"Somnum"
Pagbigkas ni Jiro sa mahiwagang salita na nangangahulugang "sleep".
Agad namang gumapang ang kanyang awra sa mga kaibigang natutulog na magsasanhi na hindi sila magising agad sa loob ng apat na oras.
Kailangan niyang gawin 'to dahil kasalukuyan siyang bantay sarado ng mga ito at ang paglabas niya kasama ng taong alam nilang kaaway niya ay paniguradong hindi sila papayag.
Matapos nito ay agad siyang tumakas at lumabas ng bahay. Doon naghihintay ang kanyang dating kaaway ngayon ay iniirog na si Eugene. Sila ay tumungo sa isang lugar kung saan ito ang magiging love nest nilang dalawa.
Tatlong taon na ang nakakalipas nung mamatay ang pinakamamahal ni Josh na si Matt.
Hindi pa rin niya makalimutan ang binata kaya sarado pa rin ang puso niya para sa panibagong pagibig.
Ngayon 3rd year college na si Josh ay kilalang kilala siya sa buong school bilang ace dancer ng dance troupe na sinalihan niya, bukod pa dun ay siya ang campus hearthrob ng kanilang unibersidad.
Ito naman at dumating ang isang 2nd year transferee student na si Ryan Williams, maangas at mahilig gumala at makipagparty party pero never pa itong pumasok sa isang relasyon.
Paano kung magkrus ang landas ni Josh at Ryan? Ano kaya ang mangyayari? Muli kayang bubuksan ni Josh ang puso niya para sa binata? Susubukan ba ni Ryan na pumasok sa isang relasyon niya na sa tingin niya ay dahil lang sa isang bagay na nakaukit sa nakaraan ni Josh?
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkikita mas lalo na't kamukhang kamukha ni Ryan si Matt, ang pumanaw na kasintahan ni Josh.
Paano kung si Matt pala si Ryan?
Tunghayan kung paano haharapin ni Josh at Ryan ang mga bagay na darating sa buhay nila sa kanilang pagkikita.
Paano kung makilala mo ang isang tao na hindi mo inaakalang mapapaibig ka kahit pareho kayong lalaki?
Paano kung ang isang Jin Angelo Santiago na nanggaling sa isang mayamang pamilya sa Maynila, gwapo, matangkad, matalino, magaling kumanta at astig pumorma ngunit tahimik at mahiyain... ay napunta sa Probinsya para dun ipagpatuloy ang pag-aaral?
Kakayanin niya kayang mamuhay sa lugar kung saan lahat ng katulad niya ay napapansin?
Paano kung makilala niya ang isang Sieghart Rosario na galing din sa isang mayamang pamilya, spoiled brat, gwapo, matangkad, mahilig sa sports at higit sa lahat, maingay ngunit seryoso kapag umibig?
Magiging magkasundo kaya sila?
Eh paano kung dumating ang isang Alexa Mercado na kababata ni Sieghart ay nalove at first sight kay Jin na ngayon ay bestfriend na ni Sieghart?
Ano kayang mangyayari kung gamitin ni Alexa si Sieghart para mapalapit kay Jin?
Paano kung si Sieghart pala ay may lihim na pagtingin kay Alexa ngunit hindi alam na may pagtingin ang babae kay Jin?
Is he going to grab the oppurtunity kapag lumapit sa kanya si Alexa?
Paano kung si Jin ay bigla na lang magkaroon ng feelings para kay Sieghart?
Aaminin niya ba ito sa bestfriend niya o itatago na lang?
Paano na ang lahat?
Paano kung nagkagulo-gulo ang buhay nila dahil sa love triangle na meron sila?
Maayos kaya ang gulo sa bandang huli?
Kinailangang magtransfer ni Matt ng school, from private to public dahil sa tatay niyang ginagawa siyang punching bag.
Idagdag pa natin tong si Josh, ang campus crush na talagang habulin ng mga babae't binabae, na lagi na lang sinisira ang araw ni Matt simula nung lumipat ito sa school nila. In short, isa syang dakilang bully.
Pero dahil sa isang pangyayari kay Matt, sinisisi ni Josh ang sarili nya. Dahil sa konsensya, binalak nya mag sorry kay Matt.
At nang dahil sa isang "Sorry" na hindi nya masabi sabi kay Matt, unti-unting nyang nakilala ang buong pagkatao ng taong tinuturing nyang Laruan,
at nang dahil sa isang "Sorry" na hindi nya masabi sabi kay Matt, hindi nya alam, unti-unti nang nahuhulog ang loob niya dito,
at ang hindi niya alam, NAINLOVE na siya kay Matt.
Gwapo ka, maangas, pinapantasya ng mga kakabaihan at kabaklaan, at higit sa lahat, you can make a straight guy gay only for you.
Pero suddenly, dumating ang isang lalaki sa buhay mo na hindi mo inaasahan babago ng tuluyan sa pagkatao mo.
Napaibig ka niya at binigay mo ang lahat sa kanya,
Ngunit...
Pagkatapos noon ay iniwan ka niya, dahil sa may mga taong pilit kayong pinaghiwalay.
Inakalang niloko mo siya ngunit lahat pala ay kagagawang ng isang taong may malaking galit sayo.
Umalis siya nang walang paalam..
Pero...
Paano kung isang umaga ay magising ka at naduduwal ka?
Paano kung isang araw, napakaselan ng pang-amoy mo at madali kang mahilo?
Paano kung isang araw ay kung anu-ano ang gusto mong kainin?
Paano kung isang araw, matuklasan mo na nagdadalang tao ka pala?
Paano mo ipapaliwanag ito gayong, ISA KANG LALAKI?
ISA KANG LALAKI NA NAGDADALANG TAO, NASA SINAPUPUNAN MO ANG BATANG GAWA NG MALALIM NA PAGMAMAHAL NIYO NG ISANG LALAKI NA BIGLA NA LANG NAWALA AT INIWAN KA SA ERE..
Tunghayan kung paano haharapin ni Liam Angelo De Guzman ang mga pagsubok na haharapin niya at paano niya haharapin ang pagdadalang tao niya.