Chapter 4 - Partners

821 Words
Josh's Point-of-View 6 am ng umaga nang magising ako dahil sa ginagawa sa akin ng kapatid ko. "Kuya, gising na, papasok pa tayo!!" sabi sa akin ni Jiro habang inaalog ako. Wala na rin ako magagawa, kapag kapatid ko na nanggising sa akin wala na talaga ako magagawa. "Oh ayan na ayan na!" sabi ko sa kanya. Pagkabangon ko, tumakbo na palabas ng kwarto ko si Jiro. Ako naman, dumiretso na sa banyo para iayos ang sarili. Ano ba yan, ang lamig ng tubig!!! Pagkatapos kong maligo agad akong bumaba sa kusina para kumain kasama ang kapatid ko. Nakaligo na rin siya at kasama si yaya sa kusina. Wala na naman sila mama at papa, siguro umalis ulit sila ng maaga, ganito naman parati eh, halos hindi na namin sila nakakasabay sa pagkain dahil sa trabaho nila. Sige pagbigyan, para naman sa amin yun eh, ang inaalala ko lang naman ay si Jiro, bata pa siya at hindi nya maiintindihan kung bakit ganoon ang mga magulang namin. Sa school.. Haist!! ang aga ko na naman!! teka, oo nga nu!! hindi ko pa nakakausap ng matino si Matt, paano kaya ako makakapagsorry sa kanya, or paano kaya ako makakabawi? ang daming gumugulo sa isip ko, ang daming ideya na pumapasok pero hindi ko alam kung ano ang magiging effective. Para medyo mahimasmasan naman ako, lumabas muna ako ng classroom para maglakad-lakad, kakaunti pa lang ang tao sa school dahil talagang maaga pa. "Josh!! Josh!" may tumatawag sa akin. Tumingin ako at nakita ko ang teacher namin sa Filipino. "Josh, pasuyo namam sayo oh." sabi sa akin ni Ma'am Filipino habang may hinahanap sa bag niya. "Ano po yun Ma'am?" tanong ko sa kanya. "Ipaphotocopy mo nga ito iho, nagmamadali na kasi ako" sabi ni ma'am sabay abot ng activity sheet at pera pangpaphotocopy. "Salamat!!" sabi niya sa akin. "Sige po, punta na po ako sa labas." paalam ko sa teacher ko. "Sige sige, ingat ka dyan ah." paalala niya sa akin. Hindi naman ako nagmamadali, nilakad ko lang yung pwesto nung nagpapaphotocopy, tapat lang naman din kasi ng school iyon. Pagdating ko dun, mayroong nauna sa akin, kaya kailangan ko mahintay. Nakita ko yung pinapaphotocopy niya. Notebook!!, notes ng kaklase nya siguro. Nang biglang may pumasok sa isip ko.   Naalala ko si Matt!! Pagkatapos ko magpaphotocopy, dumiretso na ako agad sa classroom, kasi alam ko, nandun na si ma'am. "Ma'am ito na po, ano pong gagawin natin ngayon?" tanong ko kanya habang inaabot yung mga activity sheets. "Group activity" sagot niya. "Ilang members po per group?" tanong ko sa kanya. "Ahh by pairs lang ito, kaya mamili ka na ng partner mo." payo niya sa akin. Napaisip ako, gusto ko kuntyabahin si ma'am, gusto ko kasi talaga makabawi kay Matt, at gusto ko rin siya makausap ng maayos. Kaya ang ginawa ko.. "Ma'am, pwede po magrequest?" sabi ko sa kanya nang nakangiti. "Pwede, basta hindi incentives huh? Ano ba yung request mo?" sabi nya sa akin ng nakangiti. "Ma'am ganito kasi yun...." at ayun na nga, sinabi ko sa kanya yung request ko, at ipinaliwanag ko na rin. "Ah ok, sige sige, nice idea." pagpayag niya sa plano ko. NICE!! ayan, sana gumana plano ko. 15 minutes before time. Wala pa rin si Matt, hindi pa rin dumadating. 10 minutes before time. Wala pa rin talaga siya, kakapanibago, maaga rin sya pumapasok eh. 5 minutes before time. May sakit na naman ba siya? ano ba yan!! yung plano ko!! 7:30 AM, nag-ring na ang bell, ibig sabihin, simula na ng mga klase. Patingin tingin ako kay sa labas, tinitignan ko kung nasaan na si Matt. Bakit ang tagal niya!!!  Ineexplain na ni Ma'am Filipino ang gagawin, hindi ako nakikinig kasi tinanong ko na sa kanya yan kanina, ang isip ko, nakatuon lang kay Matt!! Kainis! wala atang balak pumasok yun ah!! ggrrrr!!!  Nagulat na lang ako ng biglang... "JOSH!!" sabi sa akin ng isang babae. "Uyy!" sabi ko sabay lingon sa kanya, si Jessa pala yung tumatawag sa akin. Itong si Jessa, alam ko na gustung-gusto ako nito, (Halos lahat naman eh! hehehe) Pero siya talaga, halata kasi talagang pinapakita niya ito. "Ang lalim ng iniisip mo ah." sabi niya sa akin na mukhang nagpapacute. "Wala ka na dun!" pagsusungit ko sa kanya. "Ang suplado mo naman, uy tara, tayo na lang magpartner dito sa activity." pag-anyaya niya sa akin. "Ayoko! may kapartner na ako!" pagtanggi ko sa kanya habang hinihintay pa rin si Matt. "Sige na!" pagpupumilit niya.  "Sabing ayoko eh!! ang kulit mo!!" sabi ko sa kanya na medyo mataas na tono. "Ma'am si Jessa daw po wala pang kapartner!!!" sigaw ko. "Oh Jessa, ito si Richmon, wala pang kapartner, kayo na lang ang magsama." Sabi naman ni Ma'am. Natatawa ako nun pero tinago ko na lang, kita sa mukha niya ang pagkainis. Tumayo siya at pumunta sa kapartner niya, buti na lang talaga, kakuntyaba ko si mam. 15 minutes after, abat wala pa rin ang loko ah!! aabsent nga ata talaga!! 20 minutes, nakatingin na ako sa sapatos. 30 minutes, haist!! wala na to.. "Ma'am! Sorry I am late!! sabi ng isang boses na kilalang kilala ko. Paglingon ko, tama nga ako, si Matt nga yung late na dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD