa susunod na camp pa sila nakatira, isa pa ay mahirap I-bike yung daan dahil bundok, at pataas ang bayan ng San Juan. Pero sabi nga nila, kung mahal mo gagawin mo lahat. Yung adrenaline rush lang ang naramdaman ko habang nagbabike ako papunta sa camp nila Cain, natatakot kasi ako na baka hindi ko siya maabutan, baka magdesisyon ang mga magulang niya na ngayon na umalis, at hindi ko na siya makita pa.
Halos sumubsob ako sa lupa sa lakas ng pagpreno ng marating ko ang gate ng bahay nila, Nanghihina na rin kasi talaga ako, at hinihingal pa. Pakiramdam ko magbablackout ako.
“Cain!” Piyok ang sigaw ko, at magaspang. Halos paos na rin. “Cain! Kausapin mo ako please!”
Nagsimula nanaman akong umiyak. Lumapit si Ate Delia isa sa mga kasambahay nila Cain,”Rayne! Jusko kang bata ka! Anong ginagawa mo dito?” Mababakas sa boses niya ang pag-aalala, at pagkagulat. “Alam mo namang bawal ka pumunta rito.”
“Ate, si Cain? Nandyan ba siya? Nandyan pa ba siya?” Sabi ko habang nagpupunas ng luha.
“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganyan ang itsura mo?” Tanong niya pero hindi ‘yon pinansin.
“Ate si Cain kailangan ko siya makausap. Please lang.” Patuloy lang ako sa pagpupunas ng luha, “Cain! Lumabas ka dyan! Alam kong nandyan ka pa! Kausapin mo ako!”
Nakita kong lumabas si Tito Lance, at lakad takbo siyang pumunta sa gate para pagbuksan ako.
“Tito si Cain? Nandyan pa ba siya? Nandyan pa siya ‘di ba?” Wala akong pake kung magmukha akong baliw sa mata ng mga kapit-bahay nila. “Cain!”
“Umalis na sila, Rayne. Hali ka na, ihahatid na kita sa inyo pauwi.” Sabi ni Tito Lance habang hinihila ako.
Sunod na lumabas ang mga magulang ni Cain nabuhayan ako ng loob dahil hindi pa sila nakakaalis, kahit na masama ang tingin nila sa akin masaya ako kasi may possibilty na makikita ko pa si Cain.
“Cain! Kausapin mo ako alam kong nandyan ka!” Sigaw ko.
“Hindi ba’t sinabi ko ng hindi kayo pwede ng anak ko?” Galit na bungad ni Tito Simon sa akin. “Wala na siya rito.”
“Tito please, ‘wag niyo siya ipasok sa seminary.” Hinigit ko ang damit ni Tito Simon galit niya namang tinanggal ang mga kamay ko sa damit niya.
“Ito ang kagustuhan ni Cain, ‘wag mo ng guluhin ang anak ko.” Duro niya sa akin.
Lumapit ako kay Tita Jane naaawa man siya sa kalagayan ko ay wala rin siyang nagawa.
Ngunit lumakas ang kabog ng dibdib ko nang lumabas si Cain patakbo akong lumapit sa kanya, halos madapa ako. Sinubukan akong pigilan ni Tito Lance pero wala siyang nagawa nang tuluyan kong malapitan si Cain.
Niyakap ko siya ng mahigpit naramdaman kong niyakap niya rin ako.
“Cain alam kong ayaw mo pumasok doon.” hagulgol kong sabi. Hindi ko alam sumabog na lang lahat ng emosyon ko nang yakapin ko si Cain.
Umiling-iling siya, “Ginusto ko ang desisyon na ‘yon, Rayne.”
Umiling-iling ako.
“Paano yung mga pangako mo sa akin?” desperado kong tanong.
“Kalimutan mo na ang mga ‘yon. Hindi na pwede, Rayne.” Nagupo ako sa sinabi niya.
Puro hikbi na lang naririnig ko sa sarili ko.
“Kung ganon, magmamadre na lang din ako! Cain.” Alam kong kabaliwan ang bagay na naisip ko.
“Sa tingin mo ba kapag ginawa mo ang bagay na ‘yan magiging pwede tayo? Hindi ganon ‘yon Rayne.” Inis na sabi ni Cain.
“Don’t do this Cain. I wanna be with you someday.” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Lumapit si Tito Simon sa amin, at inilayo si Cain sa akin.
“Lance ilabas mo na ang babaeng ‘yan rito. The show must end, masyado ng nakakahiya sa mga kapit-bahay!” Galit na sabi ni Tito Simon.
“Huwag na huwag ka ng babalik rito!” hirit pa niya.
“Cain, please.” Piyok, at basag na basag ang boses ko. Ramdam ko ang panunuyot ng lalamunan ko.
Hinila na ako ni Tito Lance papunta sa kotse niya nang tuluyan ng tumalikod si Cain.
“Alam mo namang mainit ang dugo sa’yo ng papa ni Cain bakit nagpunta ka pa roon.” Sabi ni Tito Lance habang nagmamaneho.
May mga sinasabi pa si Tito Lance pero hindi ko na iniintindi pa. Basta ang alam ko lang sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon physically, and emotionally.
Sermon ang inabot ko kay Mom, at Dad nang malaman nila na umalis ako sa bahay ng hindi nagpapaalam, at nag-iskandalo pa ako doon sa bahay nila Cain. But Tita Rose comforted me, siya lang naman kasi ang nakakaintindi sa akin, at alam niya kung ano ang mga pinag-daanan namin ni Cain for two years. Saksi siya kung gaano ko kamahal si Cain.
Hindi ako kinukunsinti ni Tita o hinahayaan na makipagcommit sa mga lalaki dahil si Cain lang ang tanging nagustuhan ko sa lahat ng mga nagbalak na manligaw sa akin, pinayagan niya ako dahil nasa tamang edad na ako, at alam niya kung gaano kabuting lalaki si Cain ganoon rin naman si Tito Lance. Kahit na hindi kami officially ni Cain alam niya kung gaano namin kagusto ang isa’t-isa.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nahihirapan ako umalis sa San Juan. Tita Rose knew me better than Mom, and Dad did. Mas kabisado ni Tita Rose kung ano ang nararamdaman ko emotionally, mentally, and even physically. Mahirap para sa akin na mahiwalay kay Tita Rose, at magsimula ng panibagong buhay sa Santa Monica.
Pumunta pa sila Mom at Dad sa bahay nila Cain para humingi ng dispensa sa ginawa kong eksena and then we went off to Santa Monica later that night. Bumagsak na rin ang katawan ko sa biyahe dahil sa pagod kakaiyak magdamag, at maghapon. Dahil na rin sa gutom, at wala pa akong tulog.
Bandang alas-sais ng umaga tumigil kami sa isang gasoline station na may kainan. Ginising ako ni Mom, at Dad para doon na raw kami mag-almusal dahil ilalakad nila ulit yung mga papeles ni Mom ngayong umaga, babalik na siya ulit sa UK next next week. Hindi raw nila maasikaso ang almusal ngayong umaga kaya convenient kung dito na lang kami kakain.
Sana hindi na lang nila ako ginising, mas maganda kasi ang pakiramdam kapag tulog. At least kapag tulog ako kasama ko pa rin doon si Cain.
Nauna na kami ni Mom na pumasok sa fast food dahil nagpagasolina pa si Dad. Inutusan ako ni Mom na humanap ng mauupuan, at siya na lang daw ang oorder sa counter.
Santa Monica is a busy city. Marami na agad tao sa fast food kahit na nasa gasoline station lang ito, at wala pa sa main city. Wala sa wisyo na umupo ako sa upuan malapit sa counter para mahanap ako agad ni Mom. Para makakain, at makauwi na. Gusto ko na matulog ulit.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ng isang lalaki, “Excuse me miss.” Aniya sa malambot na tono, Paminta.May hawak siyang tray, at may laman itong pagkain na pang-almusal.
“Po?” Sabi ko habang kinukusot ang mata.
“Upuan namin yan.” Sabi niya habang ngumunguso sa backpack na nasa tabi ko.
Nanlaki naman ang mata ko ng makitang meron ngang backpack sa tabi ko. Tumayo ako agad, “Sorry, di ko kasi napansin. Pero wala akong kinukuha dyan, promise.” Pagtatanggol ko sa sarili ko kahit na wala pa siyang sinasabi. “Sorry ulit.”
He seems so familiar though. Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang pangalan ko mula sa lalaking kumausap sa akin.
“Rayne?” Tawag niya. Napatigil ako nang marealize na-