Chapter 2 - Kasalanan

1664 Words
Josh's Point-of-View Natapos ang pag-eemo ko last week. Salamat at nagkabati na ang mga magulang ko, akala ko kasi maghihiwalay na sila na sya talagang bumagabag sa akin. Hindi na nga nila ako masyadong napapansin dahil sa trabaho nila pero ganun pa ang mangyayari. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi magpaapekto pero hindi ko kaya, buhay ko na rin ang pinag uusapan, ayokong masira ang buhay namin. Bilang panganay, hindi ko na alam ang gagawin ko. 2 lang kaming magkapatid, may nakakabata akong kapatid na lalaki, grade 2 palang siya. Monday noon at maaga na naman ako nakapasok sa school, since nagkabati na si mama at papa, hindi ko na kailangan pang iwan mag isa ang kapatid ko sa bahay at hintaying siyang makapasok sa school, ayaw ko kasing makita nya ang mga nangyayari kaya't ako ang naghahatid sa kanya sa mga panahong iyon. At dahil nasa mood ako, dating gawi ako, ang muling pagdiskitahan ang laruan ko, este kaklase pa, si Matt, napakalampa nya, meron syang itsura, kaya parang sa paningin ko, rival ko sya. Pagpasok na pagpasok nya sa room, pinatid ko sya agad. Tinawan at inasar pa, ngunit hindi ito tulad ng dati na titignan nya ako ng masama, hindi nya ako pinansin. Mukhang nasaktan sya nang husto sa pagkakatumba nya. Mas naging active ako ngayon sa mga klase namin, at sya naman, dating gawi, tahimik pa rin na nakikinig. Tinignan ko sya minsan, napansin ko na parang may kakaiba, tila ba malalim ang iniisip, na pilit na nakikinig sa klase. Hindi rin sya tumayo sa kinauupuan nya nung break time lahat ng mga kumakausap sa kanya ay nginingitaan nya lang. Mukhang nasira ko ata ng husto ang araw nya. Klase ulit at ganun pa rin, hindi siya umiimik, hindi rin nagtataas ng kamay tuwing may nagtatanong ang guro, kung matawag man ay may parang mali sa pagtayo nya sa kanyang kinauupuan, tila ba may iniinda sya sa kanyang katawan. Dumating ang lunchbreak, tinignan ko syang muli. Mukhang natutulog ang loko, nakayuko sya sa kanyang mga braso. At eto na naman ako, hindi ko alam kung ano na naman ang tumakbo sa isip ko at siya ay aking binulabog. "Hoy, tanghaling tapat natutulog ka!! GISING" sabi ko habang inaalog-alog ang upuan. Hindi sya sumagot kaya mas nilakasan ko pa ang pag-alog. Wala na masyadong tao sa room, kung sakasakaling iwan ko Matt, siya na lang ang maiiwan. Inalog ko ulit ang upuan na syang nagkapag-alis ng pagyuko nya sa kanyang kanang braso, ngunit nagulat ako, wala man lang reaksyon at paglaban mula sa pagbagsak ng mukha nya sa arm chair, at ang higit pa na nagpakaba sa akin ay ang pagbasak pababa ng kamay nya pawa bang wala syang malay. Tinapik tapik ko ang kanyang mukha, para gisingin siya pero walang nangyayari, hinawakan ko ang leeg nya, dun ko nagpakaalaman na sobrang init nya, sobrang taas ng temperatura nya. Dahil dun mas lalo ako kinabahan. "Dahil ba ito sa pagkakadapa nya kanina?" tanong ko sa sarili ko na parang nakokonsensya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, pinasan ko sya agad sa aking likuran at dinala agad sa clinic. Hindi ko alam ang gagawin ko, kapag may nangyari sa kanyang masama, malamang ay dahil sa akin, halata kasi sa mukha nya na sobra syang nasaktan nung nadapa sya nung pinatid ko siya. Agad naman siyang tinignan ng mga nakadistinong nurse sa clinic ng school. Habang naghihintay ay kinakabahan ako. Dahil na rin sa konsensya ay hindi ko sya nagawang iwan sa clinic hangga't hindi ko nalalaman kung ano talaga ang lagay niya. Bigla akong nagtaka, kinakabitan na siya ng dextrose ng nurse, at yung isa namang nurse, tumatawag ng ambulansya sa pinakamalipit na ospital, dahil sa pagtataka, tinanong ko yung nurse. AKO: Ate, bakit anong nangyayari sa kanya?  NURSE: Ah eh, masyadong mataas ang lagnat nya, hindi namin pwedeng idetain sya dito sa ganyang kalagayan, kailangan siya mailipat sa ospital para mas maobserbahan. Teka ha, tawagan ko lang yung guardian nya. Ayun na, mas kinabahan na ako. Nararamdaman ko na naggigilid na ang luha ko, sanhi na rin siguro ng ginawa ko sa kanya kaninang umaga, hindi ko alam na aabot sa ganun yun. Pinabalik na ako sa room namin dahil malapit na magsimula ang panghapon na klase, ayaw ko sana pero hindi daw ako pwede sumama sa ospital. Ako na ang nagsabi sa mga guro namin ng nangyari, hindi rin makatitig sa akin ang mga kaklase ko, alam ko ang nasa isip nila, alam ko na sinisisi nila ako sa nangyari, masyado ko atang pinairal ang kagaguhan ko, hindi ko inisip na nasasaktan ko na pala sya ng husto. Maraming taong ang nabubuo sa isip ko, wala na ba akong nagagawang tama? bakit kasi ganun ko na lang siya itrato? 2 Linggo ang nakalipas, hindi pa rin siya pumapasok, mukhang hindi ata talaga maganda ang nangyari sa kanya. Sinimulan ko na namang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari. Nangako ako sa sarili ko na pag pumasok sya ulit sa school ay hindi hindi ako papayag na hindi ako makakapag sorry sa kanya. _____________________________________________________________________________________ Matt's Point-of-View Maliwanag, medyo dinilat ko ang aking mga mata, hindi pamilyar ang lugar sa akin, nakita ko ang daddy ko na nakatingin sa akin, tila ba may hindi magandang mangyayari. Bigla uling dumilim.  Nakita ko si mommy, nakahiga ako sa mga hita nya at hinahaplos haplos ang buhok ko. Hinehele niya ako. Para bang ako'y bumalik sa pagkabata, sa mga alaala niya habang nasa piling pa namin siya.  _____________________________________________________________________________________ Nagising na ako, wala ako masyado maalala sa mga nangyari pero nasa bahay na ako. Hindi na ganun kasakit ang katawan, kaya't tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko si daddy,nakaupo at nakayuko habang nakaharang ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha, tila ba may prinoproblema. "Dad?" wika ko sa kanya pero hindi siya kumikibo. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Bigla nya itong hinawi ng malakas "Wag mo kong hawakan!!" "Ang laki ng nagastos ko sayo sa ospital, may sakit ka pala eh, bakit pumasok ka pa sa school? oh paano ngayon yan, wala tayong kakainin, wala ka rin baon!!!" sabi nya sa akin ng galit. "Sorry Dad, hindi ko naman po alam na ganun eh" paliwanag ko sa kanya. "Anong sorry? bahala ka sa buhay mo ngayon, hindi ka muna papasok habang hindi ko nababayaran ng buo yang lintik na pinag ospital mo!!" sabi nya sa akin. "Dad, wag naman kayong ganyan, ayaw kong umabsent, malapit na ang exam, bakit po ba kayo ganyan!! anak nyu pa rin po ako!!" sumbat ko sa kanya. "Wala na akong anak!!" pasigaw nya sabi sa akin sabay lakad papunta sa kwarto niya. Umiyak ako buong gabi, hindi ko alam ang gagawin ko, ayaw kong maging mangmang, ayaw kong umabsent, huling taon ko na ito sa high school, hindi maganda ang nangyayari sa akin, hindi na ako tinuturing na anak ng sarili kong ama. Lumipas ang mga araw, hindi siya nagbibigay sa akin ng pera, hindi rin siya nag uuwi sa bahay, paubos na yung huli kong mga pinamalengke. Wala na akong magagawa kundi iraos ang sarili ko. Umalis ako ng bahay upang subukang gumawa ng paraan para kumita ng pera. Sabado nung araw na iyo. Madami akong pinuntahan, sinubukan kong humanap ng trabaho ko, kahit part time lang, para lang kumita, ayokong tumanga lang, ayoko umupo na lang sa bahay at hintayin dun mga mangyayari. Sinuwerte naman ako, dahil nakahanap ako ng pwede ko pagtrabahuhan, sa isang karenderya ng isang matandang babae, sila lang mag isa doon. Wala naman siya problema sa pwesto dahil pagmamay-ari niya iyon, sya na rin ang nagluluto ng mga inihahain nya sa mga costumers nya. Ang tanging problema nya ay walang nagseserve sa mga costumers nya. Sakto at pinagyagan nya ako, sabi ok lang na maliit ang sahod, basta makapagtrabaho ako. Medyo malapit din yun sa school. Part time ako sa kanya kapag Monday to Friday dahil may pasok ako. Full time naman kapag Saturday at Sunday. Maliit man ang sinasahod ko ay ok na sa akin yun, sapat na para makapasok ako sa school. Mabait naman ang matanda, lagi syang nakangiti, parang apo na ang turing niya sa akin. Namiss ko tulog ang Lola ko na kaparehong kapareho niya. Hindi na rin masyadong nag-uuwi ang daddy ko. Minsan na lang kami magkita, ngunit hindi naman niya ako pinapansin. Noong unang isang Linggo ko sa karenderya, hindi muna ako pumasok sa school, kailangan ko muna kasi makaipon, mahirap kasi yung papasok ako na wala akong budget, mas mabuti na yung may naitabi ako. Halos dalawang Linggo din ako hindi nakapasok nun, hindi ko nga rin alam kung itutuloy ko pa ang pagpasok ko sa school, mas nasa isip ko muna kasi ang mag ipon. Lola: "Mukhang dumami ata costumers ko ah." sabi nya sa akin nang nakangiti. Ako: "Opo nga po eh, masarap po kasi kayo magluto" sabi ko sa kanya. Lola: "Eto naman nambola pa, dahil siguro saiyo yun anak, biruin mo bang puro babae ang kumakain dito, lagi kapag tinitilian." biro nya sa akin. Ako: "Lola naman po eh, hehehe" sagot ko sa kanya. Lola: "Oh sya, kelan mo ba balak pumasok ulit?" tanong nya sa akin. Ako: "Hindi ko po alam eh." sagot ko sa kanya. Lola: "Aba'y pumasok ka na, sayang din yan mga ipinasok mo. Huwag ka na mag-alala sa akin dito, sanay naman na ako." sabi sa akin ni Lola. Ako: "Ganito na lang po, babalik na lang po ako dito tuwing lunchbreak namin para makatulong sa inyo, pupunta narin po ako dito ng maaga para tulungan kayo maghanda, at sa hapon, dito na rin po ako didiretso para tulungan kayo magligpit." anyaya ko sa kanya ng nakangiti. Lola:"Oh sya sige, kung ayan ang gusto mo, basta pagbutihin mo ang pag-aaral anak ha?" payo nya sa akin. Ako: "Opo, sige po uuwi na ako. Ingat po kayo dito" paalam ko sa kanya. Lola: "Oh sya sige, ingat ka din ah. Pumasok ka na bukas sa school ha?" sabi nya sa akin. Ako: "Opo!" sagot ko sa kanya. At ako ngay umaalis na sa karenderya at tumungo na sa bahay namin. Pareho pa din ng dati, madilim, walang tao, ako lang ulit mag-isa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD