CHAPTER 1
“Pangangamba, dapat bang isipin? Walang hanggan asahan mo na.”
-South Border, Kahit Kailan
Everything in my life is right not until I decided to spend my summer days in Santa Monica.
Rayne.
“So what’s the plan?” Tita asked. Marahan kong inamoy ang bulaklak na bigay ni Tita Rose sa akin, I sighed.
“I literally have no idea, Tita.” Di talaga ako sigurado sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko sa buhay ko, “But thank you sa flowers.”
“Oh! Here they are!” Excited na sabi ni Tita nang makita niya ang sasakyan na hindi pamilyar sa akin.
Mula roon ay bumaba ang dalawang tao na hindi ko inaasahang dadalo ngayong araw, naalala nila.
`“Sweetheart!” Sigaw ni Mom nang makalapit siya sa akin bago ako binigyan ng mahigpit na yakap, at matamis na halik sa pisngi. “How are you doing? Congratulations! I love you!”
“Love you too.” Tipid na sagot ko. Sunod namang nagyakapan si Mom, at Tita Rose.
“Congratulations, sweetie.” Bati ni Dad sa akin.
“Thanks, Dad.” Sagot ko.
Tumingin-tingin si Dad sa paligid, at nagtanong, “So where’s the boyfriend?” Dad’s thing as always.
“Dad wala akong boyfriend!” Asar na sabi ko.
Tinignan niya naman ako na parang nagdududa. I just gave him a seriously look. Tumawa naman siya.
“Mabuti na ang sigurado.” Sabi niya.
Umiling-iling na lang ako.
We sat when the ceremony started. Nakita ko yung proud sa mga mata nila Mom at Dad nung umakyat na ako sa stage para kunin ang diploma ko. I made it! Alam ko na mas mahirap ang pagdadaanan ko sa college but for now proud ako dahil nairaos ko ang senior.
Nagpaalam rin ako sa iilan kong mga naging kaibigan dito sa San Juan High, konti lang naman sila most of them were my classmates.
Pagkatapos ng ceremony dumiretso kami sa bahay. Sa totoo lang bahay talaga ‘to ni Tita Rose kung saan ako nakatira ngayon. Si Tita Rose kasi ang nagpalaki sa akin, dahil matagal nagtrabaho si Mom overseas, si Dad naman nasa military kaya wala silang time na alagaan kami ni Kuya Friar. Paminsan-minsan ay pumapasyal kami sa Santa Monica noong 6 pa ako para magbakasyon. Sabay kami ni Kuya na lumaki dito pero nung nagseventh grade na siya lumipat na siya sa Santa Monica kung saan talaga kami nakatira. And yes, I was a bit shocked when they showed today. Medyo sanay na kasi ako na si Tita Rose ang umaattend sa mga recognition, at completion ko.
“Congratulations! Sabi ko sayo magagawa mo.” Inabot ko ang high five na hinihintay ni Tito Lance, boyfriend ni Tita Rose.
“Thanks Tito.” Masayang sabi ko. He’s the funny guy. Bet na bet ko siya para kay Tita Rose dahil alam kong mabait siyang tao.
Wala naman bisita pero mayroon pa rin konting salu-salo na naganap kahit kami-kami lang.
Habang nakaupo sa kama ay nagring ang phone ko, si Kuya.
“ Hey! I miss you! Hinihintay kita rito.” Sabi ni Kuya habang kausap ko siya sa video call.
Medyo nagbago na ang features niya. Kung hindi ko siya kuya baka ma-in-love pa ako sa kanya. Third year college na pala siya, jowain niyo na Engineer fresh na fresh. Sana all magaling sa math.
“bakit hindi ka pumunta rito?” patampo kong tanong.
“Di pa tapos finals namin, marami pa akong hinahabol.” sabi niya.
“Charr lang! Alam ko naman busy ka.’ sabi ko.
“So are you planning to study here?” tanong niya.
Hindi ako nakasagot agad. I can’t leave Tita Rose.
“Si Tita wala siyang makakasama rito sa bahay. I can’t leave her alone, and besides I can’t leave her just like that.” I said.
“What about her boyfriend?” Come on Ray, stop being a c**k-blocker!” Natatawang sabi ni Kuya.
Naramdaman kong uminit ang mukha ko, at para akong sinampal ng katotohana. Hindi kaya hinihintay lang ako ni Tita na umalis dito sa bahay para meron na silang private space ni Tito Lance?
Tinakpan ko ang mukha ko. s**t! Am I really a c**k-blocker?
“You know, give ‘em some time! Dito ka na mag-aral next school year, okay?” He’s right. Shame on me.
“Okay, I’ll think about it.” sabi ko.
“Sige, I’ll have to go na. May klase pa ako, at pag-isipan mo ng maigi ang sinabi ko.” I nodded as a response. “Congratulations! Bye, love you!” He’s sweet as always.
“Love you too.” Sagot ko bago ko pinatay ang tawag.
Nang makapagpalit ako ng damit ay bumaba na ako, at naabutan ko si Tita, at Mom na abala sa kusina habang si Dad naman ay nasa labas nakaupo kaharap ang whisky, at roasted beef na pulutan.
Bakit hindi niya kainuman si Tito Lance?
“ Where’s Tito?’” I asked.
“Umalis ang Tito Lance mo. May bagong pakulo ata para sa Tita Rose mo.”Sabi ni Dad nang sabay kaming mapatingin sa sasakyan ni Tito na kadarating lang.
Mula rito ay bumaba si Tito Lance kasama ang lalaking kanina ko pa hinihintay.
“Cain!” Sigaw ko habang patakbo na lumapit sa kanya.
“Sorry late ako, hindi ako nakahabol sa graduation mo.” Sabi niya sabay abot ng bouquet sa akin. “Katatapos lang din kasi ng sa amin.”
Yep, graduation niya rin ngayon. Magkaiba ang school namin sa Catholic School kasi siya nag-aaral.
“Salamat.” Nahihiya kong sabi.
Narinig kong nagclear-throat si Dad kaya naman napatingin ako agad sa kanya, at matalim ang tingin niya sa amin lalo na kay Cain.
Inaya ko naman si Cain na lumapit kay Dad para ipakilala.
“Akala ko ba wala ka pang boyfriend?” Kunot-noo na sabi ni Dad.
Napatingin naman ako bigla kay Dad.Tumawa naman si Tito Lance sa narinig.
Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Cain, at panginginig dahil siguro sa presence ni Dad.
“Dad hindi ko siya boyfriend!” Totoo naman hindi ko siya boyfriend.
“Cain, hindi ba’t Cain ang pangalan mo?” tanong ni Dad.
Nanginginig na sumagot si Cain, “O-opo, Cain po.” Pabalik-balik ang tingin niya sa akin, at kay Dad.
Nagsalin si Dad ng whisky sa Shotting Glass.
“Bago mo ligawan ang anak ko dapat lalaking-lalaki ka.” Seryosong alok ni Dad kay Cain habang inaabot ang shotting glass, “Shot mo.”
Alam kong sinusubukan lang ni Dad si Cain pero ang totoo ay ayaw niyang nakakakita ng mga bata na umiinom ng alak. I mean young adults nowadays are normalizing being drunk. Pag high, o lasing ka cool ka. Alam ko ang bagay na ‘yan dahil siya ang nagdisiplina kay Kuya nung nasa high school pa siya. Kahit nasa military siya hindi siya nagkukulang sa pagpapayo, at pangangaral sa amin. At alam ko na kapag tinanggap ni Cain ang alok niya ay aayaw siya kay Cain.
Agad na umiling si Cain, “Sorry to be rude po, Mr. Evans. Pero hindi po ako umiinom ng alak.” Magalang na pagtanggi ni cain.
Nakita ko na ngumisi si Dad, “Sige na isang tagay lang, hijo.”, muling alok ni Dad.
“Nako hindi po talaga ako umiinom, sorry po.” Pagtanggi ni Cain.
‘Yan tama ‘yan Cain. Magpakitang-gilas ka sa future biyenan mo. I know Cain will resist. He’s not that type of man, and one thing he came from a very religious family.
Ibinaba ni Dad ang baso, “You impressed me, hindi lahat ng lalaki ay kayang tumanggi sa tatay ng babaeng gusto nila.” Genuine na sabi ni Dad.
Napatingin ako kay Cain na sobrang namumula na, at hindi makatingin sa akin.
“Thank you po, Mr. Evans.” Sabi ni Cain.
“Feel free to call me Tito.” Sabi ni Dad. This time ako naman ang namula.
“Thank you po, Tito.” Nakangiting sabi ni Cain.
Bakit alam ni Dad na may gusto si Cain sa akin? Maybe he’s old enough to read young boys’ mind?
But seriously umamin si Cain na gusto niya ako. Well, gusto ko rin siya but we’re not dating. Hindi ko alam kung hindi lang ba talaga siya marunong manligaw? O takot siya na baka mareject siya? O hindi lang talaga siya ready for commitment?
“Tara sa loob, pakilala kita kay Mom.” Nakita ko pang nag-bow si Cain kay Dad bago sumunod sa akin papunta sa loob ng bahay.
Sobrang magalang talaga ,tong si Cain. Laking simbahan kasi, tapos sobrang relihiyoso ang mga magulang. Nagvovolunteer din siya sa simbahan kapag freetime niya, o kaya kapag weekend. Nagsisimba rin kami tuwing Sunday. Kung hindi ko siya kilala iisipin ko na sakristan siya. Tuwing may event kasi lagi siyang nasa simbahan, and guess what? Ang mga kakwentuhan niya doon ay mga sakristan, at mga pari.
Tinatanong nga nila si Cain kung bakit ayaw niya na lang pumasok sa seminaryo, ang sagot niya, “Hindi po Fr. Eliseo, may babae po akong gustong pakasalan.” Simpleng sabi niya noon sabay tingin sa akin
Napapangiti ako kapag naaalala ko ang araw na ‘yon. Simple lang si Cain, yung tipong kaya ka niyang pakiligin gamit ang bible verses.
Actually hindi ako tanggap ng pamilya ni Cain, sa pamilya ko lang kami open. Gusto kasi talaga nila na pumasok si Cain ng seminaryo. Sa palagay ko ay iyon ang dahilan kaya ayaw rin ako ligawan ni Cain dahil ayaw niya akong umasa sa wala, at ayaw niyang suwayin ang mga magulang niya.
Nasasaktan ako kapag naiisip ko ang bagay na ‘yon pero who knows ‘di ba? Malay mo mag-iba ang ihip ng hangin, at umayon ang tadhana para sa amin ni Cain.
Sabi ni Cain gusto niya raw ako pakasalan, at ‘yon ang pinanghahawakan ko.
Isa si cain sa mga dahilan kung bakit ayaw kong umalis dito sa San Juan, kaya nagdadalawang-isip talaga ako kung sa Santa Monica ba ako mag-aaral o mananatili ako dito sa San Juan.
Pinakilala ko si Cain kay Mom, at iniwan muna siya doon habang chinichika pa siya ni Mom. Inilagay ko muna sa vase ang mga bulaklak na ibinigay niya, at ni Tita Rose.
“Ray, would you mind if I’ll talk to you for a second?” Seryosong tanong ni Tito Lance.
KInabahan naman ako dahil hindi ko pa siya nakita na sobrang seryoso.
“Yes, tito.” Kalmado kong sabi.
He showed me a cute little blue box. Nanlaki ang mata ko ng marealize kung ano ‘yon.
“Tingin mo ba oo ang isasagot ng Tita Rose mo?” Kabadong tanong ni Tito Lance.
“For real? Ngayon ka magpropropose, Tito?” Tanong ko habang nakatakip ang bibig, I gasped. For sure it’s yes! She’s madly into you!”
Ngumiti siya, “Talaga?” Tanong niya ulit.
Tumango ako,
“Thank you, Ray. Confident na ako ngayon.” Pagpapasalamat niya sa akin.
I bit my lip knowing I really need to leave this place now to give them some privacy. Sa Canada kasi talaga nakatira si Tito Lance, at nakikitira siya pansamantala sa kapatid niya which is Dad ni Cain. And yes kaya ko rin nakikila si Cain ay dahil kay Tito Lance. Of course I am happy for Tito, and Tita but the fact that I have to leave San Juan tears me apart.