Chapter 1 - Simula ng Magulong Mundo
Masaya pa sana ang buhay ko ngayon, kung hindi lang naganap ang isang trahedya sa pamilya namin.
Ako si Matt, magfo-4th year high school na ngayong taon, tama lang ang height para sa isang lalaki, maputi, matangos ang ilong at magaganda ang mga mata, marami ang nagsasabi, ayun daw ang asset ko.
Nag-iisang anak lang ako, ang kasama ko lang sa bahay ay ang aking daddy. Dati napakamasayahin nya, pero ngayon, ibang iba na sya, lagi nya ako pinapagalitan sa maliliit na bagay, at minsan umaabot na sa punto na sinasaktan nya ako. Halos lagi na ring naglalasing ang daddy ko, simula ito noong namatay ang mommy ko dahil sa isang aksidente, iniligtas nya ako noon dahil muntik na ako masagasaan noong bata pa lamang ako. Simula noon, sa akin na ibinunton ang sisi ng aking daddy, kahit naman ako ay natrauma sa nangyari, dahil mura kong pag-iisip, nasaksihan ko kung paano namatay ang aking ina.
Meron pa naman akong ibang kamag-anak, ngunit hindi ko sila kilala, ang alam ko lang, mayroon akong lola sa probinsya, nanay sya ng daddy ko.
Kinailangan kong magtransfer ng school dahil sa kagustuhan ng aking ama, at dahil na rin sa wala na siyang pangtustos sa akin kaya't inilipat niya ako sa isang public school. Ok naman ako sa ganoon, at least, mag-aaral pa rin naman ako.
_____________________________________________________________________________________
6 o'clock na ng umaga nang ako'y magising, tumayo ako agad at naligo. Syempre, kailangan kong magluto ng agahan ko dahil hindi yun ginagawa ng daddy ko para sa akin. Pagkatapos kong iluto ang lahat ng dapat lutuin at kumain na ako. Hindi ko na ginising pa ang aking ama dahil ayaw nya ng ginigising ko sya. Yung baon ko, binibigyan naman niya ako in advance, allowance kung baga, bahala na akong pagkasyahin yun hanggang bigyan nya ako ulit.
7:15 AM nung nakarating na ako sa school, medyo marami na ring tao at kinakabahan ako, dahil wala akong kakilala kahit isa sa mga estudyanteng naglalakad. Pumunta ako agad sa building ng mga 4th year students, tipikal lang na istraktura lang ito kagaya ng iba pa, 2 palapag. Hinanap ko na agad yung pangalan ko sa mga nakapaskil na listahan sa pinto ng mga classrooms. Medyo natagalan ako dahil marami din ang naghahanap ng pangalan nila.
At sa wakas , nahanap ko na rin ang classroom ko, napunta ako sa 1st section, I think I deserve it naman kasi kahit transferee ako, matalino naman ako at nasa top ako dun sa pinanggalingan kong school, pero average student din lang ako, nakakapasok ako sa top 10 pero hindi ako ganun kacompetent.
Maganda na sana ang unang araw ko sa bagong school, ngunit may isang lalaking siraulo ang biglang umextra. Tipikal na nangyayari kada breaktime ay ang paghahasik ng lagim ng mga bully. At eto nga si Josh, kaklase ko sya, matangkad, maputi, at higit sa lahat, gwapo, sa section namin, halos lahat sya ang crush, sikat din sya sa buong school, taglay din nya yung isang bagay na gustong gusto ng mga babae, ang killer smile. Pero yung panglabas nya lang ang maganda, medyo pangit kasi ang ugali nya, lalo na't lagi nya ako pinagdidiskitahan.
Ayon na nga at breaktime na, kailangan kong hanapin ang canteen, wala pa ring kumakausap sa akin nung mga oras na yun kaya napagdesisyunan ko nang lumakad mag isa. Noong palabas na ako ay napadaan ako sa harapan ni Josh. Hindi ko namalayan na bigla nya iniharang ang kanyang paa kaya't ako'y nadapa.
Ako: ARAY!!
Nagtawanan silang lahat dahil sa nakita, naggigilid na ang luha ko nun dahil sa kahihiyan, tumayo na lang ako agad at pinagpagan ang sarili ko. Tumingin ako sa kanya ng medyo masama.
Josh: Hala oh! iiyak na sya oh!! HAHAHAH!!
At nagtawanan na namin sila sa room. Sobrang kahihiyan na ang inabot ko, at dahil naiinis na ako, lumabas na lang ako agad. At sa likod ko, narinig ko pa na sinaba nya na "Nag-walkout! HAHAHAH".
Hindi lang yun ang mga ginawa niya sa akin. Talaga siya lagi ang sumisira sa araw ko, alam mo yung tipong mawawalan ka ng ganang pumasok dahil sa kanya.
Noong natapos na lahat ng klase, umuwi na ako agad at hindi na tumambay pa sa school. Pagkauwi ko ay, nagluto na agad ako ng hapunan, nasa ref naman na lahat dahil kahit ganoon naman ang daddy ko, alam nya pa rin ang mga responsibilidad nya bilang ama, bumibili na sya ng mga kakainin namin, minsan ay inuutusan nya ako.
Wala pa rin sya sa bahay, gabi na kasi sya lagi umuuwi, at minsan lang sya umuuwi nang hindi lasing. Minsan din ay kapag umuuwi sya, instant punching bag ako. Lagi ko syang hinihintay para asikasuhin sya, minsan kasi, talagang hindi nya na alam ang ginagawa nya kapag lasing siya.
_____________________________________________________________________________________
Ito na naman ang panibagong araw at may pasok na naman. Friday ngayon kaya panigurado, parang Saturday ang dating nito sa school, parang ritwal na ito na tuwing Friday ay attendance lang tapos do what you want na. It's my first week kaya talaga kakaunti pa lang mga kumakausap sa akin. I just braced myself kasi alam kong pagdidiskitahan na naman ako ni Josh ngayong araw. Pero nagkamali ako, hindi siya pumasok. AYON!! walang mambubully sa akin, maganda ang magiging araw ko.
At dahil walang bully, malaya akong makakagalaw sa buong klase, naging maayos ang araw ko, at since walang nanggagago sa akin, marami akong nakausap at naging kaibigan. Meron din nagsabi sa akin na "Buti ka pa, lagi kang nilalapitan ni Josh!!" isa yung babae na para bang patay na patay kay Josh. "Lagi nga lang ako binubully!" sagot ko naman.
Hindi ko na rin inisip kung anong dahilan kung bakit absent si ugok, inisip ko na lang na advantage ko na yung pag-absent nya.
_____________________________________________________________________________________
Natapos ang weekend, wala din naman magandang mangyayari, bukod sa para akong katulong sa sarili naming bahay ay wala na akong iba pang pwedeng gawin.
_____________________________________________________________________________________
Monday na naman, ang hiling ko ay sana absent pa rin si Josh na ugok, yung tipong hinihiling ko na magtransfer na sya sa ibang school nang wala nag kontrabida sa buhay ko. Dumating ang sa classroom at wala pa sya, good sign, maaga kasi sya laging pumapasok. Tinulungan ko ang mga kaklase kong maglinis, kahit hindi kami nakatoka, uso kasi sa public school ang tinatawag nilang "cleaners". Saktong tapos na kami maglinis nung tumunog ang bell, tumingin ako sa paligid at wala pa rin si Josh.
HOW NICE!! sabi ko sa sarili, mukhang magiging maganda ulit ang araw ko.
Nagsimula na ang klase sa unang subject namin, Filipino ito so nagdistribute na ang aming teacher ng teksto. Nakaugalian na ikukwento sa amin ito at magbibigay ng kakaibang facts ang aming guro, napagaling ng aming guro sa Filipino, hindi ka aantukin, para bang nakikinig ka sa mga kwento ni Lola Basyang. Maayos na akong nakikinig kay mam nang may biglang dumating. s**t!! SI JOSH!! kainis!! ayon ngak dumating si Josh, "Mam, sorry po nalate ako." sabi nya sa aming guro. At sya'y umupo na sa kanyang upuan. Nawala ang focus ko sa pakikinig, naiinis kasi ako, iniisip ko na naman kung anong mga mangyayari ngayong araw dahil nandito na naman yung taong naninira ng araw ko.
Natapos na ang klase namin sa Filipino ngunit hindi natapos ang aralin kaya't pinauwi na lang sa amin ang gawain para sa quiz kinabukasan. Sunod na ang MAPEH class namin. Sakto na sa field kami ngayon dahil meron kaming activity. Tinignan ko si Josh, ngunit tahimik lang sya, parang walang balak na mang-asar. Lumipas ang oras, dumaan lahat ng mga klase namin ngunit kakaiba ang mga kinikilos niya. Hindi nya ako pinapansin. "Wow, ano kayang nangyari dito?" tanong ko sa sarili ko. After nun, hindi ko na lang pinansin, para sa akin, mas maganda na yung ganun, hindi ako napapahiya.
Lumipas ang isang Linggo na ganun lang sya, hindi masyadong umiimik. Active pa rin naman sya sa klase ngunit, kapag walang ginagawa, lagi ko siyang nakikita na nakadungaw sa bintana, nakatingi sa kawalan, parang napakalalim ng iniisip. Hindi ko naman sya gusto kausapin, dahil malamang, baka ipahiya at ibully na naman nya ako.
_____________________________________________________________________________________
Linggo ng gabi nang dumating ang daddy ko, lasing na lasing. Sinalubong ko sa siya sa pinto para siya ay aking alalayan ngunit bigla niya ako tinulak. Sobrang lakas nito kaya akong natumba. Habang ako'y nasa sahig ay ako'y kanyang sinipa-sipa. "Kasalanan mo kung bakit namatay ang mama mo!! bwisit kang bata ka!! hindi ka kasi marunong makinig!!" pasigaw na sabi sa akin ng aking ama habang ako'y sinisipa sipa nya, sinasangga ko na lang ito, pero talagang masakit ang mga sipa nya. "Tama na po!! tama na po, nasasaktan po ako!!" pagmamakaawa ko sa kanya. "Anong tama na!! kulang pa yan sa pagdurusa ko ngayon!!" sagot niya sa akin sabay hila ng sinturon nya. Pinatalikod niya ako noon, at pinaghahampas, masakit yun, mas lalo't yung bucket side yung pinang hahamapas niya sa akin. Luhang luha na ako nun ngunit kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi sya humihinto, para bang ako'y kanya lang alipin kung kanyang alipustahin.
Huminto lang sya nung napagod na sya sa akin. Pagkatapos noon ay hindi na sya kumain at pumasok na agad sa kwarto nyu. Ako naman ay nananatiling nakaupo kung saan nya ako binigyan ng instant pasa, madami yun, puro sa likod, tumayo na lang ako at pumunta sa kwarto nang medyo nakabawi na sa sakit na nararamdaman.
_____________________________________________________________________________________
Pag-gising ko ng umaga, sobrang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa bugbog na inabot ko kagabi. Kailangan ko tong tiisin, dahil ayoko naman umabsent sa akin mas lalo na't malapit na ang exam. Paghubad ko ng damit ko ay nakita ko ang mga latay, sa balikat, sa likod, sa binti at hita. May ilang rin mga pasa. Napabuntong hininga na lang ako.
Buti na lang ay naitago ng suot kong uniform ang mga marka sa katawan ko. Papunta pa lang ako sa school ay medyo mabigat na ang pakiramdam ko. Kumikirot kirot din ang mga latay at pasa ko pero tinitiis ko na lang. Hiniling ko na lang na maging maganda ang takbo ng araw na iyon para sa akin ngunit hindi ito natupad dahil pagpasok ko palang ng room ay pinatid ako agad ni Josh sabay tawa ng malakas at turo sa akin. "Lalampa-lampa ka talaga!! hahaha" sabi niya sa akin. "Oy tama na nga yan Josh, hindi na nakakatuwa yang mga trip mo." sabi ng isang kaklase naming babae. "Namiss ko lang tong si Matt!! hahaha" sagot nya sa kaklase namin. Napa-irap na lang yung kaklase namin.
Dahil sa pagkakatumba ko, lalong nadagdagan ang iniinda kong sakit, bigla kasi sumakit ang ulo ko parang may kung akong nararamdaman sa aking balikat. Nanginginig akong tumayo dahil sa akin. "Ano masakit ba? wag ka nga!! sanay ka naman na madapa diba? " sabi sa akin ni Josh sa nakakaasar na tono.
Hindi ko na siya tinignan pa, naiinis lang ako, ayoko gumawa ng eksena pa, ayoko makita nila ang mga latay at pasa sa katawan ko. Hindi naging maganda ang takbo ng araw para sa akin. Hindi ako makapagfocus sa mga tinuturo sa amin, unti-unting bumabagsak ang katawan, hindi ko alam, unti-unti nang dumidilim ang paningin ko...