bc

Positive Anyare? Bakit Nagkaganoon?

book_age16+
5.3K
FOLLOW
14.9K
READ
others
sensitive
decisive
confident
comedy
sweet
bxb
virgin
like
intro-logo
Blurb

Gwapo ka, maangas, pinapantasya ng mga kakabaihan at kabaklaan, at higit sa lahat, you can make a straight guy gay only for you.

Pero suddenly, dumating ang isang lalaki sa buhay mo na hindi mo inaasahan babago ng tuluyan sa pagkatao mo.

Napaibig ka niya at binigay mo ang lahat sa kanya,

Ngunit...

Pagkatapos noon ay iniwan ka niya, dahil sa may mga taong pilit kayong pinaghiwalay.

Inakalang niloko mo siya ngunit lahat pala ay kagagawang ng isang taong may malaking galit sayo.

Umalis siya nang walang paalam..

Pero...

Paano kung isang umaga ay magising ka at naduduwal ka?

Paano kung isang araw, napakaselan ng pang-amoy mo at madali kang mahilo?

Paano kung isang araw ay kung anu-ano ang gusto mong kainin?

Paano kung isang araw, matuklasan mo na nagdadalang tao ka pala?

Paano mo ipapaliwanag ito gayong, ISA KANG LALAKI?

ISA KANG LALAKI NA NAGDADALANG TAO, NASA SINAPUPUNAN MO ANG BATANG GAWA NG MALALIM NA PAGMAMAHAL NIYO NG ISANG LALAKI NA BIGLA NA LANG NAWALA AT INIWAN KA SA ERE..

Tunghayan kung paano haharapin ni Liam Angelo De Guzman ang mga pagsubok na haharapin niya at paano niya haharapin ang pagdadalang tao niya.

chap-preview
Free preview
001
Paunawa Lahat po nang lalabas na pangalan, lugar at pangyayari sa istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung ikaw ay against sa mga stories about same s*x relationship, mabuting huwag mo nang ipagpatuloy pa itong basahin. At sa mga babasa sa istoryang ito, sana magustuhan nyu po ito. Maraming salamat po. -------------------------------- 001 Liam's POV Nandito ako ngayon sa may beach walk, nakatingin lang sa dagat habang nagmumunimuni, hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa sarili ko at kung bakit ako nagkaganito, lalaki ako pero bakit tila hindi ko maialis sa isip ko ang kaibigan kong ito. Tapos sasabay pa ang pangyayari na bumago sa pakikitungo sa akin ni Kurt, isa sa mga natatangi kong kaibigan na labis kong pinapahalagahan. Labis akong nasaktan sa mga sinabi niya sa akin kanina, hindi ko nga alam kung saan nagmumula ang galit niya para sa akin tapos kung makapagsalita siya ay parang wala kaming pinagsamahan. Flashback "Kurt." pagtawag ko sa pangalan ng bestfriend ko. Ilang beses ko na siyang tinatawag pero hindi niya ako pinapansin. Napuna ko rin na iniiwasan niya ako, mga tatlong araw na rin kaming ganito. "Kurt may problema ba? Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa braso niya. "Huwag mo akong hawakan!!" pasigaw na sabi ni Kurt sa akin, ramdam ko ang galit niya na hindi ko alam kung saan nagmumula at kung anong dahilan. "Bakit ba nagkakaganyan ka?" nalilitong tanong ko sa kanya, nasasaktan ako  sa ginagawa niya. "Simula ngayon ay ayaw na kitang makita, kaya lumayo ka na sa akin." sabi nito sa akin na siyang dumurog sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit niya gustong lumayo ako sa kanya, masakit para sa akin yun dahil higit pa sa pagiging bestfriend ang nararamdaman ko para sa kanya. "Tsk, akala mo ba na hindi ko alam kung anong tunay mong pagkatao?" tanong nito sa akin. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang tunay na kulay ng dugo mo?" dagdag pa nito. "Kailan pa?" biglang tanong sa akin ni Kurt. "Anong kailan pa?" tanong ko sa kanya. "Kailan mo pa tinatago ang nararamdaman mo para sa akin?" galit na sabi ni Kurt sa akin. Paano niya nalaman? Sinong nagsabi sa kanya? Tanging kami lang ni Kyle ang nakakaalam ng nararamdaman ko para kay Kurt. "Hindi ako alam ang sinasabi mo." pagmamaang maangan ko sa kanya. "Huwag ka nang magsinungaling!! Alam mo bang dahil sa nararamdaman mo yang nakipaghiwalay ang gf ko sa akin?!!" galit na sabi niya sa akin. Ayun ba? Ayun ba ang dahilan kung bakit ba tuliro siya noong mga nakaraang araw? "Kasalanan mo kung bakit kami nakipaghiwalay, pinaghinalaan niya ako na may namamagitan sa ating dalawa kaya tinapos niya ang relasyon namin." Mapait na sabi ni Kurt sa akin. Pero hindi ko naman masisisi si Jennica kung ganoon ang iisipin niya, kakaiba kasi ang pagkakaibigan namin ni Kurt, masyado kaming close kaya minsan ay napagkakamalan kaming magsyota, noong una ayos lang sa amin ito ngunit nag iba na ngayon. "Sorry." paghingi ko ng tawad kay Kurt.Kahit wala akong kasalanan pero kailangan kong magpakababa para kay Kurt dahil ayokong nagagalit siya sa akin. Kung sa kanya ay simpleng pagkakaibigan lang ang lahat, pwes sa akin, hindi. "Wala nang magagawa ang sorry mo, lumayo ka na sa akin dahil ayaw na kitang maging kaibigan." para akong sinaksak diretso sa puso dahil sa sinabi niya, bakit sa akin niya isinisisi ang lahat, bakit kailangan niyang gawin sa akin to. Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumakad na siya palayo sa akin, napako na langako sa kinatatayuan ko, iniisip ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. end of flashback "Tulala ka na naman." sabi sa akin ni Kyle na agad na tumabi sa akin. Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mga mata. "Bakit ganun si Kurt, hindi man lang niya inisip ang pinagsamahan namin." sabi ko kay Kyle. "Baka naman nabigla lang siya, tapos nalaman niya yun sa iba pa, ang masakit pa, naging cause yun ng hiwalayan nila ng girlfriend niya, alam mo namang mahal na mahal niya yun di ba?" sabi niya sa akin. "Alam ko naman yun, kaya nga itinago ko na lang tong nararamdaman ko para sa kanya." sagot ko naman sa sinabi niya. "Hay buhay talaga, huwag kang mag-alala, kung mawala man si Kurt sa buhay mo, nandito pa naman ako na kaibigan mo, ipinapangako ko na hindi kita iiwan." sabi ko sa akin Kyle na siyang nagpagaan ng kaunti ng pakiramdam ko. Another day, another trouble for me. Ito na naman ako at hindi maintindihan ang nararamdam, ang sakit ng ulo ko pati ng puson ko, para akong nagdedeliryo sa sakit na nararamdaman ko. Monthly nangyayari sa akin to, parang dalaw lang ng mga babae. Natatakot naman akong magpacheck up, baka kung ano ang lumabas, sabi naniniwala ako na kapag nalaman na ng isang tao ang sakit niya, doon na siya magsisimulang manghina. Walang alam ang mga kaibigan ko sa ganitong kundisyon ko, tanging ako lang ang nakakaalam. Kung dati ay kapag nagkakaganito ako ay nandyan lagi si Kurt para alagaan ako. Speaking of Kurt, naramdaman ko na naman ang sakit na dinulot niya sa akin kahapon, higit pa ito sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pinilit kong bumangon para makainom ng gamot, buti na lang talaga at nadadaan sa simple ibuprofen ang sakit na nararamdaman ko, dahil kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pumasok ako sa school at tulad pa rin ng dati, tinginan pa rin nilang lahat. Kilala ako bilang hearthrob dito sa school na ito, kinakabaliwan ng mga kababaihan at mga bading. Minsan nga ay may nakapagsabi sa akin na naibalik ko daw sa tamang landas ang isang tomboy dahil sa taglay kong anyo, ang nagagawa ko naman daw bading ang mga lalaking mas straight pa sa poste. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga tao nagpapasikat sa akin, ang atensyon ko lang kasi ay nakafocus kay Kurt, isali na rin natin si Kyle pero mas higit ang kay Kurt dahil kasakasama ko na siya noon pa man Wala akong balak pumasokngayong umaga, kung sabagay ay unang Linggo pa lang ng pasukan, napagdesisyunan kong sundin ang sinabi sa akin ni Kurt, ang layuan siya kaya naisipan kong magpapalit na lang ng schedule nang tuluyan ko na siyang maiwasan. Masakit man pero kung ayun ang tanging paraan para mawala ang galit niya sa akin ay gagawin ko. Hindi ko sinabi kay Kyle ang plano ko dahil paniguradong susunod ito sa akin. Ayaw kong sumama siya sa akin dahil gusto ko munang mapag-isa, baka kasi mamaya ay sa kanya naman ako maissue at matulad ang sitwasyon namin sa sitwasyon namin ni Kurt, baka dumating din ang araw na ayawan niya ako. Dumiretso ako sa department office namin para makapagpapalit ako ng schedule. Buti na lang ay may mga natira pang slots ibang blocks at buti na lang ay hindi nagconflict ang schedule ko. Buong araw kong hindi pinansin ang mga text at tawag sa akin ni Kyle, alam kong unfair para sa kanya to dahil dinadamay ko siya pero takot lang talaga ako, hihintayin ko lang naman na matapos na ang enrollment para hindi niya magawang magpalipat sa section na nilipatan ko. Nakikita kita ko naman siya at si Kurt, magkasama naman sila lagi, pero nanghihinayang ako, dapat kaming tatlo ang magkakasama, nagkwekwentuhan at natatawanan. Muli ay naramdaman kong tumulo ang luha sa aking mga mata. "OMG!! Is it true? Umiiyak ang nag iisang Liam Angelo De Guzman?" sabi ng isang baklang na nagngangalang Andy ang nakakita sa akin. Actually kilala ko na ito, nakakausap ko na siya kanina, siya ang unang bakla na hinayaang kong mapalapit sa akin. Tyaka iba siya, isa siyang baklang mukhang babae, hindi mo mahahalata na lalaki siya kung hindi mo siya kilala. "Huh?" biglang tanong ko sa kanya. "Bakit  ka ba umiiyak?" tanong nito sa akin. "Wala, wag mo na lang pansinin." sabi ko sa kanya. "Ano ka ba, huwag kang mag-alala, mapagkakatiwalaan mo naman ako eh." sabi ni to sa akin."Sila ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang turo turo yung dalawa kong  kaibigan. Napatangon na lang ako sa kanya, napabuntong hininga na lang si Andy at tinapik tapik ang balikat ko. "Sila ba ang dahilan kung bakit ka nagpalipat sa block namin?" tanong sa akin ni Andy. "Oo sila nga." sagot ko sa kanya. "Bakit? May problema ka ba sa kanila?" tanong sa akin ni Andy. "Wala naman, sa tingin ko lang ay ito ang nararapat gawin." sagot ko sa kanya. "May nararapat ba pero nasasaktan ka?" tanong niya sa akin. "Masakit man ay kailangan kong tiisin, para sa kanilang dalawa din itong ginagawa ko." mapait na sabi ko kay Andy. "Hay naku!! Naloloka ako sayo Liam!! May itatanong nga ako sayo, ano ba kasing dahilan kung bakit ka lumalayo sa kanila?" tanong naman ni Andy. Hindi naman siguro masama kung ikukwento ko kay Andy ang laman ng isipan ko, pati na rin ang nararamdaman ko, sa tingin ko ay isa siya higit na makakaunawa sa akin at sa kalagayan ko. "Hala!! Nakakaloka ka talaga!! Kaya naman pala iniisnob mo lahat ng nagpapansin sayo!!" sabi sa akin ni Andy pagkatapos kong isalaysay sa kanya ang kwento ko tungkol sa mga nangyari sa amin ng mga kaibigan ko. Noong gabi ding iyon ay napagdesisyunan kong lumipat na ng tinutuluyang boarding house, para hindi ako mapuntahan ni Kyle. Lumipat ako sa tinitirahan ni Andy, malawak naman ito at sakto lang para sa aming dalawa, kasama naman namin ang boyfriend niya si Jericho kaya wala namang problema sa hatian sa bayad. Sisimulan ko na, sisimulan ko nang lumayo para hindi ako masaktan sa bandang huli dahil ayaw kong pagsisihan na may masira pa sa kanilang dalawa nang dahil sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

An Innocent Angel

read
178.0K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

OSCAR

read
248.5K
bc

NINONG III

read
416.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook