Chapter 6 - Sitting Arrangement

985 Words
Josh's Point-of-View Hayy naku!! akala ko pa naman hindi na papasok tong si Matt. Kinabahan ako dun ah!! Pero nakakainis!! hindi ko pa rin nasabi yung dapat kong sabihin!! at ang mas nakakainis pa.. "Sorry huh?" Nung narinig kong sinabi nya yun... SHHHHH********TT!! bakit siya ganun ganun na lang makapagsabi ng 'Sorry'!! Samantalang ako!! HAIIIISSSSTT!! Medyo badtrip ako nung oras na ginagawa namin yun project, kaya talagang seryoso ako nun, ayaw ko rin kasing bumaba ang grade ko noh! Actually, kahit ako lang mag-isa, kayang kaya ko yun, napakadali lang naman kasi kung magbabasa ka ng mga tekstong binibigay para mga lessons. Ewan ko lang talaga sa mga kaklase ko kung bakit hindi nila magawa gawang magbasa.  "Ayan, natapos din natin." nakangiting sabi ko tapos tingin sa activity sheet. "Sana tama lahat." sabi ni Matt sa akin, yung mata nya nakatingin sa activity sheet, medyo droppy eyes tapos nakapout yung mga labi nya. Tinignan ko siya noon, dun ko lang siya nakita ng malapitan, may itsura siya, ang ganda ng mga mata niya, ang kanyang ilong maganda ang pagkakatangos, at ang kanyang mga labi... kissable! Teka?! ano to? naattract ba ako sa kanya? haistt!! Di pwede!! Di pwede!! "Huwag kang mag-alala, tama yang lahat, magtiwala ka lang." sabi ko na lang sa kanya, tyaka ko sya nginitian. Ewan ko ba kung bakit ko nagawa yun, siguro nga, medyo may impact sa akin yung pagtingin ko sa kanya. ... Natapos na ang pang umaga naming klase, nagmadali akong lumabas, kailangan ko kasing magmadali, hindi ko rin hinintay yung mga kasabay kong kakain dahil panigurado, mag-aayos pa yung iba sa kanila. Tinext ko na lang sila na hindi ako sasabay na kakain. Pagkatapos na pagkatapos ko, ayun, pahinga lang ng kaunti tapos larga na agad, alam ko kasing medyo matatagalan ako sa gagawin ko kaya binilisan ko na yung paggalaw ko. Tinungo ko yung photocopy center na pinuntuhan ko kanina. Buti na lang, walang nagpapaphotocopy!! Nilabas ko yung mga notebook ko at.. "Kuya paphotocopy po ako" sabi ko dun sa nagbabantay. "Nasaan?" tanong niya sa akin. "Ito pong mga ito oh, from this page hanggang dun sa last pag na may sulat." sabi ko sa kanya. Medyo nabigla ata si kuya, ang dami kasi eh, mga 8 subjects yun. "Dami nito ah"sabi ni kuya na magpophotocopy. "Kaya nga po eh" sabi ko sa kanya sabay kamot sa ulo. At dahil sa dami kong ipapaphotocopy, sa tingin koy matatagalan talaga ako, madami din kasing nakasulat sa mga iyon, ganyan kasi ang uso talaga sa mga public school, yung mga notes, talagang sinusulat namin kasi hindi uso yung libro sa ibang mga subjects, at kung uso man, iba pa ring yung mga sinusulat ng mga teachers sa black board. 1 notebook na lang ang hindi napophotocopy, pagtingin ko relo ko.. WHAAAT!! 15 minutes before time?!! hala, baka malate ako!! PHYSICS PA MAN DIN YUNG SUSUNOD NA SUBJECT -_- Medyo pinapadyak ko na yung paa ko,pabilis ito ng pabilis, tingin din ako ng tingin sa relo, palapit na nang palapit yung time. 10 minutes before time.. magsisimula pa lang siyang iphotocopy yung last notebook ko. HAIISTT KUYA BILISAN MO NA!!!? Kulang na lang ay tadyakan ko na siya pati yung Xerox machine para lang bumilis yung paggalaw niya. 5 minutes before time.. HALA AYAN NA KUYA!! 3 minute before time.. AYAN TAPOS NA!! "Magkano kuya?" tanong ko kay kuyang nagbabantay. "78 lahat lahat" sabi niya sa akin pagkatapos kwentahin. Malamang lahat lahat, alangan namang isa-isa!! sabi ko sa sarili ko hahaha.. Sorry syempre, may pagkapilosopo ako.. Dumukot ako sa bulsa ko, kinuha ko yung 100 pesos tapos binigay ko sa kanya, inabot ko na yung mga notebook ko at pinaphotocopy tapos siniksik ko agad lahat sa bag. Sabay takbo! "Kuya keep the change!!" sabi ko sa nagbabantay. Hindi ko na narinig pa yung sinabi nung lalaki, basta kumaripas na agad ako ng takbo pabalik sa room. RRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGG! Ayan na nga at nagring na yung bell.. SHH*****************TTTTT!!! ADRENALINE! ADRENALINE!! Mas binilisan ko yung pagtakbo.. Malapit na ako nun sa room, ayan na, palapit na ng palapit. tapos... BUUUGGGG! Aray!!! "Tumingin ka naman sa dinadaan mo!!" sabi ko dun sa nakabungguan ko. Pero mukhang mali ata, ako yung hindi nakatingin, ako kasi yung nagmamadali sa pagkakaalam ko. Hindi pa man din ako nakakatayo ay.. "UY SORRY SORRY SORRY JOSH HINDI KO SINASADYA!!" sabi sa akin nung nakabanggaan ko. Hinawakan nya yung braso ko para sana tulungan ako itayo, hinawi ko yun kasi medyo naiinis ako, hindi pa ako tumitingin sa kanya nun, baka kasi masapak ko pa. Pagpag... pagpag... pagpag... pagkatapos kong magpagpag, tyaka ako tumingin. PAK SH****************TTTT.. bigla akong namula. Nasupladuhan ko siya, nasupladuhan ko si Matt... Ano ba yan!!! bakit ba tuwing umiinit ang ulot ko, sakto na lang lagi sa kanya ko nabubuntong!! Haist, feeling padami nang padami ang kasalan ko, tapos yung iisang "Sorry" hindi ko pa masabi sabi!! Kainis na!! Buong hapon ko atang sinusulyapan si Matt, haisst.. peste naman kasi eh, dapat before pa magsimula yung Physics tyaka ko ibibigay yung mga notes, kaso, haist!! ayoko nang maalala. Habang tinitignan ko siya, halata sa mukha ang pagkayamot. Ikaw ba naman hindi makahabol sa mga klase at ikaw ba naman ang walang gaanong kaclose sa klase, talagang mahuhuli ka. Noong Araling Panlipunan na namin. Ayun na't dumating na ang Baklusha naming teacher. "Oh klasss!!! magsi-tayo muna kayong lahat, may gagawin tayong arrangement." sabi niya sa mala pinaghalong baka at pato na boses niya. Arrangement? aba uso pa pala to. Pero paano yung magiging arrangement? At iniayos nga kami ng Bakla kong teacher sa AP, at syempre, obvious naman kung ano ang magiging arrangement, alphabetical order, pero mga lalaki ang nasa harapan. Kakaunti lang naman kaming lalaki sa section namin eh, mabibilang lang ata sa daliri kung ilan kaming lalaki. "Sarmiento, Josh Anthony!" tawag ni Mam/Sir Aral Pan "Ma'am!! ayy este Sir po pala." sigaw ko. Namula at medyo napangiti si Sir. Alam na! "Sevilla, Matteo Robert." pagtawag niya kay Matt. Ayun oh, magkatabi.. nice!! mukhang pinagtatagpo kami ng tadhana!! Natapos na yung biglaan niyang pag-aarrange ng upuan namin, medyo masaya ako kasi si Matt ang katabi ko. Pero teka, bakit pala ako masaya? Napatingin ako sa kanya. Napatingin din sya sa akin. Eye contact..... HHHHHHHAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!! SH**********TTTT!! MATUTUNAW ATA AKO!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD