Chapter 5 - Bungguan

943 Words
Matt's Point-of-View Hingal.. na.. hingal.. ako.. ng dumating sa room, kumaripas na ako ng takbo nung nalamang kong late na ako. Ayokong malate, ayokong umabsent, marami na akong namiss, ayokong madagdagan pa yun. Hayyy buhay, lintik naman kasi yung tatay ko eh, bakit kasi ayaw pang magbago, hindi makamove-on sa pagkawala ni Nanay. Ayun tuloy, dahil sa bugbog na inabot ko, nagkasakit ako, at naconfine pa sa ospital. Hayyyss.. Pagpasok ko sa room, nagsorry ako agad ako kay Ma'am Filipino dahil late ako. Pupunta na sana ako sa upuan ko pero pagtingin ko, may ibang nakaupo. Lalapit na sana ako pero may biglang humila sa akin. Pagtingin ko, si Josh! Hayyyys, ano na naman ang kailangan ng kumag na ito, balak na naman atang mambully ni bwiset!! "Ano na namang kailangan mo?" tanong ko sa kanya na medyo padabog effect. "Umupo ka na nga lang!" medyo naiinis nitong sabi. "At bakit naman ako susunod sayo?" tanong ko sa kanya sabay taas ng isang kilay. "Malamang, ikaw kapartner ko sa activity natin, at kanina pa ako NAGHIHINTAY!" sabi niya sa akin na medyo mataas ang tono. Hala, sya ang kagroup ko? nananaginip ba ako? KAINIS!! Bakit pa kasi nalate ako!! ayan tuloy, SYA ANG KAGROUP KO!!! Well well well, wala naman na akong magagawa, siguro naman hindi ako ibubully nitong siraulong to. "Sorry huh?" paghingi ko ng tawad sa kanya. Napahinga sya ng malalim at napapikit, parang may biglang naisip. "Sige na sige na, umupo ka na, marami na tayong nasayang na oras!" sabi nya sa akin. "Ano ba ang gagawin?" tanong ko sa kanya habang paupo sa tabi. Pinaliwanag naman niya ng maayos, hindi siya nang-aasar, hindi siya nambubully, seryoso siya sa mga sinasabi nya habang nagpapalitan kami ng ideas para sa activity, ngayon ko lang siya nakitang ganun, ngayon ko lang siya nakita na seryoso sa ginagawa niya. "Ayan, natapos din natin." nakangiting sabi ni Josh sabay tingin sa activity sheet. "Sana tama lahat." sabi ko kanya. "Huwag kang mag-alala, tama yang lahat, magtiwala ka lang." sabi nya, sabay ngiti sa akin. Dug-dug dug-dug dug-dug. Teka!? nginitian niya ako? pero bakit ganito? bakit parang.. Hayys.. naninibago lang siguro ako sa mga kinikilos niya. "Ok class, ipasa niyo na activity sheets ninyo, huwag nyung kalilimutan ang mga pangalan nyu ah." sigaw ni Ma'am sa klase. Nakita ko yung iba, nagmamadaling sinulat yung pangalan, yung iba naman, hindi pa tapos at hinablot na lang bigla activity sheets ng iba. Si Josh naman, tumayo na at ipinasa na ang papel namin. Ang pagkakaalam ko, hindi lang talaga looks ang meron si Josh, nasa kanya rin yung tinatawag nilang "brains" kaya talagang marami ang nagkakagusto sa kanya, ang problema lang sa kanya, may pagkasuplado at may pagkapilyo. "Ok, magkakaroon kayo ng proyekto..." announcement ni mam about sa project namin. "...ito ay by partner, at kung sino partner nyu ngayon, siya na lang ang partner nyu sa project para hindi na kayo maghanapan pa ulit." paliwanag ni mam. Watta?! partner kami ulit ni ugok. "Oyy" sabi ko sa kanya with mean look. "Bakit?" napalunok, napatingin sa akin nang nakakunot ang noo. "Anong meron? bakit parang ibang-iba ka ata ngayon?" tanong ko sa kanya, mean look pa rin. "Haiiist! grade ko nakasalalay dito ok?" sabi niya sa akin, medyo na nagagalit. Medyo badtrip pa ata si ugok dahil nalate ako, hindi ko naman kasalanan na nalimutan kong may pasok eh!!. Lunchbreak... Dating gawi ako, diretso agad ako sa karinderya na Lola Chiming, oo Lola Chiming tawag ko sakanya. A/N: Ayan unti unti ko na binibigyan ng name yung mga characters, una si Jiro, ngayon si Lola Chiming naman. Dun ako kumain ng lunch sa karinderya, ayun, nakalibre ako, ganun kabait si Lola Chiming, kasalan ko naman daw, bakit daw kasi ang gwapo ko, ayun tuloy, hahahaha. Habang kumakain, yung mga fans kong babae eh umupo malapit sa table na kinakainan ko. Noong umupo sila, sakto na patapos na ako nun. Tapos biglang.. FLASH!! Nagulat ako, napatingin ako sa kanila at nung paglingon ko. FLASH!! Ayun ulit, napapikit ako, nakakasilaw kasi. Hay naku, mga babae ngayon, ang hilig nang mang stolen shot. Dahil dun medyo napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Parang wala lang nila yung pagtingin ko sa kanila ng medyo masama, medyo nainis ako nun kasi kumuha sila ng picture ko ng walang paalam. Bigla silang nagtilian nung pagtingin nila dun sa picture. Hayyyss!! Tapos biglang lumapit sa akin yung isang babae nung tumayo na ako sabay hawak sa braso ko. "Hi!! Kuya!! Pwede bang kunin ang number mo?" sabi sa akin nung babae, kilig na kilig pa rin. Medyo inis ako nun kaya.. "Sorry, wala akong cellphone eh!" sabi ko sa kanya, suplado effect ako nun sabay walkout. Pero sa totoo lang, wala talaga akong cellphone. Yung tatay ko kasing magaling, hindi lang ako magawang bilhan. Hindi rin naman ako makapag-ipon kasi hindi kaya ng bulsan, saktong sakto lang kasi yung pera ko para sa pang araw araw na buhay ko. Tinapos ko na lahat ng gawain ko agad para makabalik sa school ng maaga, ayoko kasing malate ulit. Physics pa man din yung unang subject ko sa hapon, kaya ayaw kong mamiss kahit isang minuto lang kasi mahirap humabol. Sa school... Pagdating ko ng classroom, medyo marami na ring tayo. Umupo na ako agad sa upuan ko sabay hanap kay Josh. What!? bakit bigla ko siyang hinahanap. At bakit sa dinadami daming tao na pwede kong hanapin eh siya pa!? Lingon dito, lingon doon, pero wala pa siya. Napasarap ata kain ni ugok ah. Hmmmh.. Tumingin ako sa orasan. 5 minutes na lang, magriring na ulit yung bell, hudyat na magsisimula na ulit ang klase. RRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGG!! At nagring na nga ang bell, may estudyanteng nagtatakbuhan sa koridor, syempre, ayaw din nilang malate. Tapos ayun na nga, nung saktong lalabas sana ako para magtapon ng basura. Bbbuuuggg! Awwww!! Ang sakit!!! "Tumingin ka naman sa dinadaan mo!!" sabi sa akin nung nakabungguan ko. Pero teka... sino ba tong nakabungguan ko? Putek!!! Si Josh pala!! Lagot na!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD