CHAPTER 2

1606 Words
“Tell me, what’s the secret that you’ve been hiding?” -Westlife, Fool Again   Rayne.   “Bakit malungkot ka?” Tanong ni Cain. I didn’t give him a look. I’m leaving soon, Cain. Umiling-iling ako, “Ang moody mo talaga. Nga pala, Did Tito Lance said it to you already?” Tanong niya ulit. I bet he’s talking about the proposal, so I nodded. He gently pulled me towards their car. BInuksan ni cain ang back door, at naroon ang isang orange roses na paboritong bulaklak ni Tita Rose, a red banner, and three orange balloons. “Tito Lance asked me to asked to give him a lil bit of help for his proposal. What do you think?” Tanong niya. Ngumit ako, at sandali na nalimutan ang problema na iniisip ko. I’m happy for them of course kaya naman excited akong sumagot ng oo. Muli kaming bumalik sa loob ng bahay para kumain, a lot of talking happened while eating. Naramdaman kong kabado di Cain noong kinakausap na siya ng mga magulang ko but I held his hand under the table to keep him relax. After that, the most awaited event happened when Tito Lance started to clang the glass with a fork. “Maari niyo bang pansini ang nagpapapansin.” Pabirong sabi ni Tito Lance. “Thank you.” Mom and Dad looked at him with confused eyes. “First of all congratulations sa princess namin ni Rose, Rayne. Good luck sa iyong next journey which is college life. Keep up the good work, and always remember na nandito lang kami ng Tita Rose mo, at ng parents mo pati na si Cain para sa’yo.” Panimula ni Tito Lance. “Alam mong anak na rin ang turing namin sa’yo ng Tita mo kaya sobrang masaya kami para sa’yo.” “Thank you, tito.” I mouthed with a flying kiss. Napatingin ako kay Cain na parang hindi masaya, parang may gumugulo sa kanya. Hindi ko naman gustong sirain ang moment kaya naisip ko na mamaya na lang siya tanungin. “And I like to take this opportunity to say this to you my beloved.” He said looking at Tita with those heart-shaped eyes. Kumunot naman ang noo ni Tita, dahil hindi siya sanay sa mga ganitong pakulo ni Tito. Ngumisi siya, at intrigued na pinanood si Tito Lance habang nagsasalita. Pinisil ni Cain ang kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumuso siya ng pasimple para ituro ang kwarto kung saan namin pasikretong ipinuslit kanina ang banner, bouquet, at balloons. Those weren’t easy to hide actually, buti nalang sanay si Cain sa pagtatago dahil ginagawa niya yon kapag tumatakas siya sa bahay nila para makipagkita sa akin. “Rose, alam kong hindi ako maeffort na tao, and puro kakengkoyan lang ang naiaambag ko sa’yo tuwing galit ka. Tawa lang, patatawanin lang kita tapos okay na tayo ulit. Right?” Tanong ni Tito Lance kay Tita. Makikita ang pamumula ni Tita Rose, at alam kong hindi yon negative emotions or what. One thing for sure is kinikilig siya ngayon. “I’m glad that you aren’t a materialistic girl, simpleng suyo okay ka na, simpleng date solved na. But I just want you to know that if I could give you any gift, I’d give you love and laughter. A peaceful heart, a special dream and joy forever and after.” This time mababakas na ang pagluluha sa mga mata ni Tita. Dahan-dahan kaming umalis ni Cain sa kinauupuan namin para kunin ang mga props para sa proposal ni Tito. “I have to tell you something later.” Seryosong sabi ni Cain, ilag ang mga mata niya sa akin. Ganyan siya kapag serious matters.Feeling ko hindi maganda ang sasabihin niya dahil sa tagal na namin magkakilala ni Cain kabisado ko na siya kapag ganyan ang inaasal niya. “From this day forward you shall not walk alone. My heart will be your shelter, and my arms will be your forever home. Rose, I know there will be tough times that at some point isa sa atin or maybe both of us are gonna want to get out of this thing. Pero I guarantee that if I don’t ask you to be mine pagsisisihan ko ‘yon habang buhay. Now or never, will you be my Mrs. Sullivan?” Lumuhod si Tito Lance, at binuksan ang box na kanina pa nag-iinit na makalabas sa bulsa niya. Ibinukas ko naman ang hawak kong banner, at mas naiyak si tita nang tuluyan na mag-sync-in sa kanya ang mga nangyayari. She has no words to say, she just noded while crying. Nagpahid ng luha si Mom, masaya siya para sa kapatid niya. Naiyak na rin ako sa magkakahalong emosyon na nararamdaman ko. Dad congratulated both of them, Mom as well. “Thank you sa inyong dalawa. May tig-500 kayo mamaya sa akin hahaha!” Sabi ni Tito Lance sa amin ni Cain. “Ikaw Rayne may alam ka pala rito di mo man lang ako binigyan ng hint.” patampong sabi ni tita Rose. "Surprise!" Nakangiti kong sabi. We congratulated them, and after that we head outside to talk about things between us. Isa pa may importante daw siyang sasabihin. “Kailangan ko ng umuwi dahil malamang hinahanap na ako sa bahay, at isa pa yung sasabihin ko.” Sabi ni Cain habang nakayuko. Napahawak siya sa batok niya, kinakabahan at hindi siya komportable kapag ganyan. “What?” I’m getting impatient, and nervous now. “Hindi ako mag-aaral ng college dito sa San Juan.” Sabi niya. Para akong tinusok nang dahan-dahan sa dibdib nang marinig ko ang sinabi niya. So, mag-stay man ako o hindi dito sa San Juan magkakahiwalay pa rin kami. I tried to hide the stabbing pain by nodding slowly, “Okay.” medyo piyok ang boses ko. “I’m leaving overmorrow, and one thing.” “what?” Tanong ko. Meron pang isa? Ano pa? Kakayanin ko ba yung susunod niyang sasabihin?” “Dad wants me to pursue seminary.” He said with red eyes. “Ano?!” Bigla akong nanginig sa sinabi niya. Yung lungkot, at sakit na nararamdaman ko were suddenly converted to madness. “Seryoso ka ba?!” Hinawakan ko siya sa balikat, at niyugyog. Inaasahan ko na babawiin niya ang sinabi niya pero hindi. Dito na nagsimulang tumulo ang luha ko, gusto kong humagulgol pero maririnig nila. Ayokong sirain ang masayang event na nangyari kani-kanina lang. Nanginginig ang mga tuhod ko, napatakip ako ng bibig. Nakita kong pumatak na rin ang luha ni Cain. “You told me you don’t want to pursue that thing. Pinangako mo sa akin ‘yon Cain.” Galit kong sabi sa kanya habang pinipigilan ang pagsabog ng emosyon ko. “Dad wants me to.” Sabi niya. “Parang kanina lang tinatanong mo ako kung pakakasalan kita in the future tapos ganito ang sasabihin mo ngayon? Na magpapari ka?!” Galit na galit ako. Kinain niya lahat ng ipinangako niya sa akin. Yun pala ang kagustuhan ng tatay niya, bakit hindi yung tatay niya ang magpari? “Kailangan ko na umuwi.” Hirit niya. “Makakasama pa ba kita bukas?” Tanong ko. “Not so sure.” Sabi niya. Lumabas naman sila Tito, at Tita pati sila Mom at Dad. Nagpunas agad ako ng luha. “Cain, let’s go.” Aya ni Tito Lance sa kanya. Hindi niya ako tinignan, magalang naman siyang nagpaalam kay Mom, at Dat pati kay Tita. Napansin naman nila ang pamamaga ng mata ni Cain, at ang matamlay na pananalita nito kaya napatingin sila sa direksyon ko, umiwas naman ako ng tingin at pumasok na sa loob ng bahay. Dad didn’t bother to ask me what’s wrong but Tita and Mom did. I told them what Cain said to me, and that’s when Dad joined the talking. “You know hindi ko man lubos na kilala ang batang ‘yon kahit na kapapakilala mo pa lang siya sa amin I knew it already. Makikita mo sa kanya na hindi siya tipikal na lalaki, desente siya gumalaw, at iba ang pag-galang.” Dad sipped through his glass. “He’s saint-liked.” Di ko matanggap. “Kung ‘yon ang gusto ng ama niya wala kang magagawa doon. Kung para sa’yo ang isang tao babalik ‘yon sa’yo kapag naligaw. Pero mukhang tamang landas naman ang tatahakin niya, at hindi siya pababayaan ng diyos na maligaw sa desisyon na pinili niya. And you better pack your things dahil isasama ka na namin ng Mom mo sa Santa Monica. Your Tito, and Tita need some privacy already.” Seryosong sabi ni Dad. “Kuya ayos lang naman kung dito siya, anak na ang turing namin ni Lance sa kanya. Isa pa malulungkot rin ako sa pag-alis niya syempre mahabang panahon ko siyang nakasama.Pero kung ‘yon ang gusto niyo para sa kanya wala akong magagawa doon.” Malungkot na sabi ni Tita “You know sweetie you can visit here some other time.” Sabi ni Mom. Mas nadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko nang mag-impake ako ng mga gamit ko. I didn’t see it coming, that leaving San Juan is more painful than I thought. Accepting the fact that my man is pursuing theology is the worst way to break my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD