Matt's Point-of-View
Kinabukasan nga'y pumasok na ako sa school, isang Linggo na lang ay exam na, ang dami ko dapat habulin. Ito lang talaga ang mahirap kapag matagal kang umabsent, wala pa man din ako kaclose sa school, nahihiya akong humingi ng favor.
Pagpasok ko ng room ay nakita ko agad si Josh, tinutulungan nya maglinis ang mga cleaners noon. Noong nakita nya akong pumasok, tinignan nya lang ako. Tapos tinuloy ang ginagawa niya. "Aba ayos, buti wala sa mood si ugok, mas makakapagfocus ako sa problema ko" sabi ko sa sarili ko habang paupo sa upuan ko.
Noong araw na iyon, may napansin ako sa kanya, hindi nya ako binubully pero nakikita ko sa kanya na parang gusto niya ako lapitan at kausapin. Ewan ko ba, siguro iniisip niya na kasalan nya yung nangyari sa akin, pero para akin wala naman siya kinalaman dun.
Nahirapan ako sumunod sa klase dahil marami na akong nalagpasang aralin, hindi pumapasok sa isip ko lahat ng sinasabi ng mga teachers namin, kaya napapabuntong hininga na lang ako tuwing natatapos ang klase namin. Hindi rin ako makahiram ng notes sa mga kaklase ko dahil nahihiya ako.
Sumapit ang lunch break at umalis ako ng school para pumunta sa karenderya kung saan ako nagsasideline ng trabaho para ipangtustos ko sa sarili ko.
"Oh, dumating ka na pala, kumain ka ba?" tanong sa akin ni Lola.
"Ayy opo, kumain na po ako bago pumunta dito." pagsisinungaling ko, ayoko naman kasing maging pabigat pa sa iba.
"Ayy nako anak, dito ka na lang kumain nang hindi ka na mapagastos" payo ni Lola sa akin.
Napangiti lang ako kay Lola at nagsimula na akong magsilbi sa mga costumers. Dumami yung costumers nya, tama din ang sinabi nila na halos puro babae ang tumatambay sa karenderya niya, hindi ko lang alam kung ako talaga ang dahilan ng kanilang pananatili nila pero wala na ako pakialam, ang mahalaga sa akin ngayon ay kumita ng pera sa malinis at marangal na paraan.
_____________________________________________________________________________________
Kailangan ko nang bumalik sa school, tapos ang lunchbreak. "Lola, aalis na po ako ah, klase ko na po kasi" paalam ko kay Lola. "Oh sige, ingat ka anak ha" sabi nya sa akin habang nakangiti.
Pumunta na nga ako sa school at diretso ako sa room. Actually, 30 minutes pa bago magsimula ang klase kaya umupo muna ako sa isang tabi. Pinikit ko ang aking mga mata, medyo napagod din kasi ako sa pagtulong sa karenderya kanina tapos naglakad pa ako pabalik sa school kaya siguro naman deserved ko ang magpahinga nang kaunti.
Ilang minuto pa at
"HHHHOOOYYYY" sigaw sa akin ng isang kaklase kong lalaki na hindi ko kilala(nakapikit kasi ako.)
Nagulat ako, napajerk ako dahil dun, kakainis, mukhang alam ko na kung sino to, isang tao lang naman ang gumagawa sa akin nito eh. Pagdilat ko, tama nga hinala, si Josh nga.
"Mukhang pagod na pagod ka totoy ah" sabi nya sa akin habang nakangisi.
"Tigil-tigilan mo na nga ako, wala ako sa mood na magpabully sayo!" sagot ko sa kanya nang medyo galit.
"Ito naman oh, ang sungit-sungit" sabi nya na medyo napakunot ang noo.
"Ano ineexpect mo? maging masaya ako dahil nandito ka?" sabi ko sa medyo mataas na tono.
"Dapat nga pasalamat ka sa akin eh." sabi nya sa na parang nagmamataas pa sa akin.
"Pasalamat?! pasalamat dahil binubully mo ako?" sumbat ko sa kanya, medyo hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi nya.
"Bahala ka na nga dyan!" sagot nya sa akin, sabay walkout, halatang naiinis na.
Himala, sya ang sumuko ngayon, hindi normal na nangyayari yun, ito ang 1st time. Medyo natuwa ako dun kasi sa wakas ako ang nagtagumpay!!!
Nagsimula ulit ang klase, at the same pa rin ang nangyari, hindi pa rin ako nakasunod, hay naku, bahala na siguro, ang importante makapasa ako.. pero paano kaya?
Nganga talaga ako sa paglipas ng oras, padami ng padami ang kailangan kong tandaan, mas lalo na Physics.. ang daming terms at dates na kailangan na tandaan, pati na rin mga name ng mga physicists.
Papasa pa kaya ako? Sa mga quizzes palang eh medyo dehado na ako.
Sa math lang talaga ako nakakabawi dahil madali lang intindihin ang libro na ipinahiram sa amin. Ayun kasi yung uso sa public school, pinapahiram lang ang libro, hindi katulad sa private na binibili namin ang mga ito.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase, hindi pa ako umuwi, bumalik ako sa karenderya para tulungan si Lola sa pagliligpit pero huli na ang lahat, tapos na siya. Nagmano na lang ako sa kanya at nagpapaalam, pero bago ako umalis, binigay nya yung sahod ko para sa araw na iyon, maliit lang yun kasi hindi whole day, halos isang oras lang ako nagstay. Nagpauwi din sya ng ulam sa akin, tinanggap ko na iyun para hindi na ako magluto sa bahay.
_____________________________________________________________________________________
The next day..
Bumangon ako, dating routine, tinignan ko rin yung katawan ko, medyo nawawala na yung mga pasa at latay ko. Nagwish na rin ako na sana hindi na ito madagdagan.
Bago ako pumasok ay dumaan mo na ako sa karenderya para tulungan si Lola sa kung ano man ang ginagawa niya. Tamang-tama at nagluluto pa lang siya kaya tinulungan ko siya, tinuturuan niya ako magluto para daw minsan ako naman ang gagawa, magaling siya magluto, masarap din lahat ng luto niya, isa rin yun sa dahilan kung bakit maraming kumakain sa karenderya niya, idagdag mo pa ang gwapong at cute na boy nya (ako yun hahhaahah-ang hangin hahaha)
At dahil sa aking pag eenjoy sa aking nagagawa, hindi ko napansin na late na pala ako. 8 am na at 30 minutes na akong late sa 1st class ko. "Aaaaaaahhhhhh late na ako!!!"
Nagmano ako kay Lola at dali-daling umalis, "Ingat ka!" sigaw nya sa akin habang tumatakbo na ako papuntang school.
_____________________________________________________________________________________
Josh's Point-of-View
Malapit na magsimula ang panghapon na klase kaya't bumalik na ako sa room namin after ko kumain ng lunch kasama ng mga kabarkada ko. Iilan lang naman kami at sila yung tipong mapagkakatiwalaan at hindi bad influence.
Iniisip ko pa rin kung paano ako magsosorry kay Matt sa mga nagawa ko sa kanya, lagi ko pa rin iniisip yung time na dinala ko siya sa clinic, hindi pa rin kasi malinaw sa akin ang lahat kung bakit siya nagkaganoon.
Pagpasok ko sa room, siya ang agad ang nakita ko, nakaupo siya sa isang sulok. "Ito na ang pagkakataon" sabi ko sa sarili ko.
Nilapitan ko siya agad para kausapin, akala ko napansin nya na ako pero hindi pala, nakapikit siya.
"HHHHOOOYYYY" sigaw ko sa kanya
Mukhang nagulat ko siya, naku po, mukhang hindi ako makakapagsorry, pangit ng approach ko!! bakit kasi ang tanga tanga ko pagdating sa ganito!! Haist, sinubukan ko na lang siyang kausapin, baka makapagsorry ako kapag kinausap ko pa siya
"Mukhang pagod na pagod ka totoy ah" sabi ko sa kanya habang nakangisi.
"Tigil-tigilan mo na nga ako, wala ako sa mood na magpabully sayo!" sagot nya sa akin na medyo galit (lagot na doon).
"Ito naman oh, ang sungit-sungit" sabi ko sa kanya na medyo napakunot ang noo.
"Ano ineexpect mo? maging masaya ako dahil nandito ka?" sabi nya akin na medyo mataas na tono.
"Dapat nga pasalamat ka sa akin eh." sabi ko sa kanya. haissst nakakainis, hindi nya ba alam na pinasan ko sya papunta sa clinic nung nagkasakit siya! MALAMANG HINDI!!
"Pasalamat?! pasalamat dahil binubully mo ako?" sumbat nya sa akin, mukhang hindi na siya natutuwa sa usapan namin.
Nainis na ako noon, wala na kasing patutunguhan yung pinag uusapan namin
"Bahala ka na nga dyan!" sabi ko sa kanya sa walkout.
Kainis!! paano ako makakapagsorry sa kanya kung ganito lagi ang nangyayari!!!
Nag-isip pa rin ako kung paano ako makakabawi sa kanya, kahit alam kong mahihirapan ako sa balak ko pero kailangan kong gawin kasi nasobrahan ko ang pagiging bully sa kanya. Parang ako rin kasi ang dahilan kung hindi pa sya nagkakaroon ng matinong kaibigan sa school, lagi ko kasi siyang binabara.
Sa buong hapon na iyon ang lagi ko siyang pinagmamasdan, hay naku, mukhang hirap na hirap tong mokong na ito ah, tsk tsk tsk. Halata sa mukha niya na hindi na siya makahabol sa discussion sa school.
Hayyyy salamat at natapos din ang klase!!
Maaga akong umuuwi dahil ako ang tumutulong sa kapatid ko sa paggawa niya ng assignment. Hindi kasi nakakauwi si Mama't Papa dahil sa work nila, para ngang wala silang anak eh, kasi kahit maaga sila umuuwi, dun sila sa office nila sa bahay sila dumideretso, wala na silang time para sa akin.
Pinilit kong magpakatatag para sa kapatid ko, gusto ko, kahit ganun ang mga parents ko, maramdaman nyang may nagmamahal pa rin sa kanya.
Madali rin namang natapos ang gabi, after kong tulungan ang kapatid ko sa mga assignments nya ay ako tinapos ko na rin ang mga assignments ko para makakain na kami. Ilang oras pa ay, niyaya ko na ang kapatid ko na matulog.
Lagi ko siyang binabantayan para makatulog siya agad, naging routine na namin yun kasi malaki ang naging pagkukulang sa amin ng mga magulang namin.
Nung nakatulog na siya. Siyempre, ano pa gagawin ko, matutulog na rin ako.